"The best way to fight stress is to have sex."-- Thander the murderer.
"I had sex with the killer who kidnapped me!"-- Zyriene.
**PROLOGUE**
"Breaking news: The most wanted and highly killer of all time was being suspected of escaping from the provincial jail. According to the warden guard, he was suspicious to eat a poisonous food this morning. So, he was immediately brought to the nearest hospital, but in the middle of the ride he was escaped and nowhere to be seen. All the jail guards assisting him was found unconscious inside the mobile car. The national police gave warning to everyone that we must be careful to this person, a dangerous serial killer, who had been escaping today. If anyone can found or see this man, please call this number. 0912**** This is Davis Park reporting."
Agad kong ini-off ang t.v. matapos ang balita. Nakakatakot pala ang taong tumakas ngayon lang. Kilala siya bilang pinakamaraming taong napatay na hindi basta mga simpleng tao lang kundi mga kilalang tao sa lipunan. Mapa politics, showbiz, business, local and international personalities ay kaya niyang patayin sa isang iglap lang.
Kilala siyang walang kinatatakutan at kaya din niyang paikutin ang batas sa kanyang mga kamay. Nakatakas siya sa ibang bansa sa kilalang kulungan ng mga highly killer at serial killer na tao sa buong mundo. Dito siya nagpunta sa Pilipinas dahil dito sa bansa ang susunod niyang target. Ang isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa na kilala bilang kurakot ng bansa. Marami siyang mga negosyo na illegal at mayroon din siyang pagawaan ng mga pinagbabawal na gamot.
Nahuli lang ang killer na ito sa isang intrapment na isinagawa ng mga national police ng America. Wala pa nga siyang dalawang buwan sa kulungan ay nakatakas naman ngayon ang killer na iyon. Ngayon ay takot ang nangingibabaw sa mga taong kanyang makasalamuha. Dahil kilala siyang mamamatay tao sa mga humaharang sa kanya mapa mayaman man o simpleng tao lang.
Kaya huwag mo nang pangarapin pang makita siya dahil kung nagkataon ay ihanda mo na ang iyong kabaong. Magdasal ka nang hindi mo siya makasalubong sa iyong daan.
Sana hindi ko rin siya makasalubong at hindi gustuhin makilala siya.
Matapos kong magbihis ng aking uniform ay lumabas na ako ng aking silid. Nakita ko si Mama na naghahanda ng mga plato sa lamesa habang si Papa naman ay nanonood ng television. Ini-off rin agad pagkakita sakin.
"Huwag ka nang pumasok ngayon, Zyriene. Alam mo naman delikado sa labas." Napailing ako sa komento ni Papa. Hindi ako pwedeng magabsent ngayon dahil maraming pasyente ang nangangailangan ng tulong ko.
Marami pa namang mga pasyenteng bata sa hospital dahil sa kumakalat na dengue. Nagkapunuan na nga sa loob ng hospital dahil dumadami nadin ang nagkaroon ng dengue. Mapa bata man at matanda. Kulang rin sa mga hospital staffs. Doctors at nurses kaya kailangan kong magduty.
Responsibilidad ko kung isa sa mga pasyente ko ay namatay. Hindi kakayanin ng aking konsensya. Isa akong nurse na dapat matakot sa buhay hindi sa bala.
"Hindi maaari, Pa. Kailangan po ako dun dahil kulang sa mga nurses ang hospital. Iyong day shift nga ginawa nang mga night shift dahil kulang talaga sa personnel." Dahilan ko kay Papa. Alam kong nag-alala sila sakin ngayon pang mapanganib nga sa labas dahil sa nakatakas na mamamatay tao.
Gustuhin ko man ay hindi maaari.
"Basta mag-iingat ka lang anak ha. Halina kayo at kakain na." Alam kong sobrang alala din siya sakin. Dating nurse din si Mama kaya alam niya ang pakiramdam kong maalagaan ang mga pasyente ko.
"Opo, Ma." Naupo na kami ni Papa sa upuan at nagdasal muna kami bago kumain. Binilisan ko ang aking pagkain para maaga akong makapunta sa hospital. Sa Saint Garner Medical Hospital ako nakaduty. Dito sa aming lugar. Kalahating oras ang biyahe at isang sakay lang.
BINABASA MO ANG
A Night with the Killer
Ficción GeneralThander and Zyriene's story. Kailangan na pumasok ni Zyriene sa pinagtatrabahuan niyang hospital dahil sa kakulangan ng mga nurse doon, kahit bali-balita ang pagtakas di umano ng isang serial killer sa bilibid. Isang serial killer na ayaw makaharap...