Zyriene POV's:
Sa unahan ng malaking puno ay may natanaw akong isang bahay. Madilim sa parteng iyon pero alam kong isa iyong bahay. Sa aming paglalakad ay tahimik lang kaming pareho. Mga yapak sa damuhan lang ang ingay. Nagtaka naman ako kung kanino ang bahay na iyon. Malayo sa kabihasnan at akalain mong may ilog pa pala dito. Mabuti nalang hanggang tuhod ko lang ang tubig. Pero nakakainis dahil nadulas ako at hindi man lang ako tinulungan ng magaling na lalaki. Ayan tuloy basa ang buo kong katawan. Iniinsulto pa ako ng gago!
Siya na ang unang naglakad pero binantaan akong papatayin niya oras na tumakas ako. Sa tingin ba niya magagawa ko pang tumakas?
Binuksan niya ang bakal na gate at pumasok. Yakap ko naman ang sarili ko dahil sa lamig. Napansin kong may dala siyang susi at sinusian ang pinto. Luma na ang bahay at gawa sa semento. Napapalibutan ito ng mga punong kahoy kaya hindi mo mapansing may bahay dito. Para bang nasa isa kang paraiso.
Nang mabuksan ang pinto ay agad siyang pumasok sa loob at hinanap ang switch ng ilaw. Napasunod narin ako sa kanya. Bumukas ang ilaw at tumambad sakin ang sala. Maayos naman dito sa loob at medyo maalikabok lang. Matagal na siguro itong walang tao. May mga gamit rin. May upuan at television. May dalawang pinto ang nakasarado.
"Magluto ka. Nagugutom na ako." Aba't! Tarantado pala ang gagong ito. Nakita niyang basa ako at nanginginig na sa ginaw hindi man lang nagbigay ng konsiderasyon? Siya itong paupo upo lang sa bangko at prenteng nanonood ng t.v?
Kinidnap niya ako para gawing maid niya? Huh! Ang galing!
"Hindi mo ba nakitang basa ako at nanginginig sa lamig!?" Sigaw ko sa kanya na kinainit ng kanyang ulo. Galit siya basi sa mukha niya. Tumayo na nga siya at hinawakan ako sa mukha ng mariin.
"Nagrereklamo ka? Gusto mo bang patayin na kita ngayon!" Tinapatan ko rin ang titig niya. Titig na puno ng poot. Ngayon pa ba ako matatakot kung papatayin lang din naman niya ako. Mas mabuti pang mamatay na lumalaban kaysa alipustahin niya.
"Sige patayin mo na ako! Hindi ako natatakot!" Lakas loob kong salita. Tumawa siya ng nakakaloko bago niya ako bitawan. Naupo siyang muli sa kanyang upuan.
"Fine. Magbihis ka at magluto. Bilisan mo! Kundi papatayin talaga kita!" Napatili ako ng ihagis niya ang kutsilyo sa kinaroroonan ko. Napapikit ako sa takot nang biglang marinig ko ang matinis niyang tawa.
"Tsk. Duwag din pala." Insulto niya sakin na pinandilatan ko naman. Natingnan ko ang katawan ko at wala akong sugat. Natingnan ko din ang likuran ko at doon sa pinto tumama ang kutsilyong inihagis niya.
Mapapatay ko ang gagong ito sa totoo lang! Kabwisit!
Padabog kong binuksan at sinarado ang unang pinto na pinasukan ko. Kinapa ko ang ilaw dahil madilim. Tumambad sakin ang kama. Kulay puti at itim ang kulay ng silid. May maliit na bintana na kita ang likod ng bahay. May isang pinto na sigurado akong banyo. May isang kabinet din kaya agad ko iyon binuksan.
Tumambad sakin ang mga panlalaking damit na maayos naman nakatupi. Sa kanya ang mga damit sigurado ako. Wala akong choice kundi ang kumuha ng isang t-shirt at isang short.
Hinubad ko ang blouse ko kasunod ang pantalon. Ang puti kong uniform ay naging itim na. Ang hirap pa naman labhan dahil puti. Ilang powder detergent na naman kaya ang maubos ko kakababad dito.
Nagulat ako ng biglang may sumipa sa pinto na kinatili ko.
"Aaaahhhh!!! Bastos! Manyak! Laabaaasss!!!" Kahit masakit sa lalamunan ko ang pagsigaw ko ay baliwala kumpara sa lalaking nakatayo sa harap ko habang nakangising pinagmamasdan ang hubad kong katawan!
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
Fiksi UmumThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...