Chapter 16

28.2K 725 18
                                    

Kietlyn POV's:

Kita ko sa mukha ng mga anak ko ang saya habang naglalaro sila dito sa loob ng mini playground. Isang silid ito na pinasadya pang pinagawa ni Clienton bago kami dumating dito.

Isang linggo na kami dito at naging masaya iyon. Pinaramdam talaga ni Clienton ang pagiging ama niya sa mga anak. Pati sakin ay naging sweet siya.

Kada pag-uwi niya galing sa trabaho ay may pasalubong siya sa mga bata. Sakin ay chocolates and flowers.

Siyempre, inaamin kong umantig ang puso ko pero natatakot ako na masanay kami ng mga bata at sa huli na iwan niya ay masaktan kami ng todo. Mas okay lang sana kung ako pero damay na ang mga bata.

Tiyak akong masasaktan sila ng labis. At hindi ko kaya ang ganun. Gusto ko sanang kausapin si Clienton ukol dito pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

Gusto kong ilinaw sa kanya at sabihin na binabahay niya kami habang may relasyon pa sila ni Maam Isabella?

Pinagsasabay niya ba kami at si Maam Isabella?

Anong klaseng tao siya!?

"Hey kids!" Biglang bungad nito na nasa pinto.

Tumigil naman sa paglalaro ang dalawa nang makitang nakauwi na ang ama nila. Pero nang matingnan ko ang orasan ay nangunot ako ng sobrang aga yata ang uwi niya. Kadalasan ay alas singko ng hapon.

"Papa!" Magkasabay siyang pinuntahan ng dalawa.

"I miss you two." Hinalikan niya ang dalawa sa kanilang pisngi.

"Asan po pasalubong mo samin Papa?" Tanong agad ni Clisha.

Napakamot ito sa batok.

"Nakalimutan ni Papa." Napasimangot si Clisha at Client nang marinig iyon pero maya maya ay nagsalita siyang muli. "Gusto niyo bang pumunta ng mall?"

"Ano pong mol Papa?" Inosenteng tanong ni Clisha na kinatingin ni Clienton sakin. Umiling lang ako.

"Iyong mas maraming laruan kaysa dito. Kakain din tayo sa masasarap na restaurant!"

"Talaga po? Mama pwede po tayong magpunta ng mol?" Napabuga ako ng hangin bago sagutin si Client.

"Hindi pwede anak. Baka abala ang Papa niyo at makakaistorbo lang kayo." Kita ko sa mga mata nila ang lungkot at nakokonsensya ako. Ayoko lang na masanay ang dalawa.

"Huwag niyong pansinin ang Mama niyo. Pupunta tayo ng mall ngayon din!"

"Talaga po Papa? Yeeheh!"

Tinitigan ko si Clienton at may babala sakin mga mata pero nginisihan lang ako.

"Punta na kayo sa room niyo dali. Susunod ang Mama niyo!" Tumalima sila kaya naiwan kami ni Clienton sa loob.

"Hindi mo na sana sinabi iyon sa mga bata. Ayokong sinasanay mo sila. Baka maging spoil ang mga iyon." Matigas kong pagkakasabi.

Lumapit siya sakin.

"Hindi ko sinasanay ang mga anak ko. Pinaparamdam ko sa kanila ang pagmamahal ko. Pinupunan ang pagiging ama ko." Seryoso at puno ng emosyon niyang sabi.

"Pareho lang iyon! Isa lang ang ibig sabihin nun!" Pagpipilit ko.

Malalim siyang napabuntong hininga. Kita kong nagpipigil siya ng galit.

"Huwag na na'tin pag-awayan ang bagay na ito. Bihisan mo na ang dalawa at ikaw din. Maghihintay ako sa ibaba." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at lumabas ng silid.

Napabuga din ako ng hangin bago nagpunta sa silid namin. Naabutan ko silang nakaupo sa kama at nanonood ng t.v.

Nang makita ako ni Clisha ay agad itong lumapit sakin.

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon