24

1.3K 72 5
                                    

I woke up with a heavy heart.

I woke up alone.

Bumangon ako, naupo sa kama. Tapos ay tumulala ng ilang minuto.

Si Agui na naman ang iniisip ko. Sigurado ako sa sarili ko na mahal ko siya dahil kahit na nasasaktan ako, gusto ko pa rin siyang makasama. Gusto ko siyang makita paggising ko. Siya pa rin ang gusto kong piliin sa kabila ng lahat ng nangyari at nalaman ko.

I just don't understand why does it feel like he wants and doesn't want me at the same time. He loves and doesn't love me at the same freakin' time. May tumutulak sa akin papalayo sa kanya, pero may humahatak din sa akin pabalik sa kanya. It's the way he looks at me, it's the way he talks to me.

Hindi ko siya mabitawan kahit nasasaktan na ako. Hindi ko siya kayang hindi mahalin kahit alam kong may mahal siyang iba. Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko kaya.

Bumaba ako mula sa kwarto. Hinanap ko siya, pero wala pa rin ang sasakyan niya hanggang ngayon.

Pagbalik ko sa loob ng bahay, nakita ko si Nay Lareng na lumabas galing sa kwarto niya.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Si Agui po?" I asked her.

"Hindi ba dapat sa'yo ko tinatanong 'yan?" Tanong niya pabalik sa akin. "Hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon. Nag-away ba kayo kahapon?"

Hindi ako nakapagsalita kaagad. Inisip ko muna kung sasabihin ko ba sa kanya na oo. Pakiramdam ko kasi, baka isipin niya na inaapi ko si Agui. Baka sabihin niya na pinapahirapan ko siya. Alam ko naman na ayaw niya sa akin.

"Opo." Still, I answered it with all honesty. "Nagkaroon po kami ng maliit na pag-aaway kahapon. Umalis po siya't di ko alam saan nagpunta."

Hindi siya nagsalita.

"Pasensya na po." I said. I don't know but I feel like I owe her an apology for making Agui feel that way.

"Kumain na tayo." Sagot niya lang sa akin.

Naglakad siya patungo sa kusina, at sinundan ko naman siya.

I expected her not to talk to me. Hindi ko rin naman siya alam kausapin pa. Kung hindi lang ako magtatanong, hindi kami mag-uusap.

Alam ko naman. Ayaw sa akin ni Nay Lareng. Maybe, that Maya, she likes her. But not me. Sino ba naman ako't biglang pumasok na lang sa mga buhay nila.

Nasa kusina kami pareho. Tinulungan ko siya sa paglalagay ng plato sa mesa. Kaming dalawa lang ang kakain ngayon dahil wala si Agui. Ayaw ni Agui na nakikisabay na kumain sa mga tao, but since we got here, madalas siyang sumabay sa aming dalawa ni Nay Lareng. Maybe, he only does it for the people he's comfortable with.

"Uuwi din iyon," nagsalita si Nay Lareng habang nagsasandok ng kanin.

Napatingin ako sa kanya, bahagyang natigilan.

"Huwag mo lang sabayan." Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang nag-aahin siya ng pagkain. "Mainitin ang ulo. Seloso. Tahimik pero kapag nagsalita, masasaktan ka. Mataas din ang pride niyan, hindi basta-basta magpapa sorry 'yan. Hayaan mo muna."

Naninibago ako na ganito niya ako kausapin ngayon. Mahinahon, at pakiramdam ko ay anak akong pinapayuhan.

Tumango ako.

Naupo kaming dalawa para kumain na. Magkaharap kaming dalawa.

Pinagsandok ko siya ng kanin. Pero kinuha niya rin kaagad ang sandok, at siya na ang naglagay mismo sa plato niya.

"Ayokong makialam, pero ano bang pinag-awayan niyo't nagawa niyang umalis?" Tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan habang kumakain kami.

Napatigil ako't napatingin sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon