Chapter 15

37.2K 1K 89
                                    

Zyriene POV's:

Gusto ko sanang magtanong kung ano ba ang nangyari sa kanya kagabi kung bakit may tama siya ng baril pero nagdadalawang isip ako dahil hindi naman niya sasabihin. Malihim talaga ang lalaking iyon.  Pero kung ano man ang pagkatao niya ay malalaman ko din iyon. May konti na akong nalalaman at malaking tulong na iyon sakin. Kung wala siyang balak sabihin sakin ay ako mismo ang tutuklas ng kanyang pagkatao.

Gusto kong malaman ang tunay na pagkatao ng lalaking iniibig ko at magiging Ama ng aking anak.

Naramdaman kong kumalas ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap sakin. Bumangon siya kaya nagmulat ako ng aking mga mata. Kanina pa ako gising at hindi makatulog dahil sa mga gumugulo sa aking isipan. Masaya ako na hindi umalis si Thander ngayong araw dahil siguro sa iniinda pa niyang sakit sa kanyang sugat. Nililinisan ko iyon at pinaiinom siya ng gamot para hindi mainfect ang sugat niya at hindi siya lagnatin.

Lihim ko siyang natingnan na lumabas papuntang beranda. Nakatalikod siya habang nasa tenga niya ang kanyang cellphone at mukhang may kausap siya. Maingat akong tumayo at walang ingay na napatago sa gilid ng pader.

"Yes, Mr. President. Rushmond Gush was dead. Yeah, don't worry about me. I can handle myself. And next time, I want you to meet my special someone. Yes. She's beautiful." Napahawak ako sa aking bibig habang napabalik sa kama at muling nahiga patalikod sa kanyang direksyon.

Bigla akong nakaramdam ng kirot dito sa dibdib ko. Parang pinipiga ito sa sobrang sakit na hindi ko maintindihan. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang huli niyang sinabi.

"I want you to meet my special someone. Yes. She's beautiful."

Pinipigilan kong huwag mapahikbi nang maramdaman kong pabalik na siya dito sa kama. Napapikit ako at nagkunyaring natutulog. Nahiga na siyang muli sa tabi ko sabay yakap niya sa beywang ko. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi ako kumilos at mariin napapikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang halik niya sa ibabaw ng ulo ko kasabay ng mahigpit niyang yakap sakin.

"Good night, Babe." Manloloko! Manggagamit!

Mga katagang gusto kong ibulyaw sa kanya. Mga salitang harapan kong ipamukha sa kanya na parausan lang ako. Ginagamit para sa kaligayahan niya. Kaya ayaw niya akong pakawalan dahil hindi pa siya nagsasawang gamitin ang katawan ko. Kung magsawa na siya siguro ay alam kong pakakawalan niya ako o itatapon nalang na parang walang nangyari samin.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Luha ng kabiguan at sakit. Alam kong hindi din niya maririnig dahil mahimbing na ang kanyang tulog.

Gusto kong kumalas sa yakap niya at magpunta sa lugar na ako lang mag-isa at magsisigaw hanggang sa mawala itong bigat sa dibdib ko. Sobrang bigat na gusto nang kumawala. Gusto ko nang umalis at tumakas palayo sa kanya pero itong puso ko ay nagsasabing dumito muna ako sa tabi niya. Kahit tumututol ang isip ko.

Hangal ka Zyriene! Alam mong ginagamit ka lang ng lalaking ito!

Alam ko! Pero hindi ko kayang lumayo sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. Ayos lang siguro na masaktan ako basta't kasama ko siya. Titiisin ko nalang itong sakit sa dibdib ko.

Pero hanggang kailan ko naman kakayanin itong sakit sa dibdib ko? Hanggang kailan ko kakayanin ang sakit sa kaalamang may iba siyang mahal na babae?

Mabilis kong napahiran ang aking mga luha nang gumalaw ang kanyang katawan para lang pala iharap niya ako sa kanya kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nakatulog din siyang muli.

Mariin din akong napapikit at ninamnam ang mainit at mabango niyang dibdib na nanunuot sa aking kalamnan. Damhin ko muna itong pagkakataon at magbingi bingihan nalang akong hindi ko narinig ang sinabi niya ngayong gabi. Namalayan ko nalang nakatulog din ako.

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon