Zyriene POV's:
Pabaling baling ang ulo ko dito sakin kama habang nakahiga at hindi makatulog. Paulit ulit na pumasok sakin ang sinabi na iyon ni Phantom kanina.
He's alive!
Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya akong nakatulala. Nang dumating si Mama ay nagtataka ang kanyang mukha at nagtanong. Nagsinungaling akong ayos lang noon.
May parte sakin na masaya at mayroon din galit sa kanya. Kung totoong mahal nga niya ako ay bakit hindi niya ako hinanap o inalam man lang sana ang kalagayan ko. Pero masaya ako na malaman buhay siya at hindi namatay dahil dadalhin ko ang konsensyang iyon habang buhay.
Gusto ko pa sanang magtanong kay Phantom noon kung saan siya nakatira pero iniwan ako at hindi na mahanap. Ngayon ay pa'no ko hahanapin si Thander nito kung wala akong lead sa kanya. Gusto ko nang sabihin na mahal ko siya at magiging ama sa kambal namin. Magtatapat na ako ng pagmamahal ko sa kanya!
__
Habang kumakain ako ng nilagang mais dito sa balkonahe ay may pumasok sa isip ko na agad kong kinatigil at kinuha ang laptop sa loob ng aking silid. Bumalik ako sa balkonahe at binuksan ang laptop ko. Nagtype ako ng isang pangalan at sinearch iyon. Maraming lumabas na pangalan na may katulad na apelyido pero ang mga profile pictures ay hindi katugma sa hinahanap ko. Bawat profile ay chinicheck ko pero wala akong mahanap na magtuturo sa kanya. Hanggang sa mapunta ako sa isang profile na mukha ng babae ang nakalagay. Tiningnan ko ang pictures nito at puro mukha lang ng babae ang nakapaskil. Akma ko nang iexit iyon nang makuha ang pansin ko sa lalaking kasama ng babae na kayakap nito habang nakatitig sa babae. Napakurap ako ng ilang ulit at tinitigan pa iyon ng mabuti. Siya nga ito at hindi ako maaaring magkamali.Si Thander ito!
Chineck ko ng maigi ang profile ng babae at nalaman kong foreigner pala ito at nakatira sa US. May nakalagay pa dito sa timeline nang babae ang isang imbitasyon na nagsasabing: You are invited to the most unforgettable moments of our life.
Sa mensaheng iyon ay nakaramdam ako ng takot. Makahulugan ang mensahe at alam na alam ko kung ano iyon.
Nanghihinang napasandig ako sa sofa kasabay ng mga luha ko. Luha ng kabiguan. Luha para sa taong hindi na magiging akin. Sa taong minahal ko ng sobra pero nawala sa isang iglap.
Hindi mo ba ako mahal, Thander? Bakit nagawa mo sakin ito! Umaasa ako na babalik ka! Umaasa ako na mamahalin mo rin! Umaasa ako na mabibigyan ng kompletong pamilya ang mga anak na'tin!
Pero ano 'tong ginawa mo?
Napahawak ako sakin noo nang makaramdam ng hilo. Isinandal ko ang ulo at pumikit upang pakalmahin ang sarili. Sabay haplos ko sakin tiyan. Pati mga anak ko ay nadadamay sakin. Sobrang stress ko na kakaisip sa kanilang ama tapos makita ko nalang na ikakasal na ito!
Maingat akong tumayo at pumasok sa loob ng aking silid. Nahiga ako at hindi ko namalayan nakatulog ako.
Napatakbo ako at hinabol ang isang lalaking mabilis na lumalakad patalikod sakin.
"Thander!" Ilang ulit kong tinatawag ang pangalan niya pero hindi niya ako nililingon. Patuloy ang paglakad niya ng mabilis na parang walang katapusan. Hingal na hingal ako sa pagtakbo pero hindi ako susuko sa pagtawag sa kanya. Mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa nasa likod na ako nito.
"T-thander.." Bigla itong tumigil at lumingon sakin. Napaluha ako ng masilayan kong muli ang kanyang mukha. Ang mukha niyang kaytagal kong hindi nakita at nahaplos. Lumapit ako pero napatigil sa sinabi niya.
"Who are you?" Kunot noo ang kanyang mukha at nagtataka na parang hindi ako kilala. Nasaktan ako sa inasal niya.
Lumapit ako at hinawakan ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
General FictionThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...