Chapter 19

27.5K 674 16
                                    

Kietlyn POV's:

Pababa na ako ng hagdan ng masilayan ko si Clienton nakatayo sa gilid ng hagdan habang nakangiting nakatingala sa akin. Kita ko sa ngiti niya na may ibig sabihin na agad ko naman kinamula.

Naalala ko bigla ang mga kaganapan kagabi sa kanyang silid na lalo kong kinamula at the same time ay nagpa-init sa buo kong katawan.

And, I felt mine reacting in the sensations he giving me last night.

Iniling ko ang ulo at iwinaksi ang mga eksenang iyon.

Bumaba ako na pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Nang makababa na ako ng tuluyan ay napapitlag ako at napatingin sa kanya ng kunin niya ang isa kong kamay at kanya iyon hinagkan.

"You look so lovely, wearing that kind of dress. I want to take you to my room and take that out with the use of my lips. And, lavish your whole body. As we did last night." Bulong niya sa tenga ko na kinaatras ko. Huling huli ko ang malapad niyang pagngisi na nakalabing hinagod ang katawan ko. Hindi naman ako makatingin dahil sa hiya.

"Mama! Papa! Tara na po!" Tawag samin ni Clisha na kinakurap ko.

"Yes, Baby."

"Let's go?" Tumango ako at kinuha ang nakalahad niyang braso.

Binuksan niya ang pinto kaya pumasok ako bago siya kumabila papasok sa may manibela. Ang mga anak naman namin ay nasa likod naka-upo at nakaseatbelt kaya ligtas sila.

Pinausad na ni Clienton ang sasakyan.

Ngayon ay nakabihis kami ng maganda dahil dadalo daw kami sa kaarawan ng kanyang ama. Kahapon lang daw dumating ang kanyang mga magulang galing California. Dito naisipan ng kanyang ama na ipagdiwang ang kaarawan nito dahil tuwing birthday nito ay sa States nila ito pinagdidiwang. Doon na kasi tumira ang kanyang mga magulang.

Sakto naman na dito ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ama dahil ipakilala niya daw kami sa kanila.

Nang malaman ko iyon mula sa kanya ay nakaramdam ako ng kaba at takot na baka hindi nila kami matanggap.

Hindi ko nalang iyon sinabi kay Clienton baka mag-alala pa siya.

Sa ilang araw namin pananatili sa kanyang bahay ay naging masaya kami ng mga anak ko. Totoong ginawa ni Clienton ang mga sinabi niya noon sakin. Ramdam ko iyon at tanggap ko nang parte na siya sa buhay ng mga anak ko. Na kikilanin siya bilang ama ng mga anak ko.

Pero kaming dalawa ay ano?

Iyan ang laging pumapasok sa isip ko. Sa iisang bahay nga kami at may ilang beses nang nangyari sa amin pero walang linaw kung ano ba kami sa isa't isa.

Pakiramdam ko ay hindi buo itong saya ko at may kulang dito sa puso ko.

Siguro dahil wala siyang binanggit na mga kataga na gustong gusto ko sanang marinig sa kanya. Siguro ako lang itong umaasa na kapag pumasok siya sa buhay namin bilang ama ng mga anak ko ay matutunan din niya akong mahalin. Siguro ako lang itong nagmamahal sa kanya. Dahil ang pagmamahal ko sa kanya noon ay hindi nawala.

Mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.

Kahit sinaktan niya ako noon ay matagal ko na siyang pinatawad. Kahit nasasaktan akong malaman na may mahal na siyang iba. Na may nagpapatibok na sa kanyang puso. At ako, tanggapin nalang na katawan lang at mga anak ko ang habol niya sakin.

Kung wala siguro ang mga anak ko ay baka nasa kangkungan na ako umiiyak at nagdurusa.

Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya noon?

Nang sinabi niya noon sakin ay talagang nasaktan ako. Maswerte ang babaeng iyon dahil nakuha niya ang puso ni Clienton.

Pagdating namin sa isang exclusive na hotel dito sa Taguig, ay manghang mangha agad ang mga bata. Pagkalabas nila ng sasakyan ay nagsitakbuhan at inilibot ang paningin sa paligid.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon