15

3.6K 93 6
                                    

Jershin's pov

"Natagpuan na namin ang lugar ng pinangyarihan ng krimen. Nakita namin ito doon"inabot niya sa akin ang isang bagay na laging sout ni Ranz na relo. Marami itong gasgas.

Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon sa Private Investigator ko.

"Nandun na din ang mga pulis. Natrace namin ang sasakyan ni Miss Reisha na nandun pa din sa pinangyarihan ng krimen"napatango ako.

"P-posible bang buhay pa si Ranz?"tanong ko.

Umiling naman siya at napayuko.

"Napulot ko ang relong yan sa ilalim ng bangin sa may dalampasigan. Maliit ang tsansa na mabubuhay pa ang tao na nahulog sa bangin na iyon masyadong mataas"napaupo ako sa sinabi niya.

Paano ko sasabihin kay Yanna ang lahat ng ito? Paano ko ipaalam sa kanila ito? Ang hirap. Matagal ko ng pinaimbestigahan ito pero ngayong malapit ko ng malaman ang lahat napupuno ng pangamba ang puso ko. Natatakot ako.

"Kahit maliit na posibilidad pwede pang mabuhay siya kung sa dagat siya nahulog pero kung buhay siya dalawang taon na pero bakit hindi pa siya bumabalik"sabi ko at nahulog sa malalim na pag-iisip si Ulysess ang P.I na kaibigan ko simula nung mag-aral kami sa College.

"Wala ng mabubuhay para sa akin kung nahulog man siya sa bangin maliban nalang kong may nakakita sa kanya kaagad at nadala siya sa ospital. Masyadong liblib ang lugar na yun at walang katao-tao"

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa din kayang paniwalaan ang lahat ng ito. Iniisip ko kasing nagtatago lang si Ranz pero ang isipin na wala na siya? Hindi ko alam kung makakaya pa din ba ni Miss Reisha ito. Lalo na si Shinzhel. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya baka tuluyan na siyang lumayo sa aming lahat kapag nagkataon.

"Ang gusto kong malaman ay kung si Ranz lang ba ang nandun. Paano naman ang kapatid niya si Keira Zake?"

"Walang mga gamit ni Keira Zake akong nakita doon puro gamit lang ni Miss Reisha at Ranz ang nandun"sabi niya at tumingin sa celphone niya.

"May gagawin ka pa ba?"tumango naman siya.

"May pinapagawa sa opisina. Tatawagan kita kung may malaman pa ako"tinanguan ko naman siya kaya nagmadali na siyang umalis.

Napaupo ako ng maayos sa swivel chair ko sa opisina at kinuha ko ang picture ni Zhelina.

Sana nga isa nalang itong panaginip Zhelina hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong masaktan ang anak natin sa nalaman ko.

Paano ko ipapaliwanag kay Shinzhel na wala na ang Papa niya. Si Ranz pa din ang nakasama niya habang lumalaki siya. Malaki ang epekto ni Ranz sa anak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Yanna's pov

"May mga bagay din siyang sinabi sa akin. May posibilidad na base sa mga nakita niya iyon. Posibleng gawa gawa din ng utak niya"sabi ng doctor ni Tita.

Ayokong paniwalaan iyon. Ayokong maniwalang mawawala ng ganun-ganun lang si Ranz. Kumikirot ang puso ko.

"Nakikita ko naman kay Reisha na gumagaling na siya ng paunti-unti. Hindi na siya nagwawala kapag nakakarinig ng ingay"sabi pa niya pero hindi pa din ako makapagsalita.

"Are you okay?"tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Hindi ko kaya"sabi ko at napatungo.

Hindi naman siya nagsalita parang hinhintay niyang may sabihin pa ako. Hindi ko kayang magsalita man lang. Natatakot akong malaman na wala na siya. Wala na si Ranz. Wala na ang asawa ko. Ayoko! Ayokong maniwala.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon