Chapter 5

32.1K 782 34
                                    

Kietlyn POV's:

Hindi ko lubos maisip na ang taong pinag-alayan ko ng aking katawan ay kaharap ko ngayon at siyang may-ari nitong University. Ako ang naatasang mag-assist sa kanya kaya nililibot ko siya sa buong building habang nagtatake- down notes ako. Sinusulat ko ang mga gusto at hindi niya gusto sa patakaran ng University. Mayroon nadagdag. Mayroon din nabawas.

Sa kakalibot namin sa buong school ay napagod din ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Nahinto siya bigla kaya nabunggo ako sa kanyang likod.

"Careful." Hawak niya ako sa bewang kaya agad akong napalayo at humingi ng tawad. Narinig ko naman ang pag 'tsk' niya. Nagtaka pa ako ng kinuha niya ang hawak kong notebook at ballpen at may sinulat siya doon. Binigay din naman niya agad pagkatapos.

Tiningnan ko ang sinulat niya at napakunot noo ako ng mabasa iyon. Hindi ko alam ang salita.

"A-anong rules po ito Sir?" Natawa siya na kinasama ko naman ng tingin. Parang naaaliw siya sa mukha ko. Pinagtitripan ba niya ako?

"Your so innocent. Do research Baby." Bakit ko naman gagawin iyon eh kalokohan lang naman ang sinulat niya dito.

Nakasunod parin ako sa kanya habang naglilibot siya sa paligid. Buong lugar ng school ay kanyang inikot. Halata naman sa mukha ng mga students ang paggalang sa kanya at paghanga sa mga mata ng kadalagahan na sa tuwing may makakasalubong kami. Siya naman ay seryoso lang at hindi pinapansin ang pagpapansin ng mga kadalagahan. Masama pa nga ako nilang tinitingnan at bumubulong kung bakit ako pa daw ang nag-aasist sa kanya.

Hindi ko nalang pinansin iyon habang sumusulat sa notebook ko sa mga sinasabi niya para sa school.

Napahinto siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot ang tawag habang nakatingin sakin.

"Yes Babe?" Yeah. Im here in the school. Where are you? Okay. Susunduin kita ngayon. Bye. I love you too." Sa akin nga siya nakatingin pero iba naman ang sinasabihan niya nun. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na sa sobrang dami ay nalulunod na ako at naging yelo sa sobrang pagkalamig.

Parang may tumusok din sa katawan ko nang marinig ang mga salitang iyon sa kanya. Ang tanga ko talaga para magpagamit na naman sa kanya na alam ko namang pampalipas oras lang niya ako. Na deal parin ito para sa kanya pero sinusunggaban ko parin. Patuloy parin ako sa ginagawa namin. Na mali at hindi tama.

Ngayon ay dinig na dinig ko kung saan ako nararapat at ilugar ang sarili ko. Ako lang ang masasaktan at luhaan sa huli. Ako ang talo at walang karapatan.

Dapat akong mahiya sa ginagawa ko ngayon. Hindi tama ito at maling mali.

"Hey. Kailangan ko nang umalis. Kita nalang tayo sa bahay ni Isabella." Pagkasabi niya nun ay iniwan nalang ako basta at nagmamadaling pumunta sa kanyang sasakyan.

May kumawalang luha sa magkabila kong mata na ewan ko kung para saan. Mga luhang puno ng sakit at pagkabigo.

Bakit ba ganito ang mga nararamdaman ko? Bakit ko ba nararanasan ang ganito? Bakit ba ganito kasakit ang puso ko?

"Bestfriend!" Agad akong napapahid ng mata ng marinig ang tinig ni Paul. Hinarap ko siya na nakakunot ang noo at nagtataka ang mukha.

"B-bakit, Bestfriend?

"Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?" Seryoso ang boses niya at hindi malamya. Lalaking lalaki ngayon ang tayo niya kaya medyo napangiti ako dahil mas bagay sa kanya ang maging lalaki.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon