Chapter 16

36.5K 1K 86
                                    

Zyriene POV's:

Sunod sunod na ingay ang siyang nagpamulat sakin. Bigla din akong nahintakutan ng makitang pageywang gewang ang aming sasakyan na minamaniobra ni Thander. Ang ingay na naririnig ko ay galing sa baril na pinapaputukan ang sasakyan.

"T-thander! Anong nangyayari!?" Nanginginig ang boses ko sa takot habang mariin akong napapayuko at napakapit sakin upuan.

Mabilis ang pagmamaneho ni Thander na iniilagan ang mga bala pero tinatamaan parin ang sasakyan. Wasak na ang bandang likod ng sasakyan pati ang bintana sa likod. Pansin kong may dalawang van ang nakasunod at may mga armadong sakay na siyang bumabaril samin.

Maya maya ay ramdam ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko ng mahigpit. Sinulyapan niya ako at kita ko ang pagngiti niya.

"Hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo, Zyriene. Poprotektahan kita at itataya ang buhay ko. Sisiguruhin kong maliligtas ka dito. Tandan mong mahal na mahal kita!" Bumuhos ang mga luha ko nang marinig ang kanyang sinabi. Ito na ang pinakamasarap na mga katagang binitiwan niya. Mga katagang nagpapabilis ng pintig ng puso ko.

Hinaplos ng isa kong kamay ang pisngi niya bago napangiti kahit hilam sa luha ang mga mata ko.

"Sobrang saya ko na malaman na mahal mo ako, Thander. Kahit sinabi mo sa ganitong sitwasyon na nanganganib tayo ay nagpapasalamat parin akong sinabi mo iyon sakin. Kahit kinidnap mo ako at hindi alam ang pagkatao mo ay nagawa kitang mahalin. Mahal na mahal din kita, Thander at magiging Tata-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni Thander ng mahigpit kasabay nun ay huminto ang sasakyan. Kinalas niya ang seatbelt ko bago ako hinawakan sa mukha ng matiim.

"Matagal ko nang alam na mahal mo ako, Babe. Nakikita ko iyon sa kilos at mga mata mo. Kahit galit ka sakin ay alam kong mahal mo parin ako." Napatigil siya para lang tumawa ng mahina nang makita ang mukha kong napanguso. Hinalikan niya ako sa noo bago nagpatuloy. "Mahal na mahal din kita tandaan mo iyan, Zyriene. Babalik ako at babawiin kita!" Napapikit ako at ninamnam ang kanyang halik. Matagal iyon at ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Kahit nasa panganib ang aming buhay at kung anuman ang mangyari ngayon ay masaya akong nalaman na mahal ako ni Thander. Nagkaalaman kami ng aming damdamin at ang pangambang nararamdaman ko ay naglaho nalang bigla. Mahal ako ni Thander at ganun din ako sa kanya. Kahit ayoko pang mamatay dahil sa anak namin ay tatanggapin ko kung dito nalang ang hangganan ng buhay ko. Kasama ang taong mahal ko.

Lumuluhang napatango ako sa kanya kahit naguguluhan ako sa huli niyang sinabi.

"Kiloy! Kunin mo na siya!" Nagtaka ako ng bumukas ang pinto sa gilid ko at biglang sumulpot si Kiloy na may hawak na mahabang baril.

"Tayo na po, Ms. Zyriene!"

Lumingon ako kay Thander para magtanong pero kita kong nakatingin siya sa unahan at madilim ang kanyang mukha.

"U-umalis na tayo, Thander!" Nasa labas na ako ng sigawan ko siyang lumabas pero hindi niya ako pinapansin. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kasama! Kaya umalis na tayo, Than-"

"Umalis ka na! Gusto mo pa bang magalit ako sayo, Zyriene!?" Napapitlag ako sa sigaw niya. Kahit patuloy na binabaril aming sasakyan ay hindi ko hahayaan na manatili siya dito at mamatay.

"U-umalis ka na kasi diyan at sumama samin! Gusto mo bang mamatay!?" Galit ko nadin sigaw dahil ang tigas ng ulo niya.

"Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang bingi ka lang, Zyriene!?" Ngayon ay tinitigan na niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang galit pero may lamlam doon na alam kong ginagawa niya ito para sakin. Inuna niya ang kaligtasan ko kaysa buhay niya.

"Aahh!" Daing ko nang may tumamang bala sa balikat ko.

"Zyriene! F*ck! Kiloy umalis na kayo kunin mo na si Zyriene!" Pilit na akong inakay ni Kiloy habang hawak ko ang balikat kong dumudugo. Nakatitig ako kay Thander na may pag-alala sa kanyang mukha at alam kong gusto niya akong daluhan kanina pero sinuway nito ang sarili. Kita ko din na binaril nito ang taong bumaril sakin.

Pinasok ako ni kiloy sa isang sasakyan at kahit dumidilim na ang paningin ko ay pilit akong nagpupumiglas para puntahan si Thander.

"Thander! Kiloy ilabas mo ako dito ayokong mapalayo kay Thander!" Hiyaw ko habang iyak ng iyak at pilit binubuksan ang pinto.

Umusad na ang sasakyan pero patuloy kong binubuksan ang pinto para makalabas. Pero ilang segundo lang ang nakalipas ay napahinto ako ng makarinig ng malakas na pagsabog sa likuran bahagi. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa isang sasakyan na sumabog.

"Thander!!" Napahiyaw ako ng malakas kasabay ng biglang pagdilim ng aking paningin.

"Zyriene.. Babe.. Babe.."

Nagmulat ako ng aking mga mata ng may marinig akong ingay at pamilyar na boses. May bumabato sa bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at dumungaw doon. Doon ay nakita ko si Thander na kinawayan ako. Nakangiting binuksan ko ang pinto at nangalumbaba doon.

"Hi, Babe. Good morning!"

"Ang aga aga nambubulabog ka! At tingnan mo nga ang suot mong damit, all white talaga?" Lumapad ang ngiti nito.

"Bagay naman sakin tingnan di ba?" Umiling ako bago siya tinawanan.

"Hindi bagay! Ang pangit mo kaya tingnan!" Napamulsa siya habang tinitigan ako. Pansin kong biglang lumungkot ang kanyang mukha.

"I love you."

"Naks! Ang aga aga kay tamis agad ng bibig mo!" Pagbibiro ko pero ang totoo ay kinikilig ako at kumakabog itong dibdib ko.

"Always remember that I love you, Zyriene. You always in my heart." Napaluha ako sa taos puso niyang pagkakabigkas nun.

"I love you too, Thander Blake Clintosh!" Nagpalipad ako ng halik sa hangin papunta sa kanya na agad naman niyang hinuli at dinama iyon.

Humakbang siya na akala ko ay papasok dito sa loob ng bahay pero hindi dahil humakbang siya patalikod sakin.

Pinigilan ko agad ang pag-alis niya.

"Thander! Aalis ka agad? Mag-almusal ka muna iluluto ko ang favorite mong afritada!" Sigaw ako ng sigaw pero hindi niya ako pinapakinggan at parang hindi niya ako naririnig.

"Thander! Saan ka pupunta?" Umiiyak at hiyaw na ako kakatawag sa kanya pero nasa malayo na siya at unti unting naglalaho sa paningin ko.

"Thander huwag mo akong iwan! Thander-"

Malalim akong napasinghap kasabay ng pagmulat ng aking mga mata.

"Zyriene, anak ko!"

"Zyriene, anak."

Sunod sunod ang paghinga ko at kita kong puro puti ang paligid ko. Pero ang hindi ko inaasahan na makita ay ang mga mgaulang ko na nakahawak sakin kamay at may pag-alala sa kanilang mukha.

"Ma, Pa. Si Thander po nasaan? Anong nangyari sa kanya?" Sunod sunod kong tanong sa kanila na kinatinginan nila sa isa't isa. Biglang pumasok sakin ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Hinawakan ako ni Mama sakin mukha at pinapakalma.

"Magpahinga ka muna, anak. Masama sayo ang mapagod at mag-isip ng kung ano ano. Nandito kami ng Papa mo, babantayan ka namin." Napahawak ako sa tiyan ko nang maalala ang kalagayan ng anak ko.

"Huwag kang mag-alala ligtas ang baby mo." Naluluhang tiningnan ko si Mama na nginitian lang ako.

"S-sorry po.." Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso. Si Mama ay hinaplos ako sa mukha habang si Papa naman ay nakatayo sa gilid ni Mama at seryoso lang ang mukha.

"Sige na magpahinga kang muli para bumalik ang lakas mo, anak." Napapikit ako nang halikan ako ni Mama sakin noo.

Pinikit ko ang aking mga mata at mukha agad ni Thander ang naaninaw ko. Sumikdo ang sakit sa dibdib ko ng maalala ang malakas na pagsabog ng sasakyan na kinaroroonan niya. Sana pinilit ko siyang lumabas sa kotseng iyon at sumama sakin. Sana kung nakaalis man siya ng sasakyang iyon ay ligtas siya at nasa mabuting kalagayan. Pero sa lakas ng pagsabog at malaking apoy ay malabong mangyari iyon.

Dinala muli ako sa karimlan pero isang tao lang ang nasa isipan ko.

Thander..

***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!

MAYAMBAY.

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon