Chapter 14

31K 906 128
                                    

Kietlyn POV's:

Ayoko man sana iwan muli ang mga anak ko ay hindi maaari dahil kailangan kong pumasok ng trabaho. Sayang naman kung magreresign ako dahil ang ganda ng trabaho ko doon at mahihirapan naman akong maghanap ng trabaho. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon. Nandito naman sila Tiya kaya wala akong rason para hindi pumasok. Hindi din naman siguro pupunta ang Ama nila dito dahil abala din iyon. Sana nga lang ay huwag na siyang magpakita pa.

"Alis na si Mama. Huwag kayong pasaway, okay?" Napangiti sila sabay tango bago ko hinalikan ang mga pisngi nila.

"Ingat po, Mama. We love you." Panabay nilang sabi bago yumakap sakin at niyakap ko din sila ng mahigpit. Kung ganito lagi ay ayaw ko nang pumasok at ituon nalang ang pansin ko sa kanila. Kumalas na din ako.

"Sige Tiya alis na po ako." Tumango siya kaya lumabas na ako at nag-abang ng masasakyan.

Pagkapasok ko sa loob ng locker room ay agad akong nakita ni Liezel kaya lumapit siya sakin at alam kong magtatanong siya.

"Anong nangyari kahapon, Kiet?" Sabi na nga ba at magtatanong siya tungkol sa nagawa ko kahapon. Nahihiya din ako sa nangyari at nangangamba na baka pagalitan ako ng Manager at tanggalin sa trabaho.

"W-wala. Bigla kasi sumama ang tiyan ko nun kaya sa pagkataranta ko ay nabitawan ko ang mga hawak ko at kumaripas ng takbo sa labas para maka-uwi ng bahay." Lihim kong nakagat ang dila ko dahil sa pagsisinungaling at pansin kong hindi pa siya naniniwala sakin.

Hindi nalang din siya nagkomento pa at sabay na kaming pumasok sa loob upang gawin ang mga obligasyon namin. Hanggang sa magbukas ang restaurant at naging busy na kami sa trabaho.

Pagsapit ng gabi ay punuan ang costumers kaya kailangan muli namin mag-overtime. Past nine na kami nakalog-out ni Liezel at sabay nadin lumabas. Agad akong natigilan nang makita ang taong gumulo ng buhay ko. Napaayos siya ng tayo mula sa pagkakahilig niya sa kanyang kotse.

"Kiet, mauna na ako sayo. Mukhang may sundo ka. Bye!" Tinapik tapik niya ako sakin balikat bago pumara ng tricycle at umalis. Ako naman ay nag-aabang din ng masasakyan.

Lumapit si Clienton sa kinatatayuan ko kaya hindi ko nalang siya pinansin. Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito sa ganitong oras ng gabi? May pupuntahan ba siya o sadyang ako ang pinuntahan niya? Bahala nga siya sa buhay niya. Wala akong pakialam.

"Halika na sa kotse. Ihahatid kita." Pahayag niya ng makalapit sakin. Hindi ko siya pinansin sabay layo sa kanya para malaman niyang umiiwas ako.

"Kietlyn, halika na sabi sa kotse. Ihahatid kita." Napapitlag ako nang dumantay ang kamay niya sa balikat ko. Marahas kong iwinaksi iyon at tinaasan siya ng kilay.

"Huwag mo akong hahawakan. Kaya kong umuwi mag-isa kaya pwede ba umalis ka na? Sinasayang mo lang ang oras mo sakin." Nakita ko ang pagtiim bagang niya at kita kong mukhang nagalit siya sa sinabi ko. Bakit naman siya magagalit? Ako dapat ang magalit sa kanya dahil siya itong nanggugulo.

"Huwag mong pilitin na magalit ako sayo, Kietlyn. Naramdaman mo siguro kung paano ako magalit?" Napapikit ako ng mariin at bigla pumasok sa alaala ko ang ginawa niya sakin. Pinaalala niya ang sakit na siyang kinaguho ng mga pangarap ko.

"Kung hindi ako susunod sa gusto mo iyon ba ang gagawin mo? Hindi ka pa ba nagsasawang saktan ako?" Gustong bumigay ng boses ko pero pinilit kong maging matapang sa harap niya.

Narinig ko ang marahas niyang paghinga. Nagpipigil siya ng kanyang galit.

"Umuwi na tayo, Kietlyn. Mashado nang gabi at naghihintay sayo ang mga anak na'tin." Mga anak na'tin? Huh! Ang kapal din pagmumukha niyang matawag na anak namin. Ako ang naghirap sa mga anak ko at hindi siya.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon