Epilogue

42.7K 1.1K 134
                                    

Epilogue

Nagniningning sa pagmamahal ang aking mga mata habang nakatitig sa babaeng naglalakad sa gitna ng pulang carpet. Kasunod siya sa dalawang batang babae at lalaki na may bitbit na basket habang sinasabugan ng pulang rosas ang paligid. Mapapansin kung saan nagmula ang dalawang bata.

Hapit na hapit naman sa kanyang katawan ang suot nitong dress na kinalunok ko. Parang gusto ko na siyang iuwi at angkinin buong araw. Nasasabik tuloy ako at umiinit ang katawan ko. And, I felt my buddy erected so much.

Napatingin siya sakin kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya sakin. Pakiramdam ko ay umiikot lang sa'min dalawa ang paligid. Tanging mga mata namin ang nangugusap. Tanging mga puso namin ang nagkakaunawaan. Tanging siya at ako lang sa lugar na ito.

Kita ko din ang ningning sa kanyang mga mata. Iisa lang ang ibig sabihin nun.

Mahal na mahal namin ang isa't isa. Walang makakahadlang o kokontra.

Pinagtagpo kami ng tadhana. Pinag-isa ang isip, katawan at puso. Panghabang buhay na magkasama hanggang kamatayan.

"Pre, akin 'to kasal hindi sayo." Siniko ako ni Paul na nasa gilid ko.

"Tsk. I know." Pasuplado kong pahayag dito na kinangisi nito.

Naupo na si Kietlyn sa kanyang upuan habang katabi niya ang aming mga anak.

Muli akong napangiti ng makita ang pamilya ko. Ang marami at masaya kong pamilya.

Si Client at Clisha na nasa sampong taon gulang na. Kasunod si Kailyn na anim na taon gulang. Tapos si Dwayne na limang taon gulang. At ang kambal kong muli na mga bunso, sina Clarencio at Josefina, nasa apat na taon gulang naman sila.

Kay bilis talaga ng panahon at  kasabay noon ay ang paglaki din ng mga anak ko.

Kumaway sila sakin nang tingnan nila ako. Nandito kasi kami sa kabilang upuan.

Maya maya ay dumating ang bride at nagsimula na ang seremonya hanggang sa ito ay natapos.

"Congratulations, Bestfriends!" Agad na bati ni Kietlyn sa kanyang mga kaibigan.

Sina Paul at Mariel na sa wakas ay nagkatuluyan din. Sa totoo nga ay may isa na silang anak na lalaki na kasing gulang ni Dwayne.

"Thank you, Best!" Si Paul.

"Masaya talaga ako at kayo din ang nagkatuluyan. Sabi ng meant to be kayo sa isa't isa!"

"Kaya nga naging lalaking lalaki ang asawa ko ay dahil pinatikim ko!" Nagkatawanan silang tatlo sa pahayag na iyon ni Mariel.

Napangiti nalang ako sa kanila.

"Grabe ka talagang magmahal kay Kietlyn, Bro! Buntis na naman?" Kinalas ko ang akbay nito sakin balikat.

"Tsk. Inggit ka lang dahil hanggang ngayon hindi mo parin nakukuha ang gusto mo." Ngumisi ako ng malapad ng makita ang mukha nito.

"Sus! Ako pa ang nasabihan. Diyan ka na nga!" Natawa ako sa mukha na iyon ni Brent. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ito sinasagot ng babaeng nililigawan nito.

"Babe, ang mga bata?" Hinapit ko ito sa kanyang beywang. Nahaplos ko muna ang kanyang tiyan. Apat na buwan palang iyon at malaki na.

"Nasa sasakyan na sila. Let's go. Bawal sayo ang mapagod." Inakay ko na siya palabas ng simbahan at tinungo ang sasakyan.

Umuwi nadin kami pagkatapos ng reception. Nagpaalam kami kila Paul at Mariel na mauna nang umuwi.

Pagdating namin sa bahay ay nauna nang pumasok ang mga bata sa loob. Inalalayan ko naman si Kietlyn sa kanyang paglalakad baka matapilok siya mahirap na.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon