16

1.5K 67 12
                                    

Kinabukasan, nagising na naman ako dahil sa parehong panaginip. Putok ng baril, sobrang dilim, at tinatawag ako ni Agui pero hindi ko siya makita at mahawakan.

Kaya paggising ko, hinanap ko kaagad siya sa tabi ko. Mag-isa na lang ako sa kwarto nang magising ako.

Lumabas ako, nakita ko si Nanay Lareng na nagwawalis sa kanyang bakuran.

"Nay," tawag ko sa kanya. Lumapit ako. Napalingon naman siya sa akin. "Nasaan po si Agui?"

"Nandoon sa bukid, tumulong sa pagsasaka." Sagot naman niya sa akin.

"Paano po pumunta doon?" Tanong ko.

"Mabuti pa, hatid mo meryenda nila. Nasa loob, kunin mo." Aniya.

Sumunod naman ako. Kinuha ko ang mga pagkaing nakahanda na nasa mesa. Tapos ay lumabas din ako kaagad. Paglabas ko ay may isang binata na ang kausap si Nanay Lareng. He looks younger than Agui, but they have the same height. Almost, 6 feet. His body is not that mature compare to Agui's. Bahagyang mahaba ang buhok, at may suot siyang panyo na nakapalibot sa kanyang noo. Ang kanyang suot din ay nababalot ng putik, siguro ay galing siya sa palayan. And from what I can see, parang ka-edad ko lang siya.

Napalingon siya sa akin. He wears this smile when he looks at me. From that smile, I could see his dimples.

Dahan-dahan siyang tumango sa akin bilang pagbati.

Napalingon si Nanay Lareng sa akin dahil doon.

"Ayan na pala siya." Sabi ni Nanay Lareng. "Sumama ka na sa kanya, Khale, papunta siya kung nasaan si Agui."

"Sige po..." Pagsunod ko.

Lumabas kami sa bakuran, at nagsimulang maglakad papalayo sa bahay.

"Akin na at ako na lang magdadala niyan." Alok niya sa akin.

Kinuha niya ang mga bitbit ko kahit hindi pa ako nakakasagot.

"Salamat." Sagot ko.

"Huwag kang masyadong lumapit sa akin ha? Medyo mabaho na ako." Nakangiti siya habang sinasabi iyon.

Napangiti ako.

"Ayos lang." Sagot ko. "Malayo ba dito ang pupuntahan natin?"

"Hindi, lapit lang." Sagot naman niya. "Palayan 'to ni Mang Kanor, kapatid ni Nanay Lareng. Palagi kaming pinaghahanda ng meryenda ni Nanay Lareng." Pagku-kwento niya.

Napatango naman ako sa naging kwento niya.

Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan. Nakatingin lamang ako ng diretso sa dinadaanan namin.

Malalawak na palayan, wala pang aanihin dahil nagtatanim pa lamang sila. Sa ilang hakbang pa namin, nakikita ko na ang iilang mga tao na nagtatanim. Hanggang sa makita ko si Agui na nakaupo doon sa malayo. May kausap siyang mga ibang tao.

"Iton nga pala," sabi ng katabi lo. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nag-alok siya ng kamay.

Tinanggap ko 'yon.

"Khalila." Sagot ko sa kanya. Ngumiti ako, dahil nakangiti siya sa akin.

Bumitaw ako kaagad sa kamayan naming dalawa. Tumingin ulit ako sa kung nasaan si Agui kanina. Palapit nang palapit, I saw him looked at me. He met my gaze. And I don't know if it's just me, but he doesn't look happy to see me. Nakasalubong ang kanyang mga kilay. Hindi ko alam kung dahil lang sa sikat ng araw.

"Asawa ka daw ni Kuya Agui?" Tanong ni Iton.

Napalingon ulit ako kay Iton.

"Ang bata mo pang tignan para mag-asawa. Ilang taon ka na?" Dagdag niya.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon