Zyriene POV's:
Nagpaalam ako kila Mama na bibili ako ng mga gamit ng kambal ko. Bibili ako ng mga gamit ng kambal at kailangan ko sakin panganganak. Ilang buwan nalang ang hihintayin kaya mas maigi nang preparado na ako sa gamit. Pumasok ako sa isang mall at dumiretso sa infants department. Puro panlalaki na gamit ang binili ko dahil lalaki naman ang gender nila. Namili din ako ng gamit para sa panganganak ko.
Matapos kong makabili ay pumasok muna ako sa isang restaurant at kumain. Mukhang nagutom na kasi ang mga anak ko. Malaki ang pasalamat ko noon na hindi nila ako pinahirapan sa aking paglilihi. Pero ang stress ang siyang nagpahirap sakin na muntik na nilang ikapahamak. Dahil sa kakaisip sa kanilang ama. Ang ama nilang hindi na babalik samin at hindi ko sila mabigyan ng kompletong pamilya at ama.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas nadin ako. Palabas na ako ng mall ng may tumatawag sakin kaya binuksan ko ang bag at hinalukay doon ang cellphone ko pero natigil ako nang may bumunggo sa braso ko.
"Naku! Sorry Miss— Zyriene?" Agad kong tiningnan kung sino iyon at natigilan ako ng makita kung sino iyon.
"Kiloy!" Umayos ako at hinila siya sa gilid pagkatapos ay niyakap. "Kiloy! Mabuti at nakita kita." Siya ang natatangi kong pag-asa na malaman ang tungkol sa kanya. Ang lahat ng nangyari kahit wala nang pag-asa ay gusto ko parin malaman ang nangyari sa kanya noon.
Kumalas ako at mariin hinawakan ang kamay niya. Kita kong hindi siya makatingin sakin.
"Sabihin mo sakin Kiloy kung ano ang nangyari noon kay Thander! Buhay ba siya?" Pigil ang boses ko sa huling sinabi. Niyugyog ko ang balikat nito ng hindi siya nagsalita. "Maawa ka sakin Kiloy sabihin mo!"
Tinitigan niya ako bago huminga ng malalim.
"Buhay siya pero—" May lungkot sa kanyang mga mata na nakita ko. "May amnesia." Umawang ang bibig ko sa gulat. Nanghihinang napakalas ako at muntik nang bumigay buti at naalayan ako ni Kiloy. Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan ng isang food chain at pinakalma. Humagod ang tingin niya sakin tiyan at kita kong nagulat ito.
"Si Boss ba ang ama?" Tumango lang ako sa kanya.
"Paano siya nagkaroon ng amnesia? Iniisip ko noon na namatay siya nung sumabog ang kanyang sasakyan. Gabi gabi kung napapanaginipan iyon. Nagigising nalang ako na hinihiyaw ang kanyang pangalan. Hindi ko maatim na nawala siya sakin. Nagsisi ako na hindi ko sinabing buntis ako bago man lang siya namatay. Dinadala ko ang konsensyang iyon hanggang ngayon. Ngayon ay masaya ako na buhay siya pero nasaan siya at paano siya nagkaroon ng amnesia?" Sunod sunod kong tanong sa kanya na naupo sa kaharap na bangko.
"Bago sumabog nun ang kotse niya ay nakaalis na siya sa loob. Pagkatapos ka namin dalhin sa malapit na hospital ay tinawagan namin ang iyong mga magulang bago umalis at tulungan si Boss Thander noon pero nahuli kami ng dating. May mga tama na noon sila Cesar at hindi makalaban. Si Boss Thander ang tanging lumalaban pa pero dahil sa dami ng kalaban ay natamaan siya ng ilang beses sa kanyang katawan at nahulog sa mataas na tulay. Saktong dumating nun ang back-up na pinadala ng kanyang ama kaya minadali namin sinagip sa tubig si Boss at dinala sa hospital kung saan ka namin dinala. Inagapan ang kanyang mga tama pati sa kanyang ulo pero dahil sa kulang ang facilities ng hospital ay inilipat siya sa siyudad at doon inoperahan. Ilang linggo siyang walang malay dala ng tama ng baril sa kanyang ulo na kung hindi agad naoperahan ay namatay siya. Nasa tabi lang niya kami at hindi iniwan. Noon ay tinawagan din namin ang kanyang ama at ibinalita ang nangyari. Natuwa kami ng nagising din ito sa wakas pero ang ikinagulat namin ay hindi niya kami nakikilala at wala siyang matandaan kahit pangalan niya ay hindi niya maalala. Tinanong namin ang doktor at ang sabi ay nagkaroon siya ng amnesia. Kung kailan babalik iyon ay hindi alam ng doktor. Depende daw sa pasyente. Dumating din nun ang kanyang ama at iniuwi siya sa America. Mula nun ay wala na kaming komunikasyon sa kanya." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko tanging pag-iyak lang ang nagawa ko. Ramdam ko ang sakit na dinadanas ni Thander noon. Ang sakit sa dibdib na marinig itong nangyari sa kanya. Mas masakit pa pala ang dinanas niya kaysa sakin. Mas lalong gusto ko siyang makita at yakapin ng mahigpit. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko. Pero paano? Ang layo layo ng distansya niya sakin?
"Totoo kung ganun ang panaginip ko. Totoong hindi niya ako nakikilala dahil sa amnesia. Ano kasi ang trabaho niya dati?" Napabuntong hininga siya bago sumagot.
"Isa siyang private agent ng kanyang ama."
"Private agent?"
"Tumutugis sa mga terorista at drug lords na salut sa lipunan. Mga malalaking tao na gumagawa ng ilegal sa bansang Amerika at iba pang bansa."
"Paano nangyari iyon? Akala ko ay isa siyang serial killer na nakatakas?"
"Kasama iyon sa kanyang plano. Pinalabas na isa siyang kriminal upang mapatay ang mga bigtime na pangalan na nasa loob ng kulungan. Ang lahat ng iyon ay utos ng kanyang ama na isang Presidente ng Amerika." Gulat ang rumehistro sakin mukha. Hindi makapaniwala sa sinabi na iyon ni Kiloy. Hindi pala basta basta ang taong nakasama at minahal ko. Hindi isang simpleng killer kundi agent at anak pa ng Presidente.
Ngayon alam ko na ang kanyang pagkatao ay akala ko magiging okay ako pero hindi pala. Mas takot at kaba ang naramdaman ko sa nalaman ko sa pagkatao ni Thander. Takot at hindi saya ang nangingibabaw sakin. Kanina lang ay gusto ko siyang makita ngayon ay parang ayoko na.
Kaya pala marami ang humahabol sa kanya ay dahil sa trabaho niya. Dahil marami siyang pinatay na mga malalaking tao na kalaban ng bayan. Humantong pa sa muntik niyang pagkamatay.
"Miss Zyriene, ayos ka lang?" Tumango lang ako kahit ang totoo ay hindi ako okay. Tumayo ako kasunod siya na mayroon pag-alala sa mukha. Kinuha ko ang calling card sa bag at binigay sa kanya.
"Maraming salamat sa'yo Kiloy. Tawagan mo ako kapag may balita ka kay Thander." Kinuha niya iyon at tinago.
"Makakaasa ka Miss Zyriene. Nga pala ninong kami paglumabas ang baby niyo ha?"
"Oo naman! Hindi lang isa 'to kundi dalawa ang inaanak niyo!" Napalitan ng saya ang mukha ko siya naman ay gulat.
"Talaga?" Tumango ako. "Wow naman, congrats!"
"Salamat. Sige mauna na ako— kamusta nga pala ako kila Cesar."
"No problem. Sige ingat ka sa pag-uwi!" Lumisan na ako at lumabas ng mall.
Habang sakay ako ng taxi ay hindi mawala sa isip ko ang mga nalaman tungkol sa pagkatao ni Thander. May galit dito sa puso ko dahil pakiramdam ko ay naloko ako. Pakiramdam ko ay ginamit lang ako. Pero huli na ang lahat dahil nadamage ako at nabiktima niya. Kung alam ko lang siguro ang pagkatao niya ay umiwas na ako pero wala eh nahulog ako at minahal siya. Isang mapanganib at may kaakibat na kamatayan ang ama ng mga anak ko.
Ano na ngayon ang gagawin ko?
Makakaya ko ba siyang ipaglaban kung nasa panganib lagi ang buhay niya. Paano ang mga anak ko? Paano ako?Kung mahal mo ako Thander. Sana magpakita ka.
***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!—MAYAMBAY—
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
قصص عامةThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...