Binilisan niya ang pagpedal niya hanggang sa mauna na siya sa akin. He stopped cycling, then he ran back to me.
Tumigil ako sa pagtakbo. Umiiyak ako't napaupo na lamang sa lupa.
"Pakawalan mo na ako, please." Umiiyak kong pakiusap sa kanya. Hinihingal ako dahil sa pagtakbo ko. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa panghihina.
Lumuhod siya sa harapan ko, at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Look at me, Khale." Sabi niya. "Look at me."
Tinignan ko siya.
"This will end. But not tonight." Sabi niya. "Uuwi ka. Iuuwi kita. Pero hindi ngayon."
"Why?" Umiiyak pa rin ako. "Did my uncle ask you to do that? Kapag natanggap niyo na 'yung pera tyaka niyo lang ako papakawalan?"
Natigilan siya. Binitawan niya ang mga braso ko.
"I guess, you heard the news." Aniya.
"Kanina. Sa tapat ng karinderya." Sagot ko sa kanya. "You're with him. Inutusan ka niya na gawin sa akin 'to."
"No."
"How could I believe you?"
"You don't have to if you don't want to." Diretso niyang sagot sa akin. "I am no related to your Uncle and I didn't ask for any ransom. I would never do that."
Tumahimik ako. Pinakinggan ko lang siya.
"I have all the money. I don't need it. I would never do that, Khale."
"So who asked for the ransom? And why is my Uncle in jail if he's not with you?"
"I don't know." He said. "I really don't know. But what I do know is that there is someone out there that is really after you. You see, they are planning this so well. Ako ang kasama mo ngayon pero pinalabas nila na sila ang kasama mo."
Natakot ako para sa sarili kong kapakanan. Nakakatakot na ang mga nalalaman ko. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.
"Look," He said. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Tinignan niya ako mata sa mata. "You gotta stay with me. You gotta trust no one but me. You're safe with me. Trust me."
Pinagmasdan ko lang ang kanyang mga mata. Sa mga matang 'yan, gusto ko nang maniwala. I'm starting to believe that I'm not safe anywhere but here. I'm starting to believe that he's the only one I have right now. Because realising it just right now, he is actually the one who saved me that night. He hid me for a reason.
The fact that there is someone out there looking after me and using me for money while Agui is here hiding me, it says something. He's protecting me.
"I'm sorry." Biglang kumalas ang mga luha ko nang sabihin ko 'yon.
"Come on. Umuwi na tayo." Sabi niya, kahit pa umiiyak pa ako. Pilit niya ako itinayo. Pinagpag ang dumikit lupa sa aking damit. Pinagpag niya rin ang mga braso kong nabigyan ng dumi.
"Let's go home." Utas niya. "Kakargahin na kita." Tyaka siya nag-alok na papasanin niya ako.
Hindi ako kumibo. Nilingon niya ako habang nakaupo siya.
"It's getting really late. Delikado na sa labas sa mga ganitong oras. Baka may makasalubong tayo dito." Aniya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumakay sa kanyang likod. Pinasan niya ako.
Iniwan niyang nakatumba ang bisikleta niya sa tabi. Nilakad niya ang pagkalayo-layong tinakbo ko kanina. Tahimik kami habang pabalik sa mansyon. Hanggang sa maramdaman ko ang pagod, nakatulog ako habang karga niya ako. Nagising na lang ako nang mag-umaga na. Nadatnan ko siyang binubuksan ang malaking bintana sa aking kwarto.
