Chapter 7

48.4K 1.2K 36
                                    

Zyriene POV's:

Linawag ng araw sa labas ang nagpagising sakin. Maliwanag na sa labas at hindi na umuulan. Kumikinang ang mga puno at matingkad ang mga dahon na kulay berde. Tumutulo ang mga hamog na galing sa ulan. Humuhuni narin ang mga ibon na tila nag-aawitan sa paligid. Malamig din ang ihip ng hangin.

Napangiti ako sa ganda ng araw ngayon. Akma na akong babangon ng dumaing ako sa kirot sa gitnang hita ko. Sumasakit din ang mga hita at buo kong katawan. Hubo't hubad ako sa ilalim ng kumot.

Natigilan ako at uminit ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Ang mainit na gabi sa buong buhay ko. Ang gabing hindi ko makakalimutan. Ang gabi kung saan hindi na ako birhen.

Ang pag-angkin ni Thander sakin ay nakatatak pa sa isip ko. Ang kanyang halik sa buo kong katawan ay damang dama ko pa at nagbilin ng marka sa balat ko. Ang kanyang mga kamay na humahaplos at pumipisil sa katawan ko ay nagbigay ngayon sakin ng boltaheng pakiramdam patungo sa pinakagitna ko.

Kinilabutan ako nang maramdaman ang kanya na parang nagbilin pa sakin. Malaki at sobrang haba na hindi ko lubos maisip na kinaya ko siya. Naidikit ko ang aking mga hita dahil biglang nagreact ang pagkababae ko.

Umiling ako at iwinaksi ang mga tagpong iyon kagabi. Bumangon akong muli pero napabalik lang ng higa dahil sa pananakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay binugbog ako ng todo para hindi makalakad.

Aarrgghh! Sobrang laki ba naman niya! Sigurado akong hindi ako makakalakad!

Namula agad ako nang maalala iyon. Kung gaano siya kahaba at sobrang laki niya. Sinagad niya ako ng todo kaya ang labas ko ngayon ay parang nilumpo.

Bumukas ang pinto kaya agad akong napatago sa kumot. Nagkunwari akong natutulog at hindi gumagalaw. Naramdaman kong naupo siya sa gilid ko.

Matagal ang pagkakaupo niya doon at parang pinakikiramdaman ako.

"Alam kong gising ka na, Babe. Tumayo ka na diyan at kakain na tayo. Nagluto ako ng agahan natin." Utos niya na hindi man lang tinanong kung okay ba ang pakiramdam ko.

Kumain kang mag-isa mo! Matapos mo akong lumpuhin may gana ka pang sabihan ako na tumayo!?

Huh! Kapal mo Thander!

Hindi ako gumagalaw at nagkunwari sa ginagawa. Bahala siyang maghintay diyan. Basta ayokong makita ang pagmumukha niya. Nakuha niya naman ang gusto niya. Ilang ulit pa nga. Bugbog sirado pa ang katawan ko.

"Zyriene. Tatayo ka ba diyan para kumain o ikaw nalang ang kainin ko ngayon. Ano? Mamili ka." Isang segundo lang ay masama na ang tingin pinupukol ko sa kanya. Ang sarap ihagis ng pagmumukha niya.

Nakangisi siya habang nakatingin sa leeg ko. Alam ko kung tinitingnan niya doon. Kaya naitakip ko ang kumot sa may bandang leeg na kita pala.

"Sa tingin mo makakatayo pa ako matapos mong lumpuhin!?" Dahil sa inis ko ay nasigawan ko siya na hindi man lang natinag dahil humalakhak siya ng malakas.

Namumula ako sa galit at pinagbabato siya ng unan na makapa ko.

"Easy lang Babe, sobrang sarap mo kasi kaya nanggigil ako at sinagad na!" Sinasalo lang niya ang mga unan sa bawat hagis ko.

"B-bastos! Pervert!" Hiyaw ko sa kanya. Mas ngumisi lang siya ng kakaiba at nabigla nalang ako nang hinawi niya ang kumot at dinaganan ako.

Hindi ako makapanlaban dahil hawak niya ang mga kamay ko sa uluhan. Tinitigan niya ako sa mga mata ng matiim kaya umiwas ako. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang pagnanasa na gusto akong sunggaban.

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon