Chapter 13

37.4K 1.1K 88
                                    

Thander POV's:

Maingat akong umakyat sa mataas na pader dito sa likod ng isang tagong laboratory sa Bulacan. Kasama ito sa pinapagawa sakin dahil ang may-ari ng ilegal na laboratory na ito ay isang banyaga na napadpad sa bansang ito para lumaganap ng mga ilegal na droga. Matinik ang isang ito at kinatatakutang druglord. Alam kong nandito si Rushmond Gush dahil bawat galaw nito ay sinusubaybayan ko kapag susunod ko nang target.

Nasa itaas na ako ng pader na natatabunan ng mayayabong na mga dahon ng puno kaya hindi ako kita idagdag din ang kasuotan ko na kulay itim lahat. Napatingin ako sa ibaba at kita kong may apat na armadong tauhan dito ang nakabantay. Mabilis akong lumambitin sa isang sanga ng puno pababa sa lupa malapit sa likod ng isang tauhan sabay pilipit ko ng leeg nito. Nakita ako ng tatlong kasamahan nito kaya akma nilang kukunin ang mga pistola nila ng mabilis kong nabunot ang knife at sa isang iglap ay bumaon iyon sa mga noo nila. Sabay silang bumagsak sa lupa na wala nang buhay.

Mabilis akong pumasok sa loob at isa isang pinapatumba ang makakasalubong ko bago pa nila bunutin ang mga pistola nila. Tinungo ko ang silid kung saan ginagawa ang mga droga.

Napatigil ako at napatago sa isang pader ng makita si Rushmond na sinusuri ang mga naka-pack nang droga at shabu at ngayon ay sinisilid ang mga ito sa stuff toys, pillows upang maaari nang ideliver ang mga iyon sa black market.

"May nakapasok!" Bigla akong napaiwas ng may bumaril sa akin. Agad ko din itong pinaputukan kasabay ng sunod sunod nang pagpapaputok sakin.

Pinaghandaan ko ang gabing ito kaya hindi ako dehado kahit mag-isa lang ako at marami ang kalaban ko. Nagsuot ako ng mask kasabay ng paghagis ko ng tear gas sa paligid at isa isang binaril ang target ko. Umiilag din ako sa mga balang papunta sakin. Pero hindi ko nailagan ang isang balang tumama sa likod ko malapit sa bandang balikat ko.

Shit! Hindi ko nakita iyon!

Agad ko itong binaril mula sa likod ko pero agad nitong nailagan at tumakbo sa kung saan. Bigla naman dumilim ang awra ko nang makita kung sino ang bumaril sakin.

Rushmond Gush!

Hinabol ko siya kung saan siya tumakbo at binabaril ko agad ang mga humaharang sa daan ko kahit iniinda ko ang kirot sa balikat ko at tumutulo ang dugo sa sahig habang tumatakbo ako. Nakita kong sumuong ito sa likod bahay na papunta sa kagubatan. Kaya mabilis ko siyang hinabol at hinahabol din ako ng mga tauhan niya at patuloy na binabaril.

F*ck! Mukhang hindi nauubos ang mga tauhan niya!

Nilabas ko ang isang bomba pagkatapos ay binato ko sa kanila. Malakas na pagsabog ang narinig ko sa likod habang hinahabol ko si Rushmond Gush. Umiba ako ng direksyon para mabilis ko siyang maabol.

Malapit ko na siyang mahabol nang bigla siyang mapalingon sakin at pinaputukan ako. Iiwas sana pero huli na dahil muli naman akong natamaan sa isang balikat na kinamura ko ng malutong.

"F*ck you! Rushmond!" Galit kong mura habang inaasinta ko ang baril sa kanya. Napangisi ako sabay putok sa magkabilang binti nito. Salamat sa maliwanag na buwan.

"Argh!!" Lumapit ako sa kinaroroonan nito na lugmok sa damuhan at namimilipit sa sakit. Masaganang dugo ang lumalabas sa tama nito. Nang makalapit ako ay inapakan ko ang isa nitong binti na kinahiyaw nito sa sakit.

"Argh!! F*ck! I will kill you!" Tumawa ako sa pahayag nito.

"Oh really? And how will you do that in this case?" Lalo pa itong napahiyaw ng idiin ko ang sapatos sa tama nito. Nagmumura na ito at pilit inaalis ang paa ko.

Marami na itong nagagawang kasamaan sa lipunan kaya kailangan na nitong ipadala sa impiyerno. Dahil kapag nabuhay pa ito o makukulong ay patuloy lang siyang magpapalaganap ng kasamaan dito sa bansa o maski sa ibang bansa tulad ng pinagmulan nitong bansa.

Hindi lang mga ilegal na gawain ang kaya nitong gawin kundi pati ang terorismo ay napasok din nito. Iyon ang hindi pahihintulutan ng gobyerno ng US. Kailangan maunahan sila bago pa kumalat ang mga kasakiman nila dito sa bansa o sa ibang bansa na mabilis lang nila mapapasok o maipupuslit ang mga droga.

Naalerto ako ng akma nitong kukunin ang baril na nabitawan nito sa damuhan ng maunahan ko na siyang barilin sa kanyang bungo. Tirik ang mga matang humandusay ito.

Mabilis na akong umalis sa lugar na iyon at pinuntahan ang kotse ko. Nang makapasok ako sa loob ay napasandal ako sa upuan at mariin napapikit. Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na sakit mula sa mga tama ko at mukhang nawalan na ako ng lakas pero kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito bago pa dumating ang mga pulis na kinontak ko.

Kumuha muna ako ng lakas bago dumilat at pinatakbo na ang kotse. Ayoko man sanang magpakita kay Zyriene na ganito ang ayos ko pero wala na akong magagawa pa dahil kailangan ko ang tulong niya. Alam kong kaya niya akong gamutin. Alam ko din na magtataka siya at magtatanong sakin kung ano ang nangyari. Ngayon nga ay nakikita ko na ang nag-aalala niyang mukha. Abot sermon din ako nito sa kanya mamaya.

Ayokong makita siyang nag-alala at kinakabahan kapag nalaman na niya ang tungkol sa katauhan ko at mga pinanggagawa ko. Malakas ang kutob kong naghihinala siya sakin tungkol sa pagkatao ko. Nakikita ko iyon sa mga mata niya. Nahihiya lang siyang manghimasok o magtanong sa buhay ko.

Ayokong malaman niya ang katauhan ko. Ayokong madamay siya at malagay sa panganib ang buhay dahil hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanya. Pero kapag tapos na ang trabaho ko ay sasabihin ko din sa kanya. Ayokong may nililihim ako sa kanya.

Mahalaga siya sakin dahil mahal ko na siya. Oo. Inaamin ko sa sarili na mahal ko siya. Noong unang kita ko palang sa kanya ay tinamaan na ako. Sinabi ko na sa sarili ko nun na akin lang siya at ako lang ang magmamay-ari sa kanya. Ako lang ang magmamay-ari ng lahat sa kanya. Ayoko ng may karibal baka mapatay ko lang ito. Pero sigurado akong hindi pa ito nagkakaroon ng relasyon sa iba dahil hindi siya marunong humalik at ako ang nakauna sa kanya.

Ipinarada ko ang kotse at kahit nanghihina na ay pinilit kong makalabas at pumasok sa loob paakyat sa itaas. Pasado alas dos na ng magdamag at alam kong mahimbing na ang tulog ni Zyriene. Nakatulog na siya kahihintay sakin.

Binuksan ko ang pinto at maingat na pumasok sa loob. Muli ko sanang isasara ang pinto nang mapatigil ako.

"T-thander?"

Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!

—MAYAMBAY—

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon