Chapter 17

26.9K 772 22
                                    

Clienton POV's:

Wala na akong hihilingin pa. Ang lahat ng gusto kong naisin ay ibinigay na niya sakin. Mas ang tatlong nilalang na sobrang mahalaga sakin. Mas mahalaga pa sa buhay ko. Ang aking mga kayamanan. Kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga sa mundo.

Mga anak at asawa ko..

Kay sarap pakinggan. Kay sayang pagmasdan. Kay lugod uwian.

Napangiti ako habang pumipirma ng mga papeles dito sa loob ng opisina ko. Pero napahinto ako ng bumukas ang pinto. Agad nangunot ang noo ko pagkakita sa taong pumasok. Dumiretso itong naupo sa sofa at pinakita sakin ang mga hita nito bago nagsindi ng yosi.

Wala naman akong pakialam at pinagpatuloy ang ginagawa. Mas importanteng matapos ko ito para makauwi nako sa pamilya ko. Namimis ko na agad sila.

Aakalain mong hindi professional. Pero tootong hindi na dahil nagbitiw na ito sa trabaho. Nahuli lang naman na pinapanigan ang mga kriminal.

"Hi, Babe. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Napabuga ito ng usok.

"Hindi tambayan ang opisina ko para sa mga taong walang magawa. Hindi din ito bugahan ng usok. Kaya maaari ka nang lumabas." Isang sulyap lang ang ginawa ko pero matalim iyon.

"Sus, suplado!" Natawa ito sa sinabi ko pero hindi natinag sa pagbabanta ko. Inulit pa nito ang pagbuga ng usok. Maya maya ay nagpatuloy ito sa pagsalita na kinatigil ko. "Balita ko'y nandito na ang kinababaliwan mo?"

Tiim- bagang ko itong tinitigan.

"Saan mo naman nakuha ang bagay na iyan?" Alam kong galit na galit ito kay Kietlyn. Nalaman nito noon ang namagitan sa'min dalawa nung magpunta ako sa bahay niya at hinanap si Kietlyn.

Nagsisigaw pa ako noon kakahanap sa kanya at buong bahay ay pinasok ko pero hindi ko siya nakita. Nagtataka ang babaeng ito at mga kasambahay na malapit kay Kietlyn kung bakit hinahanap ko siya. Tinanong pa ako nito pero hindi ako nagsalita. Pero nalaman din agad nito nang palihim niya akong pinasusubaybayan.

Nagpunta ito sa condo ko at nagwala sa galit. Doon ay tinapos ko nadin ang namamagitan sa'min kahit init lang sa katawan ang mayroon kami. Ito lang naman ang habol ng habol sakin. Pinagbibigyan ko lang.

Muli itong tumawa ng nakakaloko habang lumalapit sa lamesa ko. Tinapon nito ang yosi sa sahig at inapakan ng madiin.

Kaharap ko na ito ng magsalita siya.

"Takot ka bang malaman ko?" Ngumisi ito ng kakaiba. "Dahil kapag nakita ko siya ay alam mo na ang gagawin ko? Hindi lang siya kundi pati mga anak mo"

Sa sinabi nito ay nandilim ang paningin ko. Marahas akong tumayo sabay hablot sa braso nito. Dumiin ang kamay ko

"Huwag na huwag mong masaktan ang pamilya ko! Dahil kapag nangyari iyon ay papatayin kita!" Gusto kong sakalin ang babaeng ito pero nagtitimpi lang ako ng galit. Ang ayoko sa lahat ay binabantaan ang pamilya ko.

"B-bitawan mo nga ako nasasaktan ako!" Pilit nitong kinakalas ang kamay pero muli akong nagbanta.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin. Dahil papatayin talaga kita at hindi ako nagbibiro. Lubayan mo ang pamilya." Ibinulya ko ito ng marahas na kinaatras nito. Bumakat ang kamay ko sa balat nito.

Nakita kong nanlilisik ang mga mata nito sakin.

"I hate you! You will pay for this!" Mabilis itong tumalikod at lumabas ng pinto.

Naiwan akong napakuyom ang mga kamay.

Kilala ko ang babaeng iyon. Madumi itong makipag-away. Lahat ng paraan gagawin nito para lang manalo. Kahit idaan pa nito sa marahas na paraan. Hindi ito mapagkatiwalaan. Masama ang babaeng iyon.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon