EPILOGUE
Napatitig ako sa sarili dito sa salamin. Tipid akong napangiti habang inaayos ang suot kong barong na pinasadya pang ipinatahi sa Negros Occidental.
Today is my speech day.
Muli akong napangiti at naalala ko bigla ang pagsasama namin ni Zyriene bilang mag-asawa.
Ang buhay may asawa ay hindi madali sa inaakala kong kaya kaya ko itong harapin. Mayroon problema pero nandiyan parin ang ksiyahan. Ang kasiyahan na hindi matatawaran ng salapi. Ang kasiyahan na galing sa puso. Ang pusong nagmamahal ng wagas at walang hinihintay na kapalit. Mas nangibabaw ang kasiyahan kaysa problema na darating lang at kusa naman mareresolba. Hindi naman maganda kung puro lang kasiyahan diba? Mas naging matatag ang buhay may pamilya kung may problema. Mas naging malapit kayo sa isa't isa at tumindi ang pagmamahalan. Walang problema na hindi nalulutas kapag sama sama.
Ika nga, life is not always a bed of roses.
Minsan nasa ibabaw. Minsan nasa ibaba.
"Dad, Let's go! Mahuhuli ka po sa speech mo!" Napatingin ako sa panganay kong si Thanos na nasa labing isang taon gulang na. He's wearing barong tagalog that made him look great. I smile at him and pat his head. Magsasalita na sana ako ng bigla naman may magsalita ulit.
"Dad, let's go! Mahuhuli ka po sa speech mo!" It was Thaner, who's wearing a barong also. Lumapit siya samin sabay taas ng kilay nito sa kanyang kakambal na masama ang timpla ng mukha.
"Tsk. I already said that to Dad!" Nakapameywang na sabi ni Thanos.
"If you already told that to Dad. Why is he still here?" Pagsusuplado naman nitong si Thaner. Napailing nalang ako sa kambal ko. They always arguing each other. Sinabihan ako ng kanilang ina na ayusin ang gulo sa pagitan nila na sinusunod ko naman pero sadyang matigas talaga ang ulo ng mga binatilyo ko. Tsk. Parang ako lang noong nagbibinata palang ako.
"Guys, that's enough. Let's go— wait, where's your Mom?" Tanong ko kay Thanos na inilingan lang ako.
"They're already in the car, Dad." Napahinga ako ng maluwag. Baka makita niya nagbangayan ang dalawa ay tapat naman ako nun sa kanya. "Okay, let's go!"
Lumabas na kami ng bahay at nauna na silang pumasok sa loob habang ako ay sa may manibela. Binuksan ko ang pinto at kita ko agad ang inis sa mukha ng pinakamamahal kong asawa habang kalong ang pinakabunso namin anak na babae na si Ziya. She's only one year old. Nasa likod naman ang sunod sa bunso na si Thanz na nasa limang taon gulang at katabi nito ang kasunod sa kanya na si Ziny na nasa siyam na taon gulang naman. Habang ang kambal ay busangot ang mukha kaharap nilang dalawa.
Napangiti ako sabay pasok at upo sa manibela sabay halik sana sa labi ng asawa ko ng pigilan ako nito.
"Tumigil ka nga, Thander! Nandito ang mga bata mahiya ka!" Napakamot ako sa batok sabay iling at inistart na ang makina. Pero napahagod ako sa kanyang katawan at lihim napalunok. My wife is also wearing a white pilipiniana who fits in her curves. Always desirable and beautiful in my eyes.
Pinatakbo ko na ang sasakyan patungo sa munisipyo. Kalahating oras ang binyahe bago nakarating doon. Kita agad sa labas ng munisipyo ang mga supporters na may dala pang karatola ng pasasalamat at mensahe.
Pinarking ko ang sasakyan bago kami lumabas ng aking pamilya. Agad dumagsa ang mga supporters at media na kinukuhanan kami ng litrato. Habang ang mga security ay inaagapan sila sa kanilang pwesto at nakaalalay samin. Kumuway ako na kinahiyaw nila.
"Mabuhay ang bagong mayor ng sta. Corazon!"
"Mabuhay si mayor Thander!" Sigaw nila na kinangiti ko at saludo sa kanila.
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
General FictionThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...