Kietlyn POV's:
"Damn! Bakit ba pinagagalit mo ako ng ganito?" Tanong niya bigla habang nakasubsob parin ako sa kanya. Ramdam ko ang pagtaas ng kanyang dibdib at ang pagkuyom ng isa niyang kamay na nasa manibela. Parang doon niya binubuhos ang kanyang galit sa higpit ng kapit niya doon.
Aalis nadin sana ako sa pagkasubsob sa dibdib niya pero sa isang iglap ay nakaupo na ako sa kanyang kandungan patalikod. Nasa likod ko siya at nakayapos sa beywang ko ang dalawa niyang kamay habang nakasubsob sa leeg ko ang kanyang mukha. Kaya ang mainit niyang hininga ay nagbigay sakin ng ibayong init na dumaloy sa buo kong kalamnan.
"B-bakit ka nagagalit, wala naman akong ginagawa sayo." Naisatinig ko bigla at rinig ang panginginig ng boses ko. Nakikiliti ako sa pagdampi ng kanyang labi sa leeg ko. Ramdam kong sunod sunod ang hininga niya doon.
"You got me jealous, Baby.." Bigla ang pagtahip ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, para bang kinilabutan ako sa kanyang sinabi pero may isang parte din sakin na parang hinaplos na nagbigay kasiyahan sa pagkatao ko.
Pero bakit naman siya magseselos? Kay Dwayne ba siya nagseselos?
Tapos na siya kay Maam Isabella at ako naman ngayon ang kanyang binalingan?
Sa isiping iyon ay bigla na akong kumalas sa kanya at bumalik sa upuan ko habang hindi tumitingin sa kanya na napamura.
"Iuwi muna ako, pakiusap." Alam kong nakatingin siya sakin ng seryoso dahil kita ko sa tinted na salaming bintana. Matiim niya akong tinititigan.
Napapikit ako ng ilang minuto bago dumilat at nahuli kong nakatitig na siya sa mga mata ko kaya umiwas agad ako ng tingin bago umayos ng upo.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nang binasag niya ang katahimikan.
"Who's that guy?" Galit ang tono ng kanyang boses. Alam kong si Dwayne ang kanyang tinutukoy.
Hindi ako nagsalita sa halip ay pumikit nalang ako at nagkunyaring natutulog. Bakit ko naman sasagutin ang tanong niya na wala naman patutunguhan. Pakialam ba niya kung sino man ang kasama ko.
Paano kaya niya nalaman kung nasaan ako? Bampira ba siya kaya naaamoy niya ang baho ko?
"Kietlyn! Answer me or else.. I will lavish your body until you cannot walk!" Napadilat ako sa pagbabanta niyang iyon.
Masama agad ang tingin pinupukol ko sa kanya. Habang siya ay nakangisi na ang mukha ng nakakatakot. Nagdulot sakin iyon ng kaba pero nag-init din ang pakiramdam ko.
Iniwaksi ko ang naisip.
"Ang sama mo talaga! Bakit ba ako na naman ang ginugulo mo? Nagsawa ka na ba kanina kay Maam Isabella at ako naman ang isusunod mo? Kapag inaangkin mo ako ganun din ba ang ginagawa mo kay Maam Isabella?" Ang pagtitimpi kong naramdaman ay ibinuhos ko na ngayon sa kanya. Nakita ko naman na natigilan siya at mariin napakuyom ang kanyang kamao sa may manibela.
Bakit ba kasi nasasaktan ako? Bakit sa tuwing maiisip ko na kasama niya si Maam Isabella at may ginagawa silang dalawa ay natutusok ang dibdib ko. Parang pinapatay ako ng sobrang pagkainggit kay Maam Isabella dahil nakakasama niya si Clienton.
BINABASA MO ANG
Darkness Desired
Romance"I'll never get tired of savoring her body."-Clienton Cussler "I am surrendered myself to his soft touched."-Keitlyn Galvez STARTED:08-03-19 ENDED:01-20-2020 By: MAYAMBAY Book Cover By: BlackPurplePink19