Chapter 13

30.1K 833 88
                                    

Kietlyn POV's:

Kalahating oras na siguro ang itinagal ng aming katahimikan dito sa silid namin ng mga bata. Pinababantay ko muna kay Tiya Erlinda ang kambal na ayaw pa sanang humiwalay sa kanilang Ama. Sobrang namis talaga nila at parang ayaw nang humiwalay sa kanya.

"B-bakit ka pa nagpakita dito? Hindi ka namin kailangan kaya umalis ka na, C-clienton." Matigas at puno ng diin ang bawat kataga kong binigkas. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. Na marupok parin ako pagdating sa kanya.

Nakita ko naman na mariin din ang titig niya sakin. Nakita ko ang pagtiim bagang niya.

"Sa tingin mo ba Kietlyn gagawin ko iyon ngayon pang nalaman kong may mga Anak ako? Sa tingin mo magagawa ko pang lumayo at iwan sila na ilang taon mong ipagkait sakin Ha!" Tumaas ang galit niyang boses na kinapitlag ko. Pakiramdam ko kung malapit lang ako sa kanya ay marahas na niya akong nahawakan sa akin braso. Nasa may pinto siya na sinira niya habang ako ay nakaupo dito sa kama.

Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao na sobrang pagpipigil ang ginagawa niya.

"Para ano pa? Masasaktan lang din ang mga anak ko sayo! Iiwan mo parin sila dahil mas pipiliin mo ang pamilya mo kaysa kanila!" Kahit ako ay medyo tumaas nadin ang boses ko. Nakita kong natigilan siya saglit pero hindi ko na pinansin iyon dahil nangibabaw ang kaba ng unti unti siyang lumalapit sakin.

Nasa harap ko na siya at hindi nawawaglit ang mga tingin niya sakin. Ang mga titig niyang puno ng emosyon na hindi ko mapangalanan pero may napansin akong pangungulila doon.

"Ilang taon naging miserable ang buhay ko, Kietlyn. Ilang taon akong nagdusa. Ilang taon nagsisisi sa ginawa ko. Ilang taon kitang hinanap para humingi ng tawad. Ilang taon kong tiniis ang pagkawalay mo sakin. Ngayon sasabihin mong nagkaroon ako ng pamilya!" Napangiwi ako ng marahas niya akong nahawakan sa magkabilang braso ko. Madilim at puno ng hinanakit ang kanyang mga mata. Ramdam ko ang sakit na kanyang dinanas.

"A-ano ba! Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ko na pilit tinatanggal ang hawak niya. Natigilan siya at nahimasmasan kaya nabitawan niya ako sabay sabunot ng kanyang buhok na parang doon binubuhos ang galit niya.

"U-umalis ka na muna, Clienton.. Pakiusap." Nakayuko kong pahayag na kinatingin niya sakin. Tumigil siya at napahinga ng malalim.

"Babalik ako, Kietlyn. Huwag na huwag mo din ilalayo ang mga Anak ko sakin. Mahahanap ko parin kayo kapag nagtangka kang umalis. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo." Mga katagang binitawan niya na puno ng pagbabanta bago siya tuluyang umalis ng silid.

Naiwan naman akong nanginginig ang katawan at bumuhos nalang sa magkabilang mata ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Mga luhang puno ng hinanakit. Hinanakit na bumalik sakin nung maalala ang ginawa niya dati. Akala ko naghilom na ang sakit na dinulot niya pero hindi pa pala. Nakatulog lang pala sakin at nagising lang nung dumating na naman siya. Ginising niya itong sakit sa puso ko. Sakit na kanyang binigay sakin.

"Ang sama sama mo talaga, Clienton!" Mahina kong bulong habang hilam na sa luha ang mukha ko.

"Mama!" Agad akong nagpahid ng mga luha ko nang tumatakbong pumasok si Clisha dito sa kwarto. Tumayo ako at agad siyang kinalong. Nagtataka ang kanyang mukha ng makita ang mukha ko.

"Mama, iyak po ba ikaw?" Nakangiting umiling ako sabay halik ko sa pisngi niya.

"Hindi umiyak si Mama. Napuling lang, Baby." Tumango tango naman siya at napalibot ang tingin sa paligid.

"Nasaan po si Papa?" Inosente niyang tanong na kinaiwas ko ng tingin. Nakita kong pumasok naman si Client sa loob kasunod si Tiya na nakatingin din sakin.

"Asan po si Papa, Mama?" Muling  tanong ni Clisha sakin at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Client na seryoso lang ang mukha pero nagtatanong din ang mga mata.

"U-umuwi na siya." Mahina kong sabi na pilit ngumiti sa kanila.

"Bakit po? Hindi ba niya kami love?" Parang pinipiga na naman itong puso ko sa nakikita kong mukha ni Clisha na gusto nang umiyak. Umiling ako sa kanya.

"Abala pa kasi ang Papa mo sa kanyang work kaya umalis muna siya." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya.

"Babalik din naman ang Papa niyo. Aayusin pa nga niya itong sinira niyang pinto." Napatingin kami kay Tiya Erlinda ng sabihin niya iyon. Sumenyas ako sa kanya huwag paasahin ang mga bata pero nginitian lang niya ako. Pinapalapit ba niya kami?

"Yeeheh! Babalik si Papa at magpeplay po kami! Diba po, Mama?" Napahinga ako ng malalim at nakangiting tumango sa kanya na tuwang tuwa sa nalaman. Sigurado akong hahanap hanapin na niya ang kanyang Ama. Maging si Client ay ganun din ang pakiramdam ko. Kahit seryoso siya at hindi makitaan ng emosyon ay bata parin siya at hahanapin din niya ang kalinga ng kanyang Ama. Siya pa nga ang unang yumakap sa kanyang Ama kanina.

"Halina na kayo sa lamesa at kakain na tayo." Tawag ni Tiya na lumabas pala at naghanda siguro ng hapunan. Iginaya ko na ang dalawa papunta sa lamesa at ini-upo sila doon. Habang kumakain kami ay panay naman ang sulyap sakin ni Tiya na tinitingnan niya kung ayos lang ba ako. Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango.

Kahit sobrang sakit parin ang dinulot niyang pagpakita sakin ay hindi ko magawang panghinaan ng loob alang alang sa mga anak ko. Kahit gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya at magtago muli ay hindi ko magawa dahil sa narin sa banta niya. Alam kong kaya niyang gawin ang pagbabanta niya sakin kanina. Iyon naman siya magaling eh. Ang mamblackmail.

Kaya nga ito ako ngayon. Isa sa naging biktima niya. Pinagsisihihan ko noon na naging mahina ako at naniwala agad sa panloloko niya. Nasira lahat ng pangarap ko sa aking buhay dahil sa ginawa niya. Ilang taon nalang sana ay makakamit ko na ang aking pangarap pero sa isang iglap ay nawala iyon na parang bula. Siya nagwasak ng aking sarili at ng aking kinabukasan.

Pero ang lahat ng mga pasakit kong iyon noon ay pinalitan naman ng biyaya ngayon. Dalawa pa. At hinding hindi ko pagsisihan na nagkaroon ako ng dalawang Anak na mahal na mahal ko. Nawala lahat ng sakit nang maisilang ko silang dalawa na ligtas at ngayon ay lumalaking nasa mabuting kalusugan.

Kaya hinding hindi ako papayag na kunin niya sakin ang mga Anak ko. Silang dalawa na nga lang ang mayroon ako ay kukunin pa niya. Silang dalawa nalang nga ang aking kayamanan.

Hindi ko nadin kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang pamilya. Hindi pa sila sigurong handang magkapamilya ni Maam Isabella. Pero matagal naman ang relasyon nila kaya bakit hindi pa sila nagpapakasal.

Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon! Bahala siya sa buhay niya.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at pati sa mga bata na naghihintay na subuan ko. Si Clisha nalang pala ang sinusubuan ko dahil kaya na daw kumain mag-isa ni Client kaya hinayaan ko na. Magaling naman siyang sumubo at pakainin ang kanyang sarili.

Dahil sira ang pinto ng aming silid dahil sinira ng magaling nilang Ama ay sa kwarto muna kami ni Beverly matutulog. Wala siya ngayon dahil nasa kaklase niya dumalo ng birthday nito.

Ang sarap din ihagis ng lalaking iyon sa bintana. Magaling manira ng pinto pero hindi naman kayang kumpunihin. Tulad ng ginawa niyang pagsira sakin.

Hay buhay..

***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!

MAYAMBAY

Darkness DesiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon