Chapter 9

43.4K 1.2K 99
                                    

Zyriene POV's:

Pumasok kami ni Thander sa isang abandonadong building. Medyo luma pero hindi pa naman sira ang pader. Hindi din ako makapaniwala sa kanyang pagsisinungaling na asawa daw niya ako. Sarap talaga sapakin ang pagmumukha niya. Nakakatakot din ang mga lalaking iyon. Malaki ang mga katawan at marami ding tattoo sa kanilang balat. May mga hikaw pa sa bibig, ilong at buong tenga. Parang galing sa preso.

Siguro mga kasamahan iyon ni Thander sa kulungan at nakatakas din.

Umakyat kami sa pinakataas na hagdan ng building. Abandonadong hotel ito dahil maraming mga pinto.

"Bro! Dito kayo ng asawa mo! Malinis naman itong kwarto!" Huminto sa pinakadulo ang lalaking may maraming hikaw sa tenga. Cesar yata ang pangalan.

"Salamat Bro!"

"Walang anuman. Baba muna ako at sabihan ang iba na nandito ka." Tinapik nito ang balikat ni Thander na kinatango lang niya at umalis nadin ang Cesar na iyon.

Pumasok naman kami ni Thander sa loob ng kwarto. Kulay puti ang silid at mukhang malinis naman.

Dinala niya ako sa kama at pinaupo kaya umayos ako ng upo at masama parin ang tingin sa kanya.

"Magpahinga ka muna. Bababa lang ako saglit." Hindi ko siya pinansin dahil nakatalikod ako sa kanya.

Narinig ko mula sa likod ang malalim niyang paghinga bago siya lumakad palabas ng pinto at isinarado iyon.

Lumingon ako at natingnan ang nilabasan niyang pinto. Humugot ako ng hangin at binuga iyon. Wala na talaga akong pag-asa pang makalaya mula sa kanya. Dinala pa ako dito sa lugar na ito.

Sana nasa ayos lang na kalagayan sila Mama at Papa. Hindi man lang ako nakatawag sa kanila dahil kinuha ni Thander ang cellphone ko. Akala siguro niya ay magsusumbong ako sa mga pulis.

Napalibot ang tingin ko sa silid. May isang pinto na sigurado akong banyo. May isang bintana at beranda sa labas. Nasa pinakataas kaming bahagi ng building. Ang kama ay puti ang sapin pati na ang kumot at dalawang ulunan. Luma na pero malinis pa naman.

Nahiga ako saglit para sana magpahinga pero namalayan kong nakatulog ako dala ng pagod at pananakit ng katawan.

May humahaplos sa mukha ko kaya agad akong nagising. Mukha ni Thander ang bumungad sakin na nakaupo sa gilid ko.

"T-thander?" Ngumiti siya kaya bumangon ako at napaupo.

"Masakit pa ba?" Makahulugan niyang tanong na hindi ko naunawaan pero saglit akong pinamulahan ng matanto ang tinutukoy niya.

"A-ano?" Pagmamaangan ko pero grabe na ang init ng mga pisngi ko. Bakit naman niya tinatanong?

"Wala. Huwag mo nang pansinin. Kumain ka muna may binili akong pagkain." Tumayo siya at inayos sa lamesita ang dala niyang pagkain na halatang inorder pa niya.

Tatayo na sana ako pero sumenyas siyang maupo lang ako kaya sinunod ko nalang siya. Nilapit niya ang lamesita sa kama at sinabing kumain na ako.

"Kumain ka lang dito. Bababa lang muna ako." Tumingin ako sa kanya na nakatingin na pala sakin.

"I-ikaw? Kumain ka na ba?" Umiling siya.

"Huwag mo akong intindihin. Kaya ko ang sarili. Ikaw ang mas dapat na kumain para bumalik agad ang lakas mo kung sakaling pagurin ulit kita." Naiwan akong nakatulala sa kanyang pahayag.

Ilang minuto din akong nakatingin sa pintong nilabasan niya bago bumalik sa aking ulirat.

Anong sinabi ng lalaking iyon?

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon