Nagising ako sa pagtawag sa akin ni Agui. He calls my name so calmly and differently that even my eyes are closed, I know that it's him.
"Khalila," he said it one more time.
Napagtanto ko na hindi talaga ako nananaginip.
Dumilat ako at nakaupo siya sa gilid ng kama, ginising ako.
Nagtama ang aming mga mata.
"Bangon ka na." Mahinahon niyang sambit sa akin. "Alis tayo."
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"Basta." Sagot lang niya.
Tumayo siya, at nagpaalam na maghihintay na lang sa labas.
Bumangon ako. Tinignan ang aking paligid, at napansin ko na madilim pa. Nang tignan ko ang orasan sa kwarto naming dalawa, nakita ko na alas kwatro pa lang ng umaga.
He asked me yesterday to stay in the house. Saan naman kami pupunta ngayong araw?
Nontheless, naghilamos pa rin ako. Nagbihis, at lumabas ng bahay.
Ang kotse niya ay nakalabas na sa daan. Naghihintay siya doon. Ako naman ay sinarado ko ang pinto ng bahay dahil pakiramdam ko ay mamaya pa magigising si Nay Lareng.
Pumasok ako sa kotse niya. Sinalubong ako ng napakalamig na hangin na nanggagaling sa aircon ng kanyang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya. I put my seatbelt on.
"Gusto ko lang mamasyal..." he said. Then, he started driving.
Dahan-dahan akong napatango.
Is this the reason why he asked me to stay today? For him to be with me?
Tahimik kami sa unang mga minuto ng byahe. Wala di'ng tugtog sa loob ng kanyang kotse. Tapos ay madilim pa sa daan.
"Nakausap ko pala si Liz kagabi," he said after couple of minutes.
Napatingin naman ako sa kanya. At napatingin din siya sa akin pero kaagad niya ri'ng ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Tomorrow is your uncle's second trial of proving himself that he's innocent." Sambit niya. "Kapag natapos na ang mga trial, siguro ay magdedesisyon na tayo kung uuwi ka na."
Kumirot ang puso ko.
Bigla kong naalala na oo nga pala. That someone is really looking for me. Not to take care of me, but to put me in danger. At alam ko na may kinalaman ang pamilya ko dito.
Agui never asked for any ransom. But my dad kept on insisting that my Uncle Timotheo's body guard was asking for it. And that Uncle Timotheo has something to do with it. He kept on dragging him into this mess.
Naisip ko kung bakit. Anong dahilan ng Daddy ko para gawin ang lahat ng 'to? Alam kong alam niya na hindi totoo ang mga pinagsasabi niya. Because Agui never asked for any ransom. He never put me in danger, either. He was even actually the one who saved me from that night.
"Agui..." tawag ko sa pangalan niya. "Hindi ba humahabol ng pagka gobernador ang Uncle Timotheo ko?" Tanong ko.
Napalingon siya sa akin.
"Oo." Sagot niya.
"Baka pamumulitika ang lahat ng 'to." Sabi ko.
Hindi siya nakapagsalita.
Hindi ko kailanman naisip na papasok sa pulitika ang Tatay ko. My Uncle Timotheo has always been a servant of the people. Wala pa siyang asawa, tumatakbo na siya bilang barangay Kapitan hanggang sa maging Mayor siya. Ni minsan ay hindi siya nakatikim ng pagkatalo sa pulitika. While there's my dad. He never cares about politics. He never mentioned that he wanted to be in politics.
