Chapter 14

35.7K 1K 23
                                    

Zyriene POV's:

"T-thander?"

Agad akong lumapit sa kanya nang makita ang sitwasyon niya. Inalalayan ko siya sa kanyang balikat at kita ko ang bakas ng dugo sa kanyang damit sa may bandang balikat niya. Ramdam kong nanghihina siya at ilang sandali lang ay mawawalan na siya ng malay. Dinala ko siya sa kama at padapang pinahiga dahil sa kanyang sugat sa likod ng balikat niya. Tama iyon ng bala at maraming dugo ang lumabas sa kanya. Buti at may lakas pa siya at nakauwi dito.

Tuluyan na siyang nawalan ng malay sa dami ng dugo na kumawala sa kanya.

Kinuha ko agad ang mga gamit ko sa bag bago bumalik ng kama. Ginupit ko nalang ang suot niyang damit dahil nahirapan ako sa paghubad ng damit niya. Agad kong kinuha ang bala na nakabaon sa balat niya bago iyon inagapan ng gamot. Nanginginig pa ang mga kamay ko pero pinilit kong pakalmahin ang sarili sa takot at kabang nararamdaman ko. Buti nalang ay nagpabili ako kay Thander ng mga gamit at gamot na kakailanganin ko sa ganitong oras ng panganib. Alam ko kasi na ako lang ang makakatulong sa kanya at sa mga kaibigan niya.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay binihisan ko na siya ng malinis na damit para komportable siya. Nakadapa parin ang pagtulog niya.

Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang mukha niyang nasa direksyon ko. Payapa na ang kanyang hininga pero nakakunot noo parin ang kanyang mukha. Umuwi siyang may tama ng baril at ikalawang pagkakataon ko na itong gamutin siya. Noong una ay nang makidnap niya ako. Tapos ito na naman siyang may natamong sugat.  Nakikipagbarilan siya at sino ang kaaway niya? Ito na ba ang ibig sabihin ni Kiloy?

Lumapit ako sa kama at naupo sa  isang upuan. Hinaplos ko ang kanyang mukha bago ko nahalikan ang kanyang bibig.

"Sana malaman ko ang iyong katauhan bago ko sabihin sayo ang mahalagang bagay, Thander. Sana din ay matanggap mo ito." Kusa akong napaluha dahil sa sitwasyon kong ito na dumagdag pa ang isang panibagong dalahin ko. Pero kailangan kong maging matatag alang alang sa magiging anak ko. Sa magiging anak namin ni Thander.

Positive ang naging resulta ng test at nang malaman kong buntis ako ay pinaghalong saya at takot ang aking nararamdaman. Saya dahil ang taong mahal ko ay siyang magiging Tatay ng anak ko. Takot dahil hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito oras na malaman niyang buntis ako. Kung paninindigan ba niya ang anak namin o hindi.

Lubos akong masasaktan kapag nangyari iyon. Ayokong lumaki ang anak kong walang Ama at ni hindi ko nga alam ang tunay na pagkatao. Nasasaktan din ang puso ko dahil hindi ko alam kung mahal din niya ako. Pakiramdam ko ay hindi at parausan lang ako sa kanya. Ginagamit lang kapag gugustuhin niya. Ang sakit sakit sa dibdib kapag iniisip iyon.

Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan nakatulog ako. Kinaumagahan ay nagising akong nakahiga na sa kama at wala na si Thander dito. Napatingin ako sa orasan at kita kong pasado alas otso na ng umaga. Bumangon ako at inayos muna ang kama at ang sarili ko bago lumabas at bumaba.

Pagkarating ko ng kusina ay napahinto ako nang mapatitig sa mga mata niyang matiim. Na kung tumitig ay parang hinihigop niya ako ng buo. Mga mata niyang napapanginig sa buo kong kalamnan. Bumibilis itong dibdib ko kapag nakikita ko siya at ito pa ang mga titig niyang nagbibigay kaba sakin.

May narinig akong mga tikhim kaya napakurap ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

"Good morning asawa ni Thander!"

"Good morning, Zyriene!"

"Magandang umaga din sa inyong lahat." Pahayag ko na nginitian sila isa isa maliban lang sa kanya na pansin kong masama ang titig sakin.

Inirapan ko siya ng lihim bago nagtuloy sa loob at naghanda ng kakailanganin ko para sa umagahan. Alam kong ako pa ang hinihintay nila para magluto.
Puro kasi kulang ang sangkap kapag isa sa kanila ang magluluto.

"Ehem! Mukhang may bad mood dito. Mga Bro doon nalang tayo sa labas magkape baka kay umaga ay suntok ang aalmusal natin!" Narinig kong pagsalita ni Cesar at alam ko kung sino ang pinapasaringan niya.

Narinig kong lumabas na sila Cesar dito sa kusina at ramdam ko ang presensya niyang nakatitig sakin. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Pero maya maya ay napahinto ako ng maramdaman ang kanyang hininga sa leeg ko. Dumaloy na naman ang kakaibang init sa kaibuturan ko.

"Hhmm.. Good morning, Babe." Hinahalikan niya ako sa aking leeg na kinakagat ng labi ko sa pagpipigil kong huwag umungol. Kay init ng kanyang bibig na binubuhay itong pagnanasa ko.

"A-ano ba Thander nagluluto ako dito!" Muntik nang lumabas ang ungol ko nang lumapat ang kanyang kamay sa puson ko at hinihimas iyon. Kinukuryente na itong pakiramdam ko kung magpapatuloy pa siya.

"It's okay, Babe. Magpatuloy ka lang sa ginagawa mo diyan habang ako naman ay nag-eenjoy din dito. Hhmm?" Ang sarap talagang sapakin ng lalaking ito sa totoo lang. Paano ako makakakilos kung ganitong nakadikit siya sakin at tinutukso ako?

Ako na ang kusang napalayo mula sa kanya at masama siyang tinitigan. Nakangisi siyang nakahilig sa lababo at mukhang nasisiyahan siya sa pagtukso sa akin.

"Ah ganun? Kung ihagis kaya kita sa labas mag-eenjoy ka din?" Natigilan siya sa sinabi ko pero maya maya ay napahalakhak siya ng malakas na kinataas ng kilay ko. Nainis ako sa pagtawa niya na napapawak pa sa tiyan at tawang tawa sakin.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Nabaril lang ang lalaking ito pati ulo ay tinamaan din!

"Damn Babe! Ikaw lang ang nakakagawa sakin ng ganito. Nagustuhan ko ang sinabi mo!" Napasuntok siya sa lababo at napapahid sa magkabilang mata niya nang sa wakas ay tumigil narin siya sa paghalakhak niya.

"Tapos ka na ba sa pagtawa?" Napatikhim siya at umayos ng kanyang tayo nang makita ang mukha ko.

"Hindi ko lang mapigilan ang tawa ko dahil sa sinabi mo." Inirapan ko siya at kita ko ang pagkamot niya sa batok niya. Naiinis talaga ako sa pagtawa niya at gustong gusto ko talaga siyang sapakin at ihagis sa labas.

"Kung tapos ka na pwede bang lumabas ka na dahil magluluto pa ako?"

"Copy Babe." Tuluyan na siyang lumabas ng kusina at naiwan akong napahinga ng lalim at kinalma ang sarili.

"Mga ugok! Nakikinig ba kayo sa usapan namin?"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses na iyon ni Thander. Lalong nadagdagan ang inis at hiya ko nang makita ang mga kaibigan niyang pawang nakangisi ang mukha at nagbabatukan sa isa't isa.

"Thander!" Hindi ko na mapigilan ang inis ko at nasambit ko ng malakas ang ngalan niya. Binato ko din ng sibuyas iyong pinto.

"Si Misis yata mga Bro naglilihi na!"

"Congrats, Boss Thander!"

"Kaya pala masungit pinaglilihan ka, Bro!"

Mga salitang naririnig ko na kinahinto ko at tingin sa labas.

Naglilihi nga kaya ako? Kaya ba masungit ako at madaling mainis? A-alam na ba ni Thander na buntis ako?

Alam kong hindi ko ito matatago sa kanya. Malalaman din niyang buntis ako. At natatakot ako kapag natuklasan na niya iyon. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya at desisyon.

***

Highly appreciated for voting, commenting and sharing.

—MAYAMBAY—

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon