In the first few hours of us being together inside her car, Liz didn't talk nor did I. Nakatulala lamang ako sa daan na dinadaanan namin. The things that happened today are too much to handle. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Namanhid na ako sa dami ng nangyayari. I'm so confused, frustrated and guilty at the same time.
Si Agui, ang parents ko, at kung saan ba kami patungo ngayon. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.
Natigilan ako sa aking malalim na pag-iisip nang may tumunog na telepono. Kaagad akong napalingon kay Liz dahil ang akala ko'y si Agui na iyon. But when I saw her phone screen, it was named Hospital.
Nilingon niya ako bago niya sinagot iyon, she put it on loud speaker tapos ay binalik sa kinalalagyan nito kanina so she could still drive properly.
"Doc? Pinapapunta po kayo sa ospital." Bungad sa kanya ng tumatawag.
So, really, she's a doctor. No wonder why is she so smart looking. She's also looking so expensive just like Agui. Branded wrist watch, this expensive car, her shoulder branded bag, her clothes, porcelein skin, jet black medium-length hair, fine face features, and her height is for modelling. Bagay sila ni Agui.
"I can't. I'm sorry. Family emergency. I'm out of town right now." Sagot ni Liz sa tumatawag.
"Doc, hindi ba talaga pwede? May pasyente po kasing-"
"I'm really sorry. Si Doctor Alvin, try niyong tawagan. I'm really sorry, Sarah. I can't really come." Kita ko sa mukha ni Liz ang kalunglutan na dinudulot ng sitwasyon ngayon.
Ilang sandali pa, the phone call ended. Nakita ko siyang huminga ng malalim.
"I'm sorry," I said. I feel so guilty.
"It's for Agui." Sagot niya nang hindi ako tinitignan man lang.
Kumirot ang puso ko.
Yeah, it's for Agui. Because of Agui, I didn't die today.
Naisip ko how insignificant I was if I died today. Wala pang napapatunayan, wala pang naiambag sa mundo, hindi ko pa tuluyang nakikilala ang sarili ko. I don't know what I want, I don't know my thing. I don't even have dreams to fulfill. If I died today, I wouldn't really be remembered.
Ilang beses akong nakatulog habang nasa byahe. At sa tuwing paggising ko ay nasa daan pa rin kami. Parang hindi kami dumarating sa pinaroroonan namin.
It's still dark outside. Pero parang ilang minuto na lang ay liliwanag na ulit ang mga ulap. Unti-unti na ring nag-iiba ang dinadaanan namin. Ang kaninang maraming bahay at gusali na nadadaanan namin ay napapalitan ng mga nagtatangkarang puno at malalawak na palayan. Wala na rin akong nakikitang mga bahay. Kung mayroon man ay nasa gitna mismo ng mga palayan. Hindi lang din palay ang mga nakatanim na nakikita ko, ang iba ay mga mais at mga tubo.
I looked at Liz to check up on her. Tahimik siyang nakatingin sa kalsada at nagmamaneho. Tila alam na alam niya kung saan kami papunta ngayon.
"Where are we going?" I asked her, finally. Sa ilang oras na byahe namin ay ngayon ko lang naitanong.
"Kay Nanay Lareng," she answered. "She's Agui's Nanny when he was still living in the Philippines."
Dahan-dahan akong napatango sa kanyang sagot.
I don't know why but I envy her for knowing Agui this much. Did they grow up together? Why aren't they together? They seem to be good for each other.
Nilingon niya ako at nagtama ang mga tingin namin. Doon ko lang napagtanto na ang tagal ko na siyang pinagmamasdan.
Napaiba ako ng tingin.