28

1.5K 86 38
                                    

Nagising ako dahil sa pag-ubo ko. Sinisipon din ako kaya hindi ako makahinga ng maayos.

Pagdilat ng mga mata ko, nakaharap ako sa direksyon ni Agui sa kama. Medyo nagulat ako nang makita ko siyang nandoon pa, nakaupo at nakasalamin habang may nililingon sa laptop niya.

This is my first time seeing him wearing reading glasses.

He looks different.

Napalingon siya sa akin, ilang segundo ang nakalipas. He met my gaze. And for a moment, we were just staring at each other.

Thinking of what happened yesterday and what he said last night, it feels so different.

Or, maybe, it's just his reading glasses.

"Good morning," he greeted me. Then, he turned his attention back to what he was doing earlier.

I sniffed. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sinisipon ako. Siguro, dahil sa pagpapaulan namin kahapon.

"Good morning..." mahinahon kong pagsagot sa kanya. Sobrang halata sa boses ko na may trangkaso ako.

"Sinipon at ubo ka..." aniya.

"Iinom na lang ng gamot mamaya." Sagot ko naman sa kanya.

"Hmm," he answered. Nakatingin pa rin siya sa laptop niya.

Nanatili ako sa pwesto ko. Nakahiga, at nakaharap sa kanya't pinagmamasdan siya.

"Anong ginagawa mo?" I asked.

"Business." Mabilis niyang sagot sa akin, harap pa rin ang kanyang laptop.

"Nagka-problema?"

Umiling siya.

"Hindi naman..." sagot niya. He's typing something on it. "I just need to check them from time to time."

"Okay naman?" Tanong ko.

"Okay naman." Sagot niya.

Tumahimik ako, at pinanood pa siya ng ilang minuto. Pinagmasdan ko siyang magtrabaho habang nakahiga ako.

He looks so good. He looks light. He really looks different today.

I don't know.

Parang ang ganda ng umaga kung araw-araw paggising ko, ganito ang makikita ko.

Then, a few moments later, he looked at me.

Nadakip na naman niya akong nakatingin sa kanya.

"Okay ka pa?" He calmly said.

Hinawakan niya ang noo ko.

Pinagmamasdan ko pa rin siya. Ang gwapo niya ngayon.

"You look good with those glasses." I couldn't help but to say it.

Natigilan siya, hawak pa rin ang noo ko.

"Hindi ka naman nilalagnat..." sagot niya sa akin. Inalayo niya ang kanyang kamay.

Niligpit niya ang kanyang gamit. Tinabi ito sa side table ng kama, at bumangon siya. Habang ako ay pinapanood ko lang siya habang nakahiga pa rin ako sa kama.

"Tara na." He said.

Inalis niya ang suot niyang salamin.

"Bakit mo inalis?" I pouted.

Then, he suddenly smiled.

Hindi na siya madamot sa ngiti. Hindi na siya madamot sa sarili niya.

"Come on, baba na tayo." Sabi niya.

"Dito muna ako..." sabi ko naman sa kanya. Niyakap ko ang isang unan. Then, I sniffed again.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon