11

1.4K 66 4
                                        

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at araw dahil naramdaman ko ang gutom. I didn't eat dinner because of my shitty pride last night. Ayokong aminin na nagseselos ako. Dahil, una sa lahat, wala naman dapat ikaselos. Hindi dapat ako magselos. Naiinis ako sa sarili ko, sa kanya at sa mundo for feeling this way. I shouldn't be feeling this way at all.

Bumaba ako, dire-diretso ako sa kusina. Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang makita ko siyang nakaupo doon. Umiinom siya ng kape habang nakaharap sa laptop niyang napakaliwanag.

"Oh my god." Nasabi ko na lang dahil sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko. "Bakit di ka magsindi ng ilaw?"

"May liwanag naman galing sa sala." Sagot niya sa akin.

Nag-iba ako ng tingin. Pumunta ako sa tapat ng ref, at tumingin ng makakain doon.

"You okay now?" He asked.

"Okay naman talaga ako." Malamig kong sagot sa kanya.

"May ice cream diyan kung gusto mo." Aniya.

Kinuha ko iyon, pati na rin tinapay. Naupo ako sa dati kong pwesto. Nakaupo ulit kami ngayon sa magkabilang dulo.

Hindi ko siya pinapansin pero ramdam ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"You're too young." Bigla siyang nagsalita.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

"You can't be inlove with me." Bitaw niyang salita.

Napakurap ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"I'm not, I don't." Sagot ko.

"If you're planning to love me, please don't." Dagdag niya.

"Bakit mo ba sinasabi 'yan? Who told you I'm inlove with you?" Inis kong tanong sa kanya.

"No one told me. I just saw it." Sabi niya, mata sa mata.

Natamaan ang puso ko. Napaiba ako ng tingin.

"I see it when you look at me." He kept on talking. "You know, Khale, it can't be. Sa sitwasyon na ganito, hindi magandang maramdaman ang nararamdaman mo ngayon para sa akin. Sinasabi ko lang 'to para na rin sa sarili mong kapakanan."

"Bakit? Is it because you and Liz are together?" I asked sabay tingin sa kanya.

Nagtama kaagad ang mga tingin namin.

"No. We're not together." Diretsong sagot niya sa akin. "But you and I can't be together as well."

"Why?"

"Why? Do you want us to be together?"

"No."

Mabilis ang pagpapalitan ng mga salita kaya hindi ko na naiisip ang mga sinasagot ko sa kanya.

"You don't really know me. And I don't want you to know who I really am. Pigilan mo kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin. It's better that way." Aniya.

Kumirot ang puso ko. Hindi pa man nagsisimula ay natuldukan na.

Bakit ba ako nasasaktan? Hindi naman dapat. Hindi ko naman siya mahal. Hindi ko gustong mahalin siya.

"Hindi naman kita mahal. Niloloko mo lang ang sarili mo." Pagmamatigas ko.

"Is that so?" Aniya.

"Yes." Matapang kong sagot sa kanya.

"Then, believe whatever you want. Baka ako ang mali. Baka ako lang ang nag-iisip na mahal mo 'ko." Sagot niya.

Natawa ako para itago na hindi ko na nagugustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

I mind my own business as he minds his. Hindi kami nag-usap. Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain.

Kinabukasan, hindi kami sabay kumain. Hindi siya sumabay kumain sa akin.

"Kumain na ako. Kumain ka na." He said when I went downstairs.

Tumango ako. Hindi ako nagtanong pa ng kung ano-ano. I ate alone for the first time again, and it was so lonely.

"Magtatanim na ako." Sabi ko sa kanya nang madatnan ko siya sa terrace na nagbabasa.

Tumayo siya.

"Tutulong na ako-"

"Ako na lang. Kaya ko." Sagot ko. Bumaba ako nang hindi siya hinihintay na sumagot.

Buong maghapon, 'yun ang inatupag ko. Bumaba siya para makita ako. Hindi ko siya pinansin. Sa susunod na pagbalik niya, may dala na siyang isang pitsel at baso. Nilapag niya iyon sa isang upuan na nandito. Hindi ko siya pinansin.

Kumain akong mag-isa ulit. Wala akong pakialam.

Habang kumakain ako, pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom dahil may ginagawa siya sa sala. He's been facing his laptop a lot lately. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko na dala niya ang phone niya.

"Can I call my parents?" I asked.

Napalingon siya sa akin.

"Sasabihin ko lang na nasa mabuti akong kalagayan. And I need to tell them that my Uncle Timotheo is innocent."

"How sure are you that you're uncle is innocent?" Tanong niya pabalik sa akin.

Binitawan ko ang mga kubyertos na hawak ko.

"I know you know that he is innocent. Bakit hindi mo na lang ako ibalik doon? Madaming madadamay na tao-"

"You don't understand, do you?" Sabat niya sa akin.

"You. You don't understand." Tumaas ang boses ko, naramdaman ko ang tensyon sa katawan ko. "Ikaw ang hindi nakakaintindi.  This thing that you're doing will cause a lot of trouble. May pamilya ang Uncle ko, madadamay sila sa gulong 'to. Stop hiding me, Agui. And why are you hiding me, anyway?"

"I'm hiding you to keep you safe. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"Hiding me from what? From who exactly? May alam ka. Pero ayaw mong sabihin sa akin." Mabilis kong pagsagot sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita. Magkatitigan lang kami. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman namin sa isa't isa.

"I understand that you're trying to save me. But why? Why did you save me that night? May nalaman ka ba? May alam ka ba sa lahat ng 'to? Why do you keep me here? If you're really innocent-"

"How much do you trust your parents?" He cut me.

Natigilan ako. Nagkasalubong ang mga kilay ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"So, what are you trying to say? Ang parents ko ang may pakana nito? Stop putting the blame on them-"

"Answer my question." Diin niya sa akin. "How much do you trust your parents?"

Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa galit ko. I feel really offended.

"More than anyone." Matapang kong sagot sa kanya, mata sa mata. "More than you."

The next day, sinira ko ang gripo sa banyo sa kwarto ko. I asked him to fix it. And while he was fixing it, I went to his room. Find his phone, and texted my mom.

I should leave him. Dahil kapag nagtagal, baka hindi ko na siya magawang iwan pa.

Pinunasan ko ang mga takas na luha sa aking mukha bago ako lumabas ng kwarto niya.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon