4

2.3K 75 2
                                    

I wake up feeling a little better. But I still feel the weakness of my body. Pero hindi na gaya noong nakaraang araw.

Pinagmasdan ko ang paligid ko habang nakahiga pa rin ako sa kama. I'm still in the same room. Wooden floor and walls, antique-looking furnitures, dancing tall trees outside.

I wish to get out of here as soon as possible. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. I was just a normal teen who went to a night club, then this happened. It's like my world flipped upside down in a snap. Iniisip ko tuloy ngayon kung may nagawa ba akong masama sa isang tao, kung nasigawan ko ba siya habang naglalakad ako o kung may nasabi ba akong masama sa kanya na sobra niyang dinamdam at pina-kidnap niya ako. Ang babaw na dahilan, but I don't really know. I don't really get it. And I'm worried for my family, especially for my mom. Sana okay lang siya. Sana alam niyang buhay pa ako.

Bumangon ako. Pumunta sa harapan ng pagkalaki-laking bintana dito. From here, I can see more trees dancing. A lot of them. There are no other houses too. It looks like we're in the middle of nowhere. Parang rest house 'to sa gitna ng liblib na lugar kung saan mahirap hanapin, malayo sa lahat.

Huminga ako nang malalim. Nilanghap ang sariwang hangin. I closed my eyes. Not thinking of anything, I just stood there for couple of minutes. I could hear birds singing. Ang mga paspas ng mga dahon ay naririnig ko rin. Everything feels so at peace, it's just me that isn't.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako kaagad.

And there he is.

Nagtama kaagad ang mga tingin namin. He comes in with a food tray on his hand. He didn't say anything. Pumasok lang siya, nilapag ang food tray sa table dito. And when he's done, he looks at me again.

I wonder why his eyes are always like that. Cold. Dead. No emotions at all. And it sometimes makes me feel really scared. His eyes are the scariest parts of him.

"Eat. Then, drink your medicine." He said, then started to walk out.

"Why are you doing this?" Pigil ko sa kanya. Napatigil siya kaagad at napalingon sa 'kin. He didn't say anything. Tinignan niya lang ako na tila ba alam niya na may gusto pa akong sabihin. "Please, pakawalan mo na ako. This is nonsense. Really. You don't really look like a bad guy. Kung ano man 'tong nasimulan mo, tapusin mo na. Alam kong wala sa loob mo ang mga ginagawa mo ngayon-"

"How sure are you that I'm not a bad guy?" He interrupted me. Napatigil ako. Napatitig lang ako sa kanya. Binalot kami ng katahimikan, wala akong maisagot. Biglang nawala ang mga salita na kanina ay alam ko pa. Bakit ko nga ba naisip na hindi siya masamang tao? Silly me. Maybe, he's right. He's not a good guy at all. Because if he is a good guy, I'm not even here in the first place.

"Kumain ka na." Malamig niyang sabi sa 'kin, at tuluyan na siyang umalis.

Napahinga ako nang malalim. I don't know if it's a sigh of relief that he's not around anymore because I don't want to be with him or a sigh because of tireness and helplessness. Or both.

Napatingin ulit ako sa bintana na nasa likod ko. I could jump from here. Then, run. Maybe, I can somehow escape. But again, I'm not on the first floor. Pagtalon ko, patay na ako. Lasog-lasog na katawan ko. I'm not a superhero or something. I can't jump. I need to have a plan, a good plan to escape.

That's all for now, Khalila. You need to survive these shits. You're going home. And that man Agui, he's gonna be put in jail for doing this to you.

I ate as he said. I don't really care anymore if the food he gives me is poisoned. Kung mamatay ako, mamatay ako. Wala na akong magagawa. We're just the only people here. It looks like it. Kanino naman ako hihingi ng tulong? At kung hindi naman ako kakain, mamatay din ako. I'm both scared and not scared to death. I don't care and I care at the same time.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon