20

3.6K 105 2
                                    

Yanna's pov

Napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa salamin. Tapos na akong mag-ayos at pinapraktis ko ang sarili ko kung paano ako ngingiti mamaya. 

Nakakabagot ang mukha mo Yanna.

Napailing nalang ako at naagaw ng atensyon ko ang celphone na ring ng ring.

"Yanna? Are you ready?"gusto kong sumagot ng hindi.

"Oo slight"sabi ko.

"I'm coming then"sabi niya at pinatay na ang tawag.

Tama nga si Jenna may nagbago kay Carlz. Ewan ko pero pakiramdam ko may nagbago talaga sa kanya. 

Dahil ba sa akin?

Napabuntong hininga nalang ako. Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok nito at may nagbukas.

"Aalis ka?"tanong ni Tita Reisha kaya tumango ako sa kanya.

Tumayo siya sa likod ng inuupuan ko sa harap ng salamin.

"Ang ganda ganda mo na"sabi niya at inayos ang buhok ko na kinulot ko pa ang dulo.

"Nadala ng sabon lang yan Tita"tumawa naman siya.

"Bumabalik na si Eniki na namimiss namin"napangiti din ako kay Tita pero sa salamin ako nakatingin.

Nababalik na nga pero ang Ploranzio niya wala pa din.

"Wag mong kakalimutan si Ranz"sabi ni Tita kaya ko siya nilingon.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Wag mong kakalimutan ang anak ko"sabi niya ulit.

"Hindi ko ata kayang gawin yun Tita"sabi ko na nginitian ni Tita.

"Malaki ang pinagbago ni Ranz simula nung makilala ka namin. Sana nga maging maayos pa ang lahat kahit na wala na si K-Kei para gabayan sila"sabi ni Tita at humagulgol ng iyak.

Agad akong tumayo at yumakap kay Tita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya hinayaan ko nalang na umiyak si Tita habang nakayakap sa akin.

Nasasaktan ako para kay Tita. Nawala na sa kanya ang lahat. Mga magulang niya at ang asawa niya tapos nawawala pa ang mga anak niya.

Nung kumalma na si Tita ay nakangiting inayos niya ulit ang buhok ko.

"Sorry nagulo ko pa ata ang ayos mo. Maganda ka pa din naman kahit gaano pa kagulo ang buhok mo"sabi ni Tita kaya napangiti ako.

"Tita naman alam ko po yun"biro ko kaya natawa naman siya.

"Alam mo ba Eniki. Mahal na mahal ka ng anak ko. Hindi man niya laging sinasabi sa iyo yun pero mahal na mahal ka niya. Nung araw ng kasal mo kinailangan kong sundin ang utos ng may hawak kay Kz. Kailangan kong ipadala ang sulat sa iyo. Patawarin mo ko ah"tumango lang ako kay Tita.

"Wala kang kasalanan Tita. Sorry din po kung nagalit man ako sa kanya sa nangyari"hinawakan naman ni Tita ang kamay ko.

"H-hindi ko na maalala ang nangyari basta ang huling nakita ko.. Naitulak ni Kei si Ranz sa bangin bago siya natamaan ng bala sa likod niya. Nawalan ako ng malay at ng magising ako yun na ata yung nabaliw ako sa sobrang sakit ng mga nangyari"malungkot na kwento ni Tita.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nag-unahan na sa paglabasan ang mga luha ko.

"B-buhay pa naman siya di ba? Buhay pa naman si Ranz?"tumingin si Tita sa akin at yinakap ako.

"Sorry Eniki, hindi ko masasagot ang tanong mo na yan"sabi niya.

"Nararamdaman kong buhay pa siya at babalikan niya ako"may pag-asang sabi ko.

Taking My Ex-Wife BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon