Chapter 4

34.4K 847 22
                                    

Kietlyn POV's:

Kahit masama ang pakiramdam ko ay pumasok parin ako sa school. Mukhang lalagnatin pa ako na hindi ko pinahalata kanina sa mga Nanays ko dahil mag-alala ang mga iyon. Kinaya ko nalang para makapasok ako.

Lunes ng umaga ay nagpatawag ang dean ng University sa mga Student Council. Dahil ako ang Student Secretary ay kailangan kong umatend. Dahil kasama si Paul sa Student Council kaya sabay kaming pumunta sa meeting place ng school. Pagpasok sa loob ay nandoon na ang lahat maliban kay Dean/Dr. Ramirez na kakapasok lang din.

"So. I called this meeting to inform you students that the owner of this school will be visiting today. You will be assisting and accommodate him. Kindly inform your co-students  about this. That's all. Thank you." Umalis din agad si Dean matapos niyang sabihin iyon.

Ang iba sa mga kasama namin ay lumabas para ipaalam ang tungkol sa pagdating ng may-ari nitong University habang ang iba samin dito ay pinaiwan para pag-usapan ang mga dapat namin gawin. Kasama ko si Paul dito sa loob.

"Miss Secretary ikaw ang mag-assist sa owner nitong school. Iyon naman ang trabaho mo. Take down notes if ever he had suggestions or comments." Tumango nalang ako sa pahayag na iyon ni Lilibeth Ong. Ang Student Council President.

"Okay po Miss President." Kokontra pa sana ako sa kanya dahil siya dapat ang mag-assist sa may-ari dahil siya ang Presidente at hindi ako pero tumahimik nalang ako. Secretary nga naman ako kaya ako ang inutusan. Pampaganda lang yata ang alam ng babaeng ito. Mga mayayaman nga naman.

PAGPATAK ng alas niyebe ay sinignal kami na paparating na daw ang may-ari kaya nandito kaming lahat ng mga Students Councils sa tapat ng school kung saan bababa ang may ari.

Tinawag ako ni Paul na nasa likod kaya pinuntahan ko siya.

"Bestfriend bakit?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. Kinakalikot nito ang cellphone at pinakita sakin ang isang lalaki na gwapo at maputi.

"Sino 'yan?" Nagtataka ako dahil malawak ang pagkakangisi ni Paul. Parang kinikilig.

"My new Boyfriend!" Bulong niya sa tenga ko na kinangiti ko nalang at sabay iling. May bago na naman siyang boyfriend at ang dali lang sa kanyang magpalit ng lalaki. Kung babae lang talaga siya ay mapagkakamalan siyang malandi. Pero ganun pa man ay masaya ako sa Bestfriend ko dahil iyon ang kasiyahan niya kaya susuportahan ko.

Bumulong din ako sa kanyang tenga para kaming dalawa lang ang makakarinig.

"I'm happy for you Bestfriend. Congrats!" Natawa nalang kami pareho at nagyakapan pero laking gulat ko nang may humila sa braso ko at kinaladkad ako papasok sa Science laboratory. Narinig ko ang paglock ng pinto na kinatakot ko. Bigla din bumilis ang tibok ng puso ko.

Napaharap ako kasabay ng pag-awang ng bibig ko sa taong kaharap ko ngayon. Madilim ang kulay bughaw niyang mga mata na nakatunghay sakin. Napaatras ako sa takot ng marinig ang mabibigat niyang hakbang papunta sakin. Nagtaka ako dahil bakit siya nandito sa school.

Napapikit ako sa panlulumo ng masandigan ko ang lamesa. Nakorner niya ako at hindi nagbabago ang anyo ng kanyang mukha. Nagtatagis ang bagang at galit siya.

"Sino ang lalaking iyon Kietlyn? Sumagot ka!" Napakislot ako sa paghawak niya sa mga balikat ko nang hindi agad ako nakasagot dala ng pagkabigla sa pagdating niya dito sa school.

"Bestfriend ko! Bakit ba? Bigla ka nalang nanghahatak at ano nalang isipin ng ibang mga estudyante sa ginawa mo!" Kahit masama ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa siyang sigawan. Nagagalit ako sa kanya dahil ako na naman ang pag-uusapan sa labas tungkol sa nangyaring ito.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon