My insides are dying. Maybe, they already died.
Hindi na ako umiiyak. Tulala na lang ako't wala ng nararamdaman. I just feel so numb right now. After what I've heard, after what he said, I just felt really really helpless.
Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Right now, I just feel so numb. I feel nothing.
I can't believe that I can hate my parents this much. Somehow, I knew, may kinalaman sila dito. Pero di ko akalain na sa ganoong paraan. I can't believe that they put me through this. Kaya nila akong ipagpalit sa pera. Pera lang ang usapan dito.
It's too much. Hindi ko inaasahan na ngayon darating ang araw na 'to.
I look at Agui who's still driving. It hurts me so much to see him now. Alam ko na maghihiwalay at maghihiwalay kami pero hindi sa ganitong paraan.
He lied to me. He had his reasons. But, still, he lied to me. He was the only one who I trusted. Siya lang kakampi ko, siya lang kinapitan ko. Then, he'd say to me that he knew everything? It's so unfair. Dapat dalawa kami. We're partners, eh. Pinaniwala niya akong magkasama kami sa laban na 'to. But the truth is, he has his own battle. He lied to me.
Para akong naiwan sa ere.
I could've helped him. We could've handled it better. Pero hindi niya sinabi sa akin. Hindi niya ako pinagkatiwalaan. Nasasaktan ako na iniisip niyang wala na, na isusuko na lang dahil hindi pwede.
We can. We actually can. I can fight for him 'til the end. But the way he talked to me and the way he looked at me, I just felt like he finally gave me up. It wasn't enough for him to make me stay, to fight for me 'til the end. Kaya naman niya. Kaya ko naman. Hindi naman ako nahihirapan. I'm willing to go through hell just as long as I am with him. But he did not let me.
Bigla na lang siyang sumuko. Ganoon na lang niya sinuko ang lahat.
"I'm gonna ask Liz to make sure you'll be safe after I bring you home." He said after a few hours of driving.
"Just bring me to my Uncle Timotheo. Mas ligtas ako doon." Sambit ko.
Malapit na kami. Dahil ang mga daan ay unti-unting nagiging pamilyar. At ang mukha ng mga kandidato ay nagkakalat na sa daan.
"I will surrender myself to the police-"
"You don't have to." Sabat ko kaagad sa kanya.
Napalingon siya sa akin.
"Bumalik ka na sa Hawaii pagkatapos nito at huwag ka ng babalik ulit-"
"Khalila-"
"I'll tell them that you were my boyfriend and you had nothing to do with it. Pinilit kong magtago dahil alam ko ang plano nila." Sagot ko sa kanya.
Tinigil niyang muli ang sasakyan, at itinabi ito sa gilid ng kalsada.
"Khalila, why are you doing this..."
Natigilan ako.
Bakit nga ba?
Because, he saved me. I can't deny that fact. And I don't wanna ruin his life. I've caused so much already.
"Just do it." Sabi ko sa kanya. "Huwag ka ng babalik dito kahit kailan."
Binalot kami ng katahimikan.
Nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. The thought of me not seeing him ever again stings.
Naiiyak na naman ako.
"Huwag ka na ulit papakita sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Khale, I'm sorry." Sambit niya.
Hindi ako kumibo.
"Hindi dapat tayo nagtagpo." Sagot ko.
I can't believe I'm saying this right now. Sobra akong nasasaktan.
"Yeah..." he just said. "And I'm sorry to put you through this."
"Yeah..." I just said.
Binalot muli kami ng katahimikan. Wala na akong alam pang sabihin. Hindi ko makapa ang mga salita. At hindi ko alam kung kailangan ko pa bang magsalita.
Nagsimula ulit siyang magmaneho. Tinigil niya ang sasakyan niya sa tapat ng subdivision kung saan nakatira ang Uncle ko.
Katahimikan.
Ilang segundo pa akong nanatili, naghihintay na may sasabihin pa siya. Pero ni isa sa amin ay walang kumibo.
Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse, at aalis na.
"Khale," pigil niya sa akin.
Kumirot ang puso ko.
Nilingon ko siya ng namumugto ang aking mga mata. It hurts so much to look at him right now.
"Please, be safe." He said.
Tumango ako.
Wala na akong alam sabihin pa. Gusto ko na siyang iwan dito para matapos na lahat. Baka matapos na rin pati ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
Lumabas ako sa kanyang kotse. Sinarado ang pinto. At hindi na ako lumingon pa kung umalis na ba siya o hindi.
Lumakad na ako. Tumutulo na naman ang mga luha ko.
"Khale!" I heard after a few steps.
Nilingon ko si Agui, at naglalakad siya patungo sa akin.
"I'm sorry." He said. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang sinabi sa akin iyon.
Niyakap niya ako ng mahigpit nang maabot niya ako.
Humagulgol ako habang yakap-yakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik ng mas mahigpit.
Ayokong umalis siya. Ayokong maghiwalay kami.
"I'm sorry." Sambit niya ulit sa akin. "I'm sorry, Khale."
Lalo lang akong humagulgol. Mas kumapit pa ako sa kanya.
Ilang minuto rin kaming magkayakap at nag-iiyakan.
"You need to go." He said.
Kumalas siya sa pagyakap niya sa akin. Pinunasan niya ang aking mukha.
"Go." Aniya.
Umiling ako. Patuloy ako sa pag-iyak.
Naninikip ang dibdib ko. Para na akong mamamatay.
"Please, go." Pakiusap niya. Umiiyak na rin siya. Nahihirapan na rin siya. "Iwan mo na ako, Khale. Please, go."
Lalo pa akong umiyak.
Hindi na ako makahinga.
Hinalikan niya ako sa noo. Niyakap niya akong muli, at nagtagal iyon ng ilang segundo pa.
Sa sobrang hagulgol ko ay ang lakas na ng iyak ko. Hindi ko na makilala ang sarili ko.
Hanggang sa kumalas na siya.
Dinikit niya ang noo ko sa kanyang noo.
"Mahal kita, Khale." Bitaw niyang mga salita habang umiiyak. Sobrang sakit ng iyak niya na mas nasasaktan ako.
Tumango ako. Humahagulgol pa rin.
"I know." Sagot ko sa kanya. "I know, Agui."
Lahat ng galit na naramdaman ko kanina, napatunayan ko na hindi 'yon matutumbasan ng pagmamahal ko sa kanya.
But love isn't enough. We can't be together. It's too complicated.
We love each other too much. That we want each other to live and to be safe even if it means being apart.
He can't stay here. Because, unfortunately, saving me did not save him.
For now, I'll just accept the fact that he will just be a memory. I'll keep it in my heart until the end.
