Chapter 17

34.2K 1K 72
                                    

Zyriene POV'S:

Napahaplos ako sakin malaking tiyan habang nakaupo dito sa beranda ng aming bahay. Tumatama sakin mukha ang malamig na hanging pang disyembre. Tinatangay din ang medyo mahaba kong buhok. Ilang mga araw nalang ang natitira ay pasko na at pagkatapos nun ay bagong taon narin.

Magbabagong taon na pero hindi parin ako makalimot. Sa mga alaalang pinadama sakin. Lungkot, kasayahan at sakit ang mga damdaming lumukob sakin puso.

Anim na buwan ang nakalipas magmula ng mangyari ang trahedyang iyon na gabi gabi kong napapanaginipan at iniyakan. Ang sakit at bigat sa loob na iniwan na ako ng lalaking mahal ko. Ni wala akong balita sa nangyari sa kanya. Pati mga kaibigan niya ay hindi din nagparamdam sakin.

Mabilis ang mga pangyayaring ito at hindi ko gusto. Sana hindi nalang kami umalis noon. Sana kasama ko pa ngayon si Thander.
Sana nalaman niyang buntis ako at magiging ama na siya.

"Anak, pumasok ka na sa loob. Mahamog na dito." Tinapik ako ni Mama sakin balikat. Nakatanaw lamang ako sa malawak namin taniman ng mais na malapit nang maani. Binenta ni Papa ang bahay namin doon sa Maynila at dito na nanirahan sa aming munting bukid dito sa Pangasinan.

Natrauma na sila sa nangyari sakin kaya umalis kami ng Maynila at baka daw maulit ang nangyari sakin. Nagresign din ako sa tinatrabahuan kong Ospital.

Nagpapasalamat ako ng malaki na tinanggap nila Papa ang kalagayan ko at hindi itinakwil.
Nang magkamalay ako noon ay nasa Ospital ako at mukha agad nila Mama at Papa ang nabungaran ko na alalang alala ang mga mukha. Doon din nila nalaman ang aking kalagayan. Ilang araw ako sa Ospital dahil sinuri ang kalagayan ng pinagbubuntis ko bago nakalabas ng Ospital.

Pagkauwi ko ay wala akong narinig na tanong mula sakin mga magulang. Tahimik sila na parang walang nangyari. Habang ako nun ay nakatulala lang at mamalayan ko nalang noon na umiiyak na pala ako at pangalan ni Thander ang sinasambit ko. Gabi gabi iyon nangyayari. Araw araw kong iniisip na sana ay buhay siya at hindi namatay. Na balang araw ay magpapakita siya sakin o kamustahin man lang ako. Pero paano na mangyayari iyon kung kitang kita ko kung paano sumabog ang kanyang sasakyan at niliyab ng malaking apoy. Kung nasa loob siya at hindi nakaligtas. Gabi gabi ko rin iyon napapanaginipan. May time nga na sinisigaw ko ang kanyang pangalan.

Noon na ako kinausap nila Papa. Ang katahimikan nila ay hindi na natiis at tinanong na ako sa mga bumabagabag sakin. Nagdadalawang pa ako nun pero sa huli ay isinalaysay ko na ang nasa dibdib ko. Nung time din 'yon ay nabawasan ang bigat na dalahin ko. Wala naman akong narinig na pagsusumbat sakin magulang bagkus ay niyakap lang nila ako ng mahigpit at pinapadama ang kanilang pagmamahal sakin. Sinabi na nandiyan lang sila para sakin.

"Saglit lang po, Ma."

"Okay. Basta huwag kang magpahamog ng todo masama iyan sa dinadala mo." Tinapik niya muli ako sa balikat bago pumasok sa loob. Naiwan akong nakamasid lang sa labas na medyo maliwanag dala ng buwan.

Napahaplos ako sakin tiyan at biglang napangiti ng maramdaman ang pagsipa ni Baby sakin tiyan.

"Sana anak nandito ang Papa mo kasama kong nakatayo dito habang pinagmamasdan namin ang tanawin ito." Muli na naman ito sumipa na parang nagsasabing gusto din niya.

Ilang minuto pa ang itinagal bago na akong nagpasyang pumasok sa loob.

__
"Congratulations Mrs! You'll having a twins!" Nagkatinginan kami ni Mama at hindi makapaniwala sa pahayag na iyon ni Doktora. Nandito kami ngayon sa kanyang clinic upang magpaultrasound kung ano ang magiging baby ko. Pero dobleng kasiyahan pa pala ang maririnig ko na kambal ang magiging anak ko. Sobrang biyaya iyon sakin.

"T-talaga po, Dok? Anong gender nila?"

"Lalaki, Mrs. Reresitahan kita ng vitamins upang mas kumapit ang iyong baby sayo at para din sa kalusugan mo."

"Salamat po, Doktora." Matapos namin makuha ang results at reseta ay umalis nadin kami ni Mama.

Habang sakay kami ng taxi ay napatingin si Mama sakin.

"Kailangan ko munang magroceries, anak. Ubos na ang iba na'tin kailangan sa bahay." Napatango naman ako sa kanya.

"Sige po. Bibilhin ko nalang din itong mga nireseta sakin."

Nagpahatid kami sa malapit na mall at pumasok sa loob. Si Mama ay pumunta ng supermarket habang ako naman ay sa drug store. Sa restaurant nalang daw kami magkita. Nang mabili ko na ang mga reseta ay lumabas narin ako pero agad akong natigilan ng may isang pamilyar na tao akong nakita na nakatingin sa kasama nitong babae habang nagsasalita iyon. Agad akong sumunod at tinawag siya na akmang liliko sa isang pasilyo.

"Phantom!" Isang tawag ko ay lumingon ito sa direksyon ko. Kunot noo ako nitong kinilala bago kumalas sa kaakbay nitong babae.

"Zyriene?" Titig na titig ito sakin tiyan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tiningnan nito ang kasamang babae na tumango bago ako naunang lumakad at pumasok sa restaurant na pagkakitaan namin ni Mama. Pinili ko ang pinakagilid na walang masyadong tao.

Naupo ako kasunod siya. Natingnan ko agad siya at ganun parin ang kanyang expression. Seryoso at malamig.

"Kamusta na— kayo? Matagal narin na wala akong balita sa inyo matapos ang—" Natigilan ako nang maalala ang eksenang iyon. Hindi talaga mawaglit sakin isipan.

"We're good. May kanya kanya nang buhay at nagbabagong buhay." Kimi akong napangiti sa kanya. Ang mga tanong dito sakin dibdib ay gusto ko nang mabigyan ng kasagutan. Mga tanong na hindi ako makawala at nanatiling nakagapos. Ito na ang pagkakataon kong mapakawalan iyon kung ano man ang maririnig ko mula dito. Kung anuman ang maririnig ko ay hindi ko alam kung kakayanin ko. Kung masaya ba iyon o masakit. Sana ang masaya nalang ang maririnig ko.

"W-wala na ba talaga? Hindi na ba babalik?" Gumaralgal ang boses ko pero pinigilan ko ang mapaluha. Titig na titig naman siya sakin at kita ko doon na may gusto siyang sabihin pero iba ang lumabas sa nais kong marinig.

"Alam ba niyang buntis ka?" Umiling ako habang mariin ang kapit sakin wallet na parang doon kumukuha ng lakas.

"Hindi. Hindi ko nasabi sa kanya na pinagsisihan ko ng malaki. Natakot ako nun at nangamba na hindi niya tanggapin ang bata at magulo nun ang isip ko." Kita kong may dumaan na galit sa mga mata nito pero seryoso padin ito.

"Iyan ang pagkakamaling ginawa mo sa kanya, Zyriene. Siguro kung sinabi mo ay hindi humantong sa ganito ang lahat. Alam mo kung gaano ka niya kamahal pero ang hindi pagsabi na buntis ka bago man lang siya lumisan ay isang malaking kamalian. Gustong gusto nun magkaroon ng anak at mula pa sa babaeng mahal niya pero anong ginawa mo? Naging makasarili ka." Tinamaan ako sa pahayag na iyon ni Phantom at hindi ko na mapigilan ang humikbi. Napakamakasarili ko ngang tao.

"S-sorry. Natakot ako nun sa maaari niyang sabihin at ni hindi ko nga alam ang tunay niyang pagkatao. Pero kahit hindi ko alam ang pagkatao niya ay minahal ko agad siya. Lahat ng sakin ay binigay ko ng buong puso. Kahit iniisip kong ako lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo." Lumamlam ang mukha nito bago ako bigyan ng panyo na kinuha ko naman at pinunas sakin mukha. "Please. Sabihin mo sakin kung anong nangyari noon, Phantom. Sabihin mong buhay pa si Thander at hindi namatay sa sunog!" Mariin kong nahawakan ang dalawa niyang kamay na kinatigil niya saglit. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at kita ko ang awa doon na lalong nagpahina sakin. Maya maya ay rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Hindi ako dapat ang magsabi nito." Napakunot noo ako sa tinuran niya. Hindi siya makatingin at parang may tinatago.

"A-anong ibig mong sabihin?" Biglang sumikdo ang kaba sakin dibdib nang makita ko ang kimi niyang ngiti.

"He's alive."

***
Highly appreciated for voting, commenting and sharing. Gracias!

— MAYAMBAY—

A Night with the KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon