Zyriene POV's:
Mag-isa ako ngayon dito sa kama at pabaling baling ako ng higa. Sobrang lalim na ng gabi pero hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi si Thander kung saan siya natulog. Hindi siya pumasok dito sa loob kanina pa. Siguro sa labas siya natulog. Pero bakit naman ako nag-aalala sa kanya?
Pakialam ko ba sa manyak na iyon. Buti nga at hindi siya dito sa kwarto natulog kung nagkataon naku makakagawa ako ng mali.
Bumangon nalang ako at umalis ng kama. Hindi din naman ako makatulog pa. Binuksan ko ng mahina ang pinto at sumilip sa labas pero wala akong nakita na natutulog siya sa bangko. Walang Thander na natutulog doon.
Lumabas na ako at wala ni anino niya ang nakita ko dito sa loob. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Kadiliman ang nakikita ko sa paligid pero may napansin ako sa bandang unahan na malapit sa mga puno na
may maliit na ilaw na parang galing sa isang bagay.Dahan dahan akong lumalapit at naaaninag ko ang katawan ni Thander na may kinakausap yata sa kanyang cellphone. Napatago ako sa isang puno nang malapit na ang pwesto ko mula sa kinatatayuan niya.
"Yes Mr. President. As I said, nakatakas ako mula sa kanila at patuloy akong hinahanap. Yeah, I'm okay. Don't worry about me. I can handled myself. Sige na kailangan ko nang I end ang tawag mo. Babalitaan nalang kita kapag may progreso na. Ciao."
Napatakip ako sa bibig para hindi ako makagawa ng ingay nang mapatingin sa kinaroroonan ko si Thander. Pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil madilim sa parteng ito. Binulsa na niya ang kanyang cellphone at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Naalarma naman ako dahil malalaman niyang wala ako sa loob ng kwarto. Nataranta akong bumalik sa loob ng bahay at dinig na dinig ko ang kanyang galit na boses.
"Zyriene! Fuck! Where are you!" Sabi na ngang magwawala siya sa galit nang maisip niyang tumakas ako.
Napatikhim ako at nagkunyaring nagtataka sa nangyayari pero grabe na pala ang nararamdaman kong kaba sa dibdib.
"B-bakit?" Nagsuplada ang boses ko para hindi niya mahalata ang panginginig ng boses ko.
Lumapit naman agad siya sakin na seryoso ang mukha pero nahalata kong may takot yata sa kanyang mga mata na pinagtaka ko. Siguro akala niya ay tumakas ako at magsusumbong sa mga pulis kaya ganun ang mukha niya.
"Saan ka galing?" Nandun parin ang suplado sa kanyang tanong. Napaiwas naman ako ng mukha at natingnan ang mga kamay ko.
"S-sa labas may naiwan lang akong gamit." Lihim kong nakagat ang dila ko sa kasinungalinagan.
"Anong gamit?" Hindi talaga ako nag-iisip. Magaling pala siya sa mga bagay na kahina hinala at magaling mang-amoy. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Mag-isip ka Zyriene!
"A-ah... I-iyong mga p-panloob ko!" Napapikit ako sa sobrang hiya at pag-iinit ng mukha ko. Iyon lang bigla ang lumabas sa bibig ko.
Nakakahiya ka talaga, Zyriene!
"Tsk. Sa susunod siguraduhin mong hindi mo makakaligtaan ang mga iyon. Malimutan mo na ang lahat huwag lang ang mga iyon. Sige na, pumasok ka na at magpahinga." Tinalikuran niya ako at pumasok sa kusina habang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Sa lahat na pwede niyang sabihin ay iyon pa talaga ang sinabi niya? Inaasam ko na pagtatawanan niya ako o tutuksuhin na mas gusto ko pa sana pero iba ang narinig ko mula sa kanyang bibig. Concern at bumait yata siya sakin?
Umiling ako at pumasok na sa loob ng kwarto. Pero inisip ko kung dito ba siya sa loob matutulog.
Nahiga nalang ako sa kama pero hindi mawala sa isip ko ang pag-uusap niya sa cellphone. Anong Presidente ang kanyang tinutukoy? Sinong Presidente iyon? Presidente ba ng bansa o sa negosyo? Naguguluhan na ako sa mga tanong sa isip ko.
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
Fiksi UmumThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...