Chapter 24

26.6K 649 25
                                    

Kietlyn POV's:

"K-kinakabahan ako, Clienton."

Mariin niyang pinisil ang mga palad ko.

"Manatili ka lang sa tabi ko." Tumango ako at itinuon na nito ang tingin sa pagmamaneho.

Papunta na kami ngayon sa lugar na binigay samin nung kidnaper.  Habang papunta na kami doon ay todo kaba itong dibdib ko.

Pero alam kong hindi kami pababayaan ng Panginoon. Dumaan muna kami ni Clienton sa simbahan kanina upang magdasal. Para gabayan kami at maging matagumpay sa pagkuha sa aming mga anak. Na sanay walang mapahamak isa sa amin.

Ilang oras ang lumipas ng makarating kami sa tagpuan.

Sa malayo at isang abandonadong building na parte parin ng Metro Manila.

Lumabas kami ni Clienton dala niya ang malaking bag na kinalagyan ng pera.

"Huwag kang lalayo sakin." Muli niyang paalala na kinatango ko.

"Oo."

Walang katao tao sa paligid at mukhang nasa loob ang kidnaper at mga anak ko. Tiyak na marami din itong mga kasamahan.

Unang pumasok si Clienton sa loob habang nakasunod ako sa kanya. Kita kong alerto siya sa paligid at bawat dinaanan namin ay sinusuri niya muna.

Sobrang luma na ng building na bawat mga pader at bubong ay sirang sira na at nakalawang. Isang building ito na hindi natapos at pinabayaan nalang.

Agad natigil si Clienton at iniharang ang kanyang braso sa gilid ko nang may isang malaking lalaki ang lumabas sa kung saan at tinutukan kami ng baril. Nanlaki ang aking mata kaya napahawak ako sa likod ni Clienton.

"Dala niyo na ba ang pera?"

Inangat ni Clienton ang bitbit niyang bag.

"Oo!" Naisagot ko. Ngumisi ito ng malapad bago kami pinaunang lumakad pero nakatutok parin ang baril nito sa'min.

Hawak ako sa kamay ni Clienton nang sinuong namin ang tinuturo nitong daan tungo sa aming mga anak. Hindi din mawaglit ang kaba sa dibdib ko.

"Pumasok kayo diyan sa loob!" Nagkatinginan kami ni Clienton bago sinunod ang utos nito.

Pagkapasok namin sa loob ay agad akong kumalas kay Clienton at lalapitan na sana ang mga anak kong nakaupo sa magkaibang bangko ng mapatigil ako.

"Ooppss! Sinabi ko bang lapitan mo ang mga anak mo?" Bumukal ang galit ko pagkakita sa kanya. Kasabay nun ang takot nang tutukan nito ng baril ang mga umiiyak kong anak.

"Mama!"

"Papa!"

Takot na takot ang kanilang mga mukhang nakatingin samin.

Narinig ko maya maya ang mura ni Clienton at galit din siya.

"F*ck you Isabella! I swear I will kill you." Tumawa ito at diniin pa ang baril sa mga ulo nila.

Tulungan mo po kami! Diyos ko..

Humihikbi ako at takot na takot para sa mga anak ko.

Alam kong malaki ang naitulong niya sakin at may kasalanan ako sa kanya ay wala parin siyang karapatan na dakpin ang mga anak ko at pagdusahin ng ganito. Wala silang kamuwang muwang at hindi dapat makita ang mga ganitong eksena na magbibigay sa kanila ng trauma.

Kailangan ko ngayon maging matapang para sa mga anak ko.

Nanlilisik ang mga mata ko ng titigan siya. Tama ang hinuha ni Clienton. Siya nga ang kumidnap sa'min mga anak.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon