33

1.4K 72 7
                                        

I can see my hands shaking as I put my seatbelt on. Hindi rin ako makapagsalita. I just feel so stiff right now. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

He started driving. He's so focused on the road. At ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa ay sobrang nakakabingi. 

I looked at him for a moment as I felt my heart beating so fast. We're both scared, and it makes me feel more scared because I've never seen him like this before.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

Hinawakan ko ang seatbelt na nasa katawan ko. Iyon na lamang ang kinapitan ko.

Diretso akong tumingin sa dinadaanan namin, at hindi na makapagsalita. Ang daming bagay ang umiikot sa isipan ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

"We're going to be okay." He said.

Napalingon ako sa kanya, at para bang sa sinabi niya ay naramdaman ko lahat ng takot at pag-alala. Bigla ko na lang naramdaman na tumutulo na ang mga luha ko.

"I'm so scared right now," iyak ko sa kanya. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Nilingon niya ako. Kita ko sa kanyang mga mata na alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon, kita ko sa mga mata niya na takot rin siya.

He held my hand, a little tighter than usual.

"We're going to be okay." Sambit niyang muli habang ang kanyang mga mata ay binabalot ng pag-alala at takot.

Lalo akong naiyak. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, pero sobra akong natatakot ngayon. Not only for me, but especially for him.

Ngayon na may nakakaalam na sa sitwasyon naming dalawa, makikilala na nila si Agui. I just hope that Ican would not tell the authority. Sana hindi nila kami mahanap. At sana, hindi magbago ang tingin ng mga tao dito kay Agui.

Matiwasay kaming nakalabas ng bayan. Walang humahabol sa amin, o kung ano pa man. I know, Iton has something to do with it.

"Where do we go now?" Pagsasalita ko pagkatapos ng mahabang oras. Ngayon lang ako kumalma.

Nakita ko siyang huminga ng malalim habang nakatingin pa rin sa kalsada.

"I don't know." He said. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi alam kung anong susunod na gagawin.

Tinigil niya ang sasakyan at tinabi ito sa gilid ng kalsada. Walang gaanong dumadaan na mga sasakyan sa ganitong oras ng hapon.

Nilingon niya ako.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" Tanong niya.

Natigilan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang niyang sinasabi ngayon 'to.

Nag-usap na kami tungkol dito. Yes, we're gonna pay for it. But not now. Ayoko pang umuwi. Ayoko pang mahiwalay sa kanya.

"Ang bilis naman magbago ng isip mo." Sagot ko sa kanya. "You said, we were going to okay. Kaya pa naman natin, Agui." Pakiusap ko sa kanya.

"And it's not safe." Dagdag ko sa kanya.

"Let's go to the police." He said.

"Naririnig mo ba sinasabi mo?" Sagot ko sa kanya. "Anong pinagsasabi mo? Kaya ko pa. Ayoko pang umuwi. We still have time to be together. Bakit mo 'ko pinapauwi? Bakit mo tinatapos ngayon? Sabi mo, magiging okay tayo? Magiging okay tayo, Agui."

I just felt like he suddenly gave me up. Kita ko sa mga mata niya na para bang nakapagdesisyon na siya, at hindi niya man lang ako tinanong kung gusto ko ba iyon o hindi.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon