Chapter 21

23.6K 605 18
                                    

Kietlyn POV's:

Nagpatuloy ang kasiyahan sa birthday party ng ama ni Clienton. Lahat ng mga bisita ay malapit nilang kaibigan at kasosyo sa negosyo. Ipinakilala din ako ni Clienton na kanyang asawa. Naiilang ako pero nasisiyahan ang puso ko. Lumulukso itong puso ko sa tuwing binabanggit niya iyon sa mga kakilala nila.

Maya maya ay napalinga ako sa paligid para hanapin kung saan ang mga anak ko. Napakunot noo ako ng mapansin kong wala na si Clisha at Client sa kanilang mga pwesto kanina. Nasa gilid lang sila kanina at naglalaro kasama ang mga batang anak ng imbitado.

Napatingin ako kay Clienton na nasa gilid ko.

"Hahanapin ko lang ang mga bata." Sabi ko nang mapatingin siya sakin.

"Ako na." Akma siyang tatayo ng pigilan ko siya.

"Huwag na ako nalang."

"Sigurado ka?" Tumango ako bago napatayo at lumakad na.

Hinanap ko sila dito sa loob ng buong venue pero hindi ko mahanap ang mga anak ko. Bigla akong kinabahan.

Ilang minuto o oras na siguro ang inilaan ko sa paghahanap na pati buong sulok ng hotel ay pinuntahan ko pero walang anino ng aking mga anak.

Natakot na ako at sobrang kaba ng dibdib ko.

Babalik na sana ako sa lamesa namin nang makasalubong ko si Clienton.

Agad niya akong nilapitan ng makita ang mukha ko.

"What happened? Nasaan ang mga anak na'tin?" Mariin kong nahawakan ang dalawang kamay niya.

"N-nanawala ang mga anak na'tin, Clienton!" Napahikbi na ko sa takot.

"What? How? Diba dito lang sila naglalaro sa loob?"

"O-oo! Pero wala sila sa buong hotel! N-nawawala sila at hindi ko mahanap!" Napalakas ang hikbi ko habang nanginginig na ako sa takot.

Bigla akong niyakap ni Clienton at hinahagod ang likod ko.

"Sshh.. Tahan na, Babe. Hahanapin na'tin ang mga bata." Ramdam kong biglang kumuyom ang mga kamay niya sa likod ko.

"S-sa labas tingnan na'tin baka nandun sila."

"Okay. Ipachecheck ko din sa cctv. Let's go." Inakay niya ko palabas ng hotel. Pati sa entrance guard ay nagtanong kami at ang sabi sa'min ay marami daw bata ang lumabas kaya hindi nito masabi kung lumabas ang mga anak namin.

Hinanap namin sila ni Clienton dito sa labas pero wala talaga ang anino nila.

"C-clienton! Mababaliw na'ko kapag hindi pa na'tin nahanap ang mga anak na'tin!" Napatigil ako at napapasubsob sa lupa. Napasbunot ako sakin buhok dahil sa frustration. Samut saring masasamang mga bagay ang nasa isip ko. Mga bagay na makakasama sa mga anak ko. "P-paano kung.. paano kung.. pinatay sila!? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Lalong lumakas ang hikbi ko pati ang pagdiin ng kamay ko sakin buhok.

Lumuhod si Clienton sa harap ko at inaalo ako. Hinawakan niya ko sakin balikat at pilit pinatitingin sa kanya.

"Makinig ka sakin, Kietlyn." Matigas niyang sabi kaya napilitan akong tumingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha nakatitig sakin. "Mahahanap na'tin sila at sinisigurado ko na maibabalik ko sila ng ligtas sayo. Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang mga anak na'tin. Tatagan mo ang loob mo para sa kanila. Dahil sa atin sila umaasa na mailigtas na'tin sila."

Mariin kong natitigan ang mga mata niya na puno ng pag-asa. Nakangiti din ang maliwanag niyang mukha na nagbigay sakin ng lakas. Nandito siya ngayon sa tabi ko at kaagapay na hanapin ang mga anak namin.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon