Kietlyn POV's:
"N-nay Daisy, pwede po ba akong lumabas muna?" Tanong ko sa kanya matapos kong maglinis doon sa library.
"Saan ka ba pupunta, Baby Kietlyn?"
"May bibilhin lang po sana ako." Pagdadahilan ko pero ang totoo ay gusto kong lumayo dito sa bahay.
"Sige, basta huwag kang magpagabi dahil delikado sa labas at ayokong mapahamak ka." Ngumiti ako at agad siyang niyakap at hinalikan sa kanyang pisngi.
Salamat po, Nay. Hindi po ako magpapagabi." Tumango siya kaya kinuha ko muna maliit kong bag na laman ang wallet at cellphone ko bago lumabas at sumakay ng tricycle. Nagpahatid ako sa peryahan malapit lang dito.
Pumasok ako sa loob at pilit pinapasaya ang sarili sa mga nakikita kong bagay na nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako. Tumatanaw ako sa Ferris wheel habang kumakain ng fish balls. Ito ang madalas kong ginagawa kapag nandito ako sa lugar na ito.
Hindi mo maiisip ang lungkot at kasiyahan lang ang makikita dito. Mapapasabay ka nalang sa mga ngiti at saya sa mukha ng mga taong makakasalamuha mo dito. Ito ang lugar ng kasiyahan at pagliwaliw sa iyong sarili.
"Malalim yata ang iniisip mo, Kietlyn? May problema ka ba?" Nagulat ako nang maupo si Dwayne sa tabi ko. Nakamaang nakatingin ako sa kanya na nakangiting tumatanaw din sa mga rides habang nakapamulsa.
"A-anong ginagawa mo dito, Dwayne?" Hindi parin ako makapaniwala na nandito siya sa lugar na ito.
"Nakita kita na nakasakay sa tricycle na malungkot ang mukha kaya sinundan kita." Sumulyap siya sakin at ngumiti ng tipid. Oo, nasa kanya na lahat ng bagay na gugustuhin mo sa isang lalaki pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Kaibigan ay mayroon pa siguro.
"Ah ganun ba."
"So, bakit ang lungkot yata ng mukha mo, Sweetheart?" Ayan na naman siya.
"Wala. Gusto ko lang magliwaliw." Tanggi ko naman sa kanya na matagal akong tinitigan.
"Okay, sabi mo eh. Teka, pahingi naman ng kinakain mo." Hindi pa ako nakapagsalita ay kinuha na niya sakin ang fish balls na kinakain ko. Nakalagay iyon sa cups at hindi pa nakakalahati.
Napailing nalang ako sa inaasal ng lalaking ito. Parang batang isip magkilos. Sarap na sarap siya sa kinakain kaya naubos niya iyon.
"Saan mo ito binili? Samahan mo ako bili tayo uli!" Hindi na ako nakaangal pa nang hawakan niya ako sa kamay kaya tinuro ko nalang kung saan ko iyon binili.
Marami ang nakain niyang fish balls, kikiam at tempura habang ako ay ganun din. Sobrang sarap kasi ng sauce na gawa ni Manong kaya hindi namin tinantanan ni Dwayne ang pwesto niya. Nagkatawanan pa kami kapag may sauce na nagkalat sa aming bibig.
Natutuwa akong makita na kumakain sa ganitong lugar si Dwayne. Sa mga pagkain na first time daw niyang natikman at ako pa daw ang unang nagpatikim nun sa kanya.
Inaya ko din siya na subukan niya ang iba't ibang rides dahil mas maganda pa iyon. Hindi naman siya komuntra at sumunod nalang kung saan saan ko siya dinadala.
Kaya pagkatapos ng buong rides ay hapong hapo kami at namamawis na din pero sobrang saya ang aming mukha. Nalimutan ko tuloy ang lungkot na nararamdaman ko.
"Thanks for this joyful evening." Nakangiti at sinsero niyang pagkakasabi na kinatango ko lang sa kanya.
"Thank you din sa pagsama sakin kahit hindi ka sanay ay alam kong nasisiyahan ka rin."
"Yeah. It's because of you, Kietlyn. Masaya akong nakasama kita ngayon, Sweetheart." Hinalikan niya ako bigla sa pisngi ko kaya napangiti nalang ako. Sanay din naman ako sa kanya na palagi itong ginagawa. Magugulat nalang ako na nahalikan na niya ako sa pisngi pero todo galit naman ang inaabot ko sa mga fans niya.
"Hindi natin napansin na gabi na pala." Nasabi ko nalang.
"Oo nga, halika ihatid na kita sa inyo." Hinawakan niya ako sa kamay kaya napasunod ako sa kanya nang maglakad siya pero agad akong napahinto nang makita ko kung sino ang nakatayo sa unahan namin. Mga matang galit at madilim ang kanyang anyo na nakatitig sa kamay kong hawak ni Dwayne. Kaya agad akong napabitaw.
"Kietlyn! Lumapit ka sakin." Mapanganib ang tono ng kanyang boses. Parang anumang oras ay makakagawa siya ng hindi tama.
Natatakot ako sa kanya kaya napahawak ako sa braso ni Dwayne at napatago sa kanyang likod. Nilingon niya ako at alam kung nakikita niya sa mukha ko ang takot.
"Sino ka ba ha? Hindi sasama sayo si Kietlyn!" Seryosong sabi din ni Dwayne at kita ko ang pagtiim bagang ni Clienton na masama parin ang titig kay Dwayne.
"At sino ka din para utusan ako? Hindi mo ba nakikilala kung sino ako at ano ako kay Kietlyn? Kaya lumapit ka dito Kietlyn kung ayaw mong makapatay ako ng tao na hindi mo gugustuhin!" Nagimbal ako at natakot sa hayag na iyon ni Clienton. Alam kong hindi siya nagbibiro. Alam ko din kung ano ang kaya niyang gawin. Natatakot ako na mapahamak si Dwayne at isinali ko pa siya sa sitwasyong ito.
Nahihiya nadin ako dahil nasa gitna kami ng daan at tinitingnan na ng mga tao. Ang iba ay nakikinood pa.
Humakbang ako pero napigilan ni Dwayne ang braso ko.
"Kietlyn, huwag kang sumama sa kanya baka saktan ka pa ng gagong iyan." Nag-alala niyang sabi na sumenyas naman akong ayos lang at hindi naman niya siguro ako sasaktan.
"S-salamat, Dwayne. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Tinalikuran ko na siya at humakbang sa kinaroroonan ni Clienton.
Agad niya akong hinawakan sa pulsuhan ko ng mariin na kinadaing ko ng lihim. Ipinasok niya ako sa kanyang sasakyan at sumunod siya pagkuwa'y pinausad ang sasakyan ng mabilis. Tahimik sa loob pero ramdam ang tensyon na namamagitan samin. Rinig ko din ang malalim niyang paghinga na nagpipigil ng kanyang galit alam ko.
Pero ano pa ang ikinagalit niya kung wala naman kaming relasyon. Bakit nandito siya kung kasama niya kanina lang si Madam Isabella. Paano niya nalaman kung nasaan ako at ano ang ginagawa niya dito. Basta nalang siya magpapakita at galit agad ang sinalubong sakin.
Napansin kong iba ang daan na tinatahak ng kanyang sasakyan. Naalarma ako dahil ito iyong dating daan nung nagalit din siya.
"G-gusto ko nang umuwi. D-dito nalang ako bababa." Lakas loob kong pagbasag ng katahimikan kahit nanginginig na ang katawan ko sa kaba. Pero hindi niya ako pinakinggan dahil tuloy tuloy lang ang pagtakbo ng sasakyan.
"A-ano ba! Bababa ako dito!" Tumaas na ang boses ko at pinipigilan ang kanyang kamay na humahawak sa manibela. Pinipigilan naman niya ako sa kamay pero alam kong nagpipigil siyang masapak ako.
"Fuck Baby! Umayos ka kung ayaw mong dito kita sa loob parusahan." Hindi siya humihinto at hindi rin ako tumigil sa paghahampas sa kanyang kamay na itigil niya ang sasakyan.
"Itigil mo nga itong sasakyan dahil kailangan ko nang makauwi!" Giit ko talagang sabi.
"I said stop it, Kietlyn! Mababangga tayo sa ginagawa mo!" Galit nadin talaga ang boses niya pero hindi ko na pinansin iyon hanggang sa bigla niyang itinigil ang sasakyan kaya muntik na akong masubsob kung hindi niya ako nahila papunta sa kanya. Pero nakasubsob naman ako sa kanyang dibdib at dinig na dinig ko ang mabilis na pintig ng kanyang puso dala siguro ng galit niya at pagtitimpi.
Siguro ramdam din niya ang takot na nararamdaman ko sa puso sa maaari niyang gawin sakin. Baka sa akin naman niya ituon ang kanyang galit. Naririnig ko kasi ang sunod sunod niyang paghinga.
Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Papatayin ba niya ako?
Tanong ko sa isip na lalong nagbigay sakin ng takot. Nandito pa naman kami sa madilim na bahagi ng bakanteng lugar at malayo sa kabahayan. Kung sisigaw ako at hihingi ng tulong ay wala ding silbi dahil walang makakarinig ng aking saklolo.
Napapikit ako ng mariin at hinihintay ang aking katapusan.
***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing.
Mersi!—MAYAMBAY—
BINABASA MO ANG
Darkness Desired
Romance"I'll never get tired of savoring her body."-Clienton Cussler "I am surrendered myself to his soft touched."-Keitlyn Galvez STARTED:08-03-19 ENDED:01-20-2020 By: MAYAMBAY Book Cover By: BlackPurplePink19