Chapter 23

23.3K 552 12
                                    

Kietlyn POV's:

Napabalikwas ako at biglang napabangon ng tumunog ng malakas ang cell phone ko. Agad ko iyon kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot noo ako ng unknown number ang nakarehistro.

Sino kaya ang tumatawag na ito?

Namatay ang tawag pero bigla din tumunog muli kaya akma ko iyon sasagutin ng may maramdaman ako sakin balikat.

Si Clienton na sininyasan akong iloudspeak ang tawag bago ko iyon sinagot. Hinawakan ko lang ito sakin kamay habang nakikinig kami ni Clienton.

Kinutuban ako at alam kung ganun si Clienton na may kinalaman ito sa'min mga anak.

Wala naman kaming inaasahan na tawag sa ganitong oras. Maliban lang sa mga taong kumidnap sa'min mga anak.

"Hello?" Kinalma ko ang sarili.

"Nasa akin ang mga anak mo." Makapal na boses ang narinig namin ni Clienton na kinatingin namin sa isa't isa. Hindi matukoy kung babae o lalaki ba pero parang lalaki iyon. Kasabay nun ang pagtahip ng takot sa dibdib ko. Napadiin din ang kamay ni Clienton sa beywang ko.

"Hayop ka! Ibigay mo sakin ang mga anak ko!" Tumawa ang nasa kabilang linya.

"Ibibigay ko sila kapalit ng pera." Napadiin ang kamay kong nakahawak sa cell phone. Bumukal ang galit ko. Hindi bagay ang mga anak ko para ibenta.

Napatingin ako kay Clienton nang pinisil niya ako sa beywang. Tinanguan niya ako bilang pagsang-ayon.

"M-magkano ang gusto mo?

"Fifty million."

Natigilan ako sa sinabi nitong halaga.

Jusko! Wala akong ganoong pera.

Nanginginig ang boses ko ng magsalita ako.

"P-pakiusap! Pakawalan mo na ang mga anak ko! Wala akong ganoon kalaki na pera! Nakikiusap ako!" Hindi ko napigil ang mapahikbi.

"Kung wala kang pera edi papatayin ko na ang mga anak mo—"

"Huwag! Pakiusap huwag mong patayin ang mga anak ko!" Sigaw ko para pigilan ito. Narinig ko bigla ang mga iyak ng aking mga anak sa kabilang linya na lalo kong kinatakot.

"Mama!"

"Papa!"

"Papatayin ko na ba sila!?"

Kinuha bigla ni Clienton ang cell phone sakin.

"Ibibigay namin ang pera." Matigas at kalmanteng boses ni Clienton na nakatitig sakin.

"Good. Hintayin niyo ang text ko kung saan tayo magkita. At huwag na huwag kayong tatawag ng pulis kundi patay ang mga anak niyo!" Biglang naputol ang nasa kabilang linya kasabay nun ay nakatanggap kami ng isang mensahe.

Ang lugar at oras ng pagkitaan.

Niyakap ako ni Clienton at doon muling umiyak sa kanya. Ngayon makikita na namin ang aming mga anak ay sobrang takot ang pag-alala ko pero nandun din ang pagkasabik na mahagkan at mayakap sila.

Miss na miss ko na sila.

"Tahan na, Babe. Matulog kang muli." Umiling ako sa kanya.

"H-hindi na ako makatulog, Clienton. Nag-alala ako sa kaligtasan ng ating mga anak." Patuloy ang paghagod niya sa likod ko.

"Nag-alala din ako sa kanila. Pero kailangan na'tin ng lakas upang harapin sila bukas." Tama siya. Bukas ang tagpo namin sa kumidnap sa amin mga anak.

Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Ang laki ng perang ibibigay na'tin sa kanila. Patawad kung malaki ang hinihingi nila pero huwag kang mag-alala babayaran—"

"Don't mention it. Pera na'tin iyon. Ang kayamanan ko ay inyo narin ng ating mga anak. Pera ko iyon para sa inyo. Huwag mong isipin ang pera. Ang mahalaga ay mailigtas ang ating mga anak." Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.

Maswerte ako at siya ang aking minahal. Maalaga at mapagmahal na lalaki higit sa lahat ay kaya kang ipagtanggol sa lahat. Mga katangian na pinangarap ko noon sa isang lalaki. Lahat ng iyon ay nasa kay Clienton na at wala na akong hihilingin pa.

"Salamat, Clienton."

"Dahil mahal na mahal kita, Kietlyn. Kayo ng mga anak na'tin." Inalalayan niya akong mahiga kasama siya. Magkaharap kami habang nakaunan ako sa kanyang braso.

"Natatakot talaga ako para bukas."

"Ako ang magdadala ng pera bukas. Dito ka lang sa bahay—"

"Sasama ako! Gusto kong makita ang ating mga anak!" Agad kong protesta. Ayokong maiwan dito habang naghihintay. Lalo lang akong matatakot at mag-alala.

"Alam mong delikado at ayokong  pati ikaw ay mapahamak."

"Basta sasama parin ako bukas! Ayokong maghintay lang dito."

"Kietlyn, huwag nang matigas ang ulo para din naman ito sa kaligtasan mo." Seryosong pagkontra niya sakin. Pero desidido akong magpunta bukas at walang makakapigil nun.

"Hindi matigas ang ulo ko! Sadya lang na hindi kaya ng konsensya kong maghintay dito. Mga anak ko ang nasa panganib habang ako ay ano ang ginagawa? Ligtas ako at naghihintay lang? Hindi ko masikmura iyon. Kaya sasama ako, Clienton." Matigas at pinal kong desisyon.

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago napahilamos sa kanyang mukha.

Sumusukong tinitigan niya ako.

"Okay. Basta ipangako mong sa tabi lang kita bukas at huwag gumawa ng hakbang na ikapahamak mo." Sunod sunod akong tumango sa kanya bago napangiti.

"Oo. Makakaasa ka, Clienton. Salamat."

"Matulog na tayo." Muli niya akong hinalikan sakin noo na kinapikit ko.

Dinama ko ang mainit niyang katawan na nagbigay sakin ng kapayapaan. Ang tibok ng kanyang puso na kay sarap damhin. Ang masuyo niyang haplos sakin likod na nagbibigay ginhawa sakin pakiramdam.

Noon kapag natutulog ako ay matagal pa bago ako makatulog. Dahil iniisip ko nun palagi ang kinabukasan ng aking mga anak. Iniisip ko ang magiging kapalaran nila at buhay kung ako lang mag-isa ang bubuhay sa kanila. Kung kaya ko ba silang palakihin ng maayos at ibigay ang kanilang mga pangailangan. Dahil kakarampot lang ang kinikita ko noon.

Umiiyak ako gabi gabi habang pinagmamasdan noon ang kanilang pagtulog. Sinasabi ko noon sa sarili na maging matatag ako at kakayanin ang lahat mabuhay lang sila.

Hanggang sa dumating muli sa buhay ko si Clienton. Ang mga bigat na dalahin ko noon sakin dibdib ay nabawasan dahil sa kanya. Binigay niya sa'min mga anak ang buhay na pinapangarap ko noon sa kanila. Hindi lang matiwasay na pamumuhay kundi ang kompletong pamilya.

Clisha, Clienton.. Mga anak ko! Ililigtas namin kayo kasama ang Papa niyo!

Doon ay nakatulog ako ng tuluyan.

***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!

—MAYAMBAY—

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon