25

1.4K 81 8
                                    

I tried not to interact with him as much as I can. Mas mabuti ang ganoon, ibalik na lang sa dati ang lahat. Umasta na parang wala lang. Umasta na hindi ko siya mahal. Umasta na ayos lang dahil ayos naman talaga. Ayos na.

Hindi siya sumabay sa almusal sa aming dalawa ni Nay Lareng. Ayos na rin 'yon. Para hindi ako mahirapan na iwasan siya. The less we interact, the easier we could live together. Kapag nasanay akong ganoon, baka bumalik sa dati na hindi ko siya ganoon kakailangan.

"Bati na ba kayo ng asawa mo?" Nay Lareng asked while we were eating.

Napatingin ako kay Agui na nasa labas, mula dito ay tanaw ko siya. May kausap siya sa telepono niya habang umiinom ng kanyang kape.

"Opo," sagot ko naman.

After we ate, I washed the dishes. At nadatnan niya ako doon.

Napatingin kami sa isa't isa. Pero kaagad ko rin na iniba ang tingin ko.

"Kain ka na." Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na lang. Busog pa ako." Sagot naman niya sa akin. "Akyat muna ako sa taas. May aasikasuhin lang, may tawag mula sa Hawaii."

Tumango naman ako.

After I did my chore, I didn't come upstairs. Minabuti kong lumabas, at magpahangin.

Hinintay ko na baka dumaan dito si Iton. At makalipas lang ang ilang minuto, nakita ko nga siya. Galing na siyang bukid dahil dala na niya ang kalabaw.

Ngayon ko lang siya ulit nakita pagkatapos kong sabihin sa kanya ang katotohanan.

He still managed to smile at me. Itinigil niya ang kalabaw sa tapat ng bahay.

"Sama ako sa'yo." Bungad ko sa kanya, at naglakad patungo sa kanya.

"Parang nagbago yata ang ihip ng hangin," aniya. "Ikaw na nag-aaya ngayon."

Gusto ko lang talagang iwasan ang pagkalapit ko kay Agui. At gusto ko rin ng kausap. Dahil may isang tao na bukod kay Agui ang may alam ng totoo.

Hindi na ako nagpaalam kay Agui. Pati na rin kay Nay Lareng dahil alam kong nasa kwarto na siya at nagsi-siesta.

Pumunta kaming kabilang bayan. Dumaan ulit kami sa tulay, at naupo sa isang lilim na lugar kung saan tanaw na tanaw ang kalmadong dagat. Nakaupo kaming dalawa sa isang malaking bato.

"Ayos ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga titig.

"Natanong mo na ba kay Kuya Agui ang tungkol kay Maya?" Dagdag niya.

Umiling ako. Dahan-dahang napahinga ng malalim, at tumingin muli sa dagat.

"Pero ayos na ako." Sagot ko sa kanya. "Babalik na lang kami sa dati. Susubukan ko."

"Mahirap ibalik ang dati." Sagot niya.

Mahirap nga. Pero susubukan ko.

Lumipas ang mga araw.

Halos araw-araw ko ng kasama si Iton. Paminsan-minsan ay tumutulong ako sa kanya sa bukid. Minsan naman ay sinasamahan ko siya sa kabilang bayan gaya ng ginawa namin noon. Tinuruan niya ako sa maraming bagay tungkol sa pagsasaka. Minsan naman, nasa bahay lang ako't gumagawa ng mga gawaing bahay. Paulit-ulit na lilinisin ang kwarto para lang may magawa. Sa mga nakalipas na araw, ganoon lang ang aking ginawa. Pinilit kong huwag ng masyadong mapalapit kay Agui.

Umuuwi lang ako. Tatanong niya kung kumain na ba ako, tapos ay wala na. Minsan na lang din kaming mag-usap at makitang dalawa kahit na nasa iisang bahay lang kami. Hindi pa rin siya muling kumain kasabay ko. Natutulog pa rin kami na magkatalikod. Paminsan-minsan ay mararamdaman kong babangon siya at aalis ng kwarto tuwing madaling araw. Hindi ko inaalam kung saan siya pumupunta.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon