Sumakay siya sa bisikleta niya na kinuha niya sa garahe.
"Sakay na." Utos niya sa akin.
"Ha?" Napatanong na lang ako. "Yan lang sasakyan natin?"
"Do you still want to come with me? Or what?" He asked.
Tinignan ko lang siya. Halos mapairap ako.
Huminga ako nang malalim.
"Fine, fine." Sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. "Paano ako sasakay diyan?"
"Dito ka sa harap umupo."
Nalaglag ang panga ko.
"Seryoso?"
"Mukha ba akong nagbibiro, Khale?"
"Hindi." Sagot ko naman.
Lumapit ako.
"Kapag tayo natumba." Sabi ko habang umuupo. I don't feel comfortable. Ang laki-laki ko na, paano niya mababalanse 'to? Matutumba talaga kami sa nalalaman niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan sumunod sa kanya, hindi ko 'to ginagawa ngayon.
Noong una ay pagewang-gewang pa kami. Napapapikit na lang ako sa bawat pagkakataon na pakiramdam ko ay matutumba kami. Tapos ay nakapadilim pa. Paano na lang kapag may nagpakitang multo dito? Nasa kalagitnaan kami ng gubat.
Nang tumagal na, naging komportable na ako. Tahimik kaming dalawa. Nilanghap ko ang sariwang hangin na pinapaspas ng mga puno at mga damuhan dito. Hindi na ganoon kadilim nang itigil niya ang bisikleta, ilang minuto ang nakalipas. Doon, nakita ko ang isang sasakyan na naka park sa lilim ng malaking puno dito.
Bumaba ako. Itinabi niya ang bisikleta sa puno, isinandal doon.
"Bakit mo iniiwan 'yung sasakyan mo dito? Pwede mo naman idiretso sa mansyon kaagad." Sabi ko sa kanya habang pinapanood siyang itabi ang bisikleta.
Nilingon niya ako.
"Tumakas ka pa." Sabi niya.
"I don't drive."
"But you know how to drive." He said. Kinapa niya ang susi niya sa kanyang bulsa at pinatunog ang kotse na hudyat ng pag unlock ng mga pinto.
"Hop in." Sabi niya tyaka na siya sumakay ng sasakyan.
Sumakay ako. I put my seatbelt on. Then, he started to drive.
"Ito talaga ang dahilan kung bakit ako nagising ng maaga ngayon." Sabi ko.
Hindi siya nagreact man lang. Hinayaan niya lang akong magsalita.
Pinagmasdan ko ang dinadaanan namin. Nasa liblib na lugar pa rin kami. Marami pa ring puno. Wala pa ring mga bahay.
Tinandaan ko bawat liko. Itinatak ko sa isip ko lahat ng dinaanan namin. Pero pare-pareho lang naman ang dinadaanan namin. Nakakalito. Nakakaligaw. I'm not really good at taking directions.
Ilang minuto pa ang nakalipas, unti-unti na naming narating ang sementadong daan. Isang hudyat na nasa bayan na kami. Finally, I'm out of the woods.
"What is this place?" I asked. Then, nilingon ko siya na busy sa pagmamaneho.
"You don't have to know." Sagot niya lang sa akin.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa kalsada. Unti-unti, may nadadaanan na kaming mga bahay-bahay. Hanggang sa may mga tao na. Unti-unti, dumadami ang aking nakikita. Hanggang sa mapunta kami sa mismong bayan.
There's a lot of people here. A lot of small businesses. Mga batang naglalaro, mga nagtitinda sa kabilaang daan.
Tinigil niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang karinderya. Nilingon ko siya. Tinanggal niya ang seatbelt niya.
