Chapter 3

49.2K 1.2K 50
                                    

Zyriene POV's:

Napamulat ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.  Napatakip ako ng kumot dahil nasisilawan ako pero agad akong napahinto nang matanto ko kung nasaan ako ngayon. Napabangon ako at napaalis sa kama at tiningnan ang sarili. Maayos naman ang suot ko at wala naman ako nararamdaman na masakit sa katawan ko.

Pinamulahan ako ng mukha ng maalala ang kahihiyang inasal ko kagabi. Tiyak na aasarin naman ako ng kriminal na iyon. Inayos ko muna ang kama bago lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa buong bahay dahil wala ang presensiya niya. Kahit sa labas ay wala din.

Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Umalis na ba siya at iniwan na ako?

Tanong ko sa isip. Pero nandun ang pangamba kong iniwan niya ako sa gitna nang masukal na kagubatang ito. Na isiping hindi ko na siya makikita ay parang may bahagi sakin na nabawasan.

Napailing ako. Bakit ba napasok ang bagay na iyon sa isip ko?

Pumasok nalang muli ako sa loob ng bahay at naisipang magluto dahil nagutom ako. Bubuksan ko sana ang refrigerator nang mapansin ko ang isang papel na nakadikit sa pinto. Kinuha ko iyon at binasa.

Eat breakfast. Don't try to escaped or else I will kill you!

By the way. Clean the house and wash my clothes!

Huh! Kahit wala siya dito ay nakikita ko parin siya sa balintanaw ko habang sinasabi iyon. Nilalaro niya ang patalim habang nakangising nakatingin sakin ng nakakaloko.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko umalis na siya at inabandona ako dito.

Tinapon ko ang papel sa basurahan at kumuha ng mga kailangan ko sa pagluto.

Mag-isa akong kumakain habang nanonood ng balita. Ang laman lamang ng balita ay edi siya. Nagpadala na nga ang US ng mga tauhan nila para tugisin siya. Pinatay ko nalang ang t.v. at tinapos ang pagkain ko.

Sinipag ako kaya nilinis ko ang buong bahay. Ang labas ko tuloy pagkatapos ay hingal na hingal at namamawis ang buong katawan.

Pambihira! Hindi ko ito ginagawa sa bahay! Nagpahinga ako saglit bago pumasok sa kwarto. Ayoko man gawin ay baka ako naman ang kanyang balikan. Pumasok ako sa banyo. Nakita ko ang basket na laman ang marami niyang damit.

Huminga ako nang malalim bago naghalungkat sa mga kabinet. May nakita akong powder kaya kinuha ko. Lumabas nadin ako bitbit ang basket. Isinama ko narin ang uniform ko. Lumabas ako at dinala sa likod bahay sa nakita kong washing machine. Mayroong poso dito at pala palanggana. Ilalagay ko na sana ang mga damit ng matigilan ako. Sira ang washing machine! Kaya wala akong pagpilian kundi ang magkamay!

Naglalaba na ako ng kanyang mga damit habang umiinit ang mukha ko sa tuwing kukuskusin ko ang kanyang brief!

Bwisit ka talagang lalaki ka!

Pinipigilan kong huwag mapatingin doon pero nakikita ko nalang ang sarili na pinagmamasdan iyon. American size yata ang laki at double xl pa!

Napapikit ako ng mariin dahil may pumapasok sa isip ko na ibang bagay.

"Aarrgghh!! Bwisit ka talagang hinayupak ka!" Malakas kong sigaw dahil ako lang naman ang makakarinig.

Hanggang sa matapos ako at maisampay iyon ay grabe ang murang sinasambit ko.

Bakit kasi bumait ako at sinunod siyang maglaba? Tanga mo rin Zyriene!

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon