Zyriene POV's:
Nagising ako dahil sa mainit na bagay na dumadama sa bibig ko. Pagmulat ng aking mga mata ay tumama iyon sa kulay bughaw niyang mga mata. Ngumisi siya kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa nangyari kagabi. Bawat detalye ay naalala ko na naman. Napatago ako sa dibdib niya dahil namumula ang mukha ko.
May gana ka pang mahiya matapos ang tagpong iyon kagabi, Zyriene?
Iwinaksi ko ang isiping iyon.
"Good morning, Babe." Bulong niya sa tenga ko at ito na naman ang katawan ko. Sa mainit lang niyang bibig ay nagrereact na ang katawan ko.
Hindi ako nagsalita at hinayaan lang ang katawan kong damhin ang mainit niyang katawan. Naririnig ko ang pagpintig ng kanyang puso na sobrang bilis. Alam kong nararamdaman din niya ang sakin.
"Patawad sa nakita mo kahapon. Siya ang unang nanghalik kaya nadala ako." Ah, kaya pala naakit ka agad!
Sarap ipamukha iyon sa kanya.
"G-girlfriend mo ba iyon?" Napatakip ako ng bibig dahil sa pinagsasabi ko pero huli na dahil lumabas na iyon sa bibig ko.
"No. Wala kaming relasyon. Pero noon ay—"
"Dati mo siyang naikama." Pagtatapos ko para sa kanya. Iyon naman kasi ang idadagdag niyang salita.
Alam ko naman na matinik siya sa mga babae noon pero may parte sakin na parang tinutusok sa kaalamang ito at nakita pa mismo ng mga mata ko. Hindi ko matanggap na gagawin niya muli iyon, ang gawain niyang mambabae at ikama.
Pero isa din pala ako sa mga babaeng iyon na kinama niya at binigay ko naman ang sarili ko sa kanya ng ganun lang. Sa isang iglap ay nawala ang pagkabirhen ko. At ito naman ako. Nagpapaloko sa kanya. Isang galaw niya ay madadala na agad ako. Mahina talaga ako sa ganitong bagay. Marupok pagdating sa tukso.
Pinipigilan ko ang huwag mapaiyak dahil gusto naman silang kumawala mula sa mga mata ko. Napapikit ako ng mariin para pigilan iyon.
Kumalas ako sa yakap niya at bumangon. Umalis ako ng kama habang takip ko ang kumot sakin katawan. Kahit masakit ang katawan ko at sa gitnang hita ko ay hindi ko pinahalata sa kanya.
"M-magbabanyo lang ako." Sabi kong nakatalikod sa kanya dahil ayokong makita niya ang mga mata ko.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Nagugutom ka na ba?" Tumango tango nalang ako at ramdam kong umalis din siya ng kama at napapitlag ako ng halikan niya ang gilid ng leeg ko mula sa likod. Pagkatapos ay lumakad na siya palabas ng silid.
Naiwan naman akong nakatingin sa pintong nilabasan niya. Ang mga luha kong pinipigilan ay lumandas na sa mukha ko.
Sa ikalawang pagkakataon ay nagpaangkin na naman ako sa kanya na walang namumuong pagmamahalan sa pagitan namin dalawa. Ni wala kaming relasyon sa isa't isa. Ang nangyaring ito ay dala lang ng init ng aming mga katawan.
Para bang isa lang akong damit na kung kailan niya gusto ay gagamitin niya.
Pinahid ko ang aking mga luha at paika ikang pumasok ng banyo. Naligo ako para lumamig ang katawan ko. Para maginhawaan ang nararamdaman kong sakit sa katawan at ng puso ko.
Kainis! Bakit kasi sa babaerong Thander na iyon pa ako umibig!
Sa isang killer pa talaga tumibok ang puso ko.
Binilisan ko ang pagligo at kita talaga ang ebidensiyang iniwan niya sa katawan ko. Lumabas na ako ng banyo takip muli ang kumot sa katawan ko. Napatigil ako ng maalalang wala pala akong damit dahil agaran kaming umalis doon sa kanyang bahay sa nangyaring pagbabarilan.
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
General FictionThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...