Chapter 5

48.1K 1.1K 33
                                    

Zyriene POV's:

Mag-isa na naman ako ngayon dito sa bahay dahil umalis na naman ang lalaking iyon nang hindi nagpapaalam sakin. Paggising ko kanina ay wala siya sa buong bahay at nagbilin lang siyang muli ng papel na nagsasabing kumain daw ako at maglinis ng bahay. Ikalawang beses na itong umaalis siya na wala man lang pasabi. Kahit kinidnap niya ako ay nag-aalala parin ako sa kanya. Kahit ang sama niya ay inaalala ko parin ang kaligtasan niya.

Paano kung mahuli siya ng mga pulis na tumutugis sa kanya? Paano kung patayin nalang siya dahil nanlaban?

Pero bakit ko ba inaalala ang kapahamakan niya? Diba dapat masaya ako? Dahil makakalaya na ako mula sa kanya?

Sa mga kamay niyang makasalanan.

Napabuntong hininga ako sa kawalan. Matapos ko ngang kumain ay naglinis ako ng bahay kahit malinis naman.

Buong araw ay nanood lang ako ng tv pagkatapos ng aking mga gawain. Mayroon chanel na ang balita ay tungkol sa kanya. Tinutugis parin ng mga kapulisan. Matinik daw siyang magtago.

Pagsapit ng gabi ay nagluto ako para samin dalawa baka uuwi siya ng maaga. Pero pasado alas diyes na ng gabi ay wala parin siya. Kaya kumain nalang akong mag-isa. Umuulan pa ng malakas sa labas. Kanina parang ang ganda naman ng panahon. Bigla yatang umulan.

Nagpahinga lang muna ako saglit bago ako nagtungo sa kwarto. Nakalock naman ang pinto at bintana.

Nakahiga na ako ng ilang minuto pero hindi makatulog. Malakas parin ang buhos ng ulan at natatakot ako na baka kumulog o kumidlat. Idagdag pang nag-iisa lang ako dito sa bahay sa pinakasulok ng kagubatan.

Paano kung may naligaw na masamang tao at gawan ako ng masama? Paano kung patayin ako?

Kinikilabutan ako sa isipin iyon. Wala pa naman dito si Thander. Saan na kaya siya.

Napapitlag ako bigla ng may gumalabog sa labas ng bahay. Napabangon ako at napasiksik sa head board ng kama. Natatakot ako baka masamang tao iyon na gustong pumasok sa bahay.

Nandun na naman ang galabog sa labas at malakas na binabato ang pinto.

Ano nang gagawin ko?

Kahit matapang ako ay mahina parin ang katawan ko kumpara sa taong nasa labas. Kung lalaki man iyon ay malakas ang kanyang pwersa kaysa sakin.

Mabilis akong umalis ng kama at kinuha ang gunting sa drawer. Mariin ko iyon nahawakan. Kahit papano ay makapanlaban ako.

Hindi tumitigil ang kalabog sa labas hanggang sa makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Z-zyriene! Huk!" Boses iyon ni Thander kaya nabitawan ko ang gunting at mabilis na lumabas ng kwarto. Binuksan ko muna ang ilaw bago buksan ang pinto.

Bumulaga sakin si Thander na basang basa ang katawan at nakahandusay sa sahig. Inalalayan ko siyang tumayo at inakay sa loob ng bahay. Ang bigat ng kanyang katawan pero kinaya ko hanggang sa pahiga ko siyang nilapag sa bangko.

Lasing na lasing siya at sumisinok. Agad akong pumasok sa kwarto at kumuha ng twulya at damit niya. Lumabas narin ako pagkatapos.

Kahit ayaw ko man ay binuksan ko lahat ng kanyang damit. Iniiwasan kong mapasagi ang kamay sa parteng iyon na pikit mata sa paghuhubad sa kanya.

Aarrgghh! Kainisi ka talaga Thander!

Himutok ng isip ko habang hinuhubad ang pantalon niya. Dapat sanay na akong makakita ng hubad na katawan dahil nurse ako pero iba naman sa lalaking ito. Ewan ko. Parang kinukuryente ang buo kong katawan kapag dumadaiti ang kamay ko sa katawan niya.

Matapos ko siyang mahubadan ay maingat kong pinasuot ang puting sando sa kanya. Medyo nahirapan ako dahil iwinawasiwas niya ang mga kamay at umuungol pa siya.

"Z-zyriene.. Huk!" Napahinto ako sa pagsuot sa kanya ng sando ng marinig ang ungol niya. Medyo dinidilat niya ang kanyang mga mata at inaaninaw ako.

"Bakit ka pa sumuong sa ulan at naglasing?" Pagalit kong sita sa kanya na narinig ako dahil ngumisi siya.

"Ikaw kasiHuk! Ginugulo ang isip k—Huk!" Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil sumisinok siya.

"Sana hindi ka nalang umuwi. Kita mong malakas ang ulan!" Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa. Kinuha kong muli ang mga kamay niya para ipasuot ang damit pero nahawakan niya ng mahigpit ang isa kong kamay.

Ngumisi siya at nagulat sa kanyang ginawa. Natuod ako at nanlaki ang mga mata habang nakahalik sa labi ko si Thander.

Napabalik lang ako sa ulirat ng madiin niyang sinipsip ang dila ko na ginagalugad na pala ang loob ng bibig ko. Tinutudyo at sipsip niya ang dila na nagpakawala ng ungol ko.

Napatukod ang isa kong kamay sa bangko para kumuha ng suporta. Ang isa ay hawak pa niya na kinabig niya palapit sa kanya. Nakahiga siya sa bangko habang ako ay nakadagan sa kanya.

Mariin niyang inaangkin ang labi ko. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa. Hinahayaan ko lang ang lalaking ito na halikan ako. May isang bahagi sakin ang tutol pero may isa naman ang pumapaubaya.

Namalayan ko nalang din na gumaganti na ako ng halik sa kanya. Kaya naging mapusok nadin ang paraan ng halik ni Thander sakin. Lumalim at naghahanap.

Parang nilalasing din niya ako sa paraan ng kanyang halik. Masasabi kong hindi siya lasing dahil napakagaling niyang humalik kahit lasing na lasing siya. Naaamoy ko ang hininga niyang amoy alak. Pero mabango parin para sakin.

Nakapikit lang ako habang nagpapaubaya sa kanya. Naramdaman kong tumayo siya at pinangko ako kaya napatingin ako sa kanya na nakatitig na pala sa akin habang magkalapat parin ang aming labi. Kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa.

Lumakad siya papasok sa loob ng kwarto at maingat akong inihiga sa kama. Pakiramdam ko ang lakas parin niya dahil nakakalakad siya ng tuwid.

Hindi ko nalang pinansin iyon dahil dinaganan na niya ako at nagpatuloy kami sa paghahalikan. Hinubad niya ang suot kong pantulog at hindi man lang ako tumutol. Hinayaan ko lang siya na hubaran ako at tumambad na sa kanyang mga mata ang kahubdan ko.

Nag-aapoy sa pagnanasa ang kanyang mga mata habang hinahagod ako ng tingin. Akma kong ipantakip ang mga kamay sa dibdib ko ng pigilan niya.

"Don't. It's perfect, Babe." Namamaos ang kanyang boses na wala nang bahid ng sinok.

"A-akala ko lasing ka?" Naisatinig ko na kinangisi niya ng nakakaakit.

"Oo. Pero nawala bigla dahil sa nakakatakam mong alindog." Pinamulahan ako ng mukha at uminit bigla ang katawan ko dahil sa hayagan niyang pahayag sa akin. Sarap bitayin ng isang ito. Pinagtitripan ako.

Gusto kong sapakin ang lalaking ito sa totoo lang para mawala na talaga ang pagkalasing. Nahiya tuloy ako sa sarili dahil hinayaan ko ang lalaking ito na halikan ako at ngayon ay hubo't hubad na sa kanyang harapan.

D-dito na kaya matatapos ang pagkabirhen ko?

Itutuloy...

***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing.
Gracias!

MAYAMBAY

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon