15

1.4K 64 7
                                    

We spent the whole afternoon together, the three of us. Mostly, Nanay Lareng and Agui were talking about things I couldn't even relate. It was all about his childhood, when did he arrive here in the Philippines, what are his plans, etc. May nabanggit din si Nanay Lareng na wala siyang anak, mag-isa na lang siya sa buhay. Paminsan-minsan ay binibisita siya ng kanyang mga apo sa kanyang mga kapatid. Pero madalas, siya lang mag-isa.

When the night has come, pumasok na ako sa kwarto namin nang matapos akong maghilamos. Nadatnan ko si Agui na naglalagay ng pagtutulugan niya sa sahig.

Napaangat siya ng tingin sa akin nang isarado ko ang pinto.

"Sa lapag ka matutulog?" Tanong ko pa rin kahit alam ko na rin naman ang sagot.

"Yeah," he answered. Binalik niya ang atensyon niya sa pag-aayos doon. "Diyan ka na sa kama, dito na ako sa lapag."

"Is it okay? Kasi ayos lang naman sa akin na-"

"It's okay." Sabat niya kaagad.

Hindi na ako nagsalita pa.

Naupo ako sa kama. Sinusuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking mga kamay. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na napapaangat siya ng tingin sa akin paminsan-minsan.

"Ayos lang ba sa'yo na nakabukas ang mga bintana magdamag? Para pumasok ang malamig na hangin." Tanong ni Agui sa akin.

Nilingon ko siya.

"Yeah, it's okay." Sagot ko.

Hindi na tumagal, tumayo siya at binuksan ang mga iyon. Madilim sa labas, ni wala akong makitang ilaw na nanggagaling doon.

Tahimik, kapag gabi ay tunog lang ng kulisap ang naririnig. Tulad lang sa mansyon, ang pagkakaiba lang dito ay may kasama kaming ibang tao. Nakita ko rin kaninang hapon na may mga dumadaan-daan na mga tao, mga magsasaka siguro. Kilala sila ni Nanay Lareng, pero minsan lang sila dumaan kanina. Hindi tulad sa mansyon na walang nakakaalam kung hindi kami lang.

Nahiga ako sa kama. Ilang sandali pa ay dumaan sa harapan ko si Agui. Sinundan ko siya ng tingin. Pinatay niya ang ilaw. And just like that, it was all darkness.

"Tulog ka na." Dinig kong sinambit niya sa akin.

Pumikit ako. Sinubukan kong matulog. Ngunit ang isipan ko ay nagsimulang makipaglaro sa akin.

Lahat ng nangyari sa akin ay tumatakbo sa isip ko. Ang sunod-sunod na putok ng baril,  ang pagtatago namin ni Agui mula sa kanila, ang pagtakbo namin papalayo. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mahahanap nila kami. I don't feel really safe. Isa pa, pakiramdam ko ay mananaginip ulit ako at baka hindi na ako magising kinabukasan.

Natigil lang ang aking pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

Napalingon ako doon.

"Agui?" Tawag ni Nanay Lareng mula sa labas.

Napabangon ako kaagad. Pati na rin si Agui. Nagkatinginan muna kami, kahit madilim ay kita ko na pareho kami ng iniisip kahit sa tingin pa lang.

Mabilis niyang nilagay ang unan at kumot niya sa kama. Ang banig na ginamit niya ay mabilis niyang nilagay sa ilalim ng kama. Habang si Nanay Lareng ay patuloy na kumakatok mula sa labas.

"Nandyan na po!" Sagot ni Agui sa kanya.

Umayos ako ng higa sa kama. Inayos ko na rin ang kama.

Si Agui ay pumunta na sa pintuan, at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang kanina pang kumakatok na si Nanay Lareng. May dala siyang kumot.

Pinasadahan niya ako ng tingin bago niya binalik ang tingin kay Agui.

"Baka wala pa kayong kumot kaya nagdala ako." Sabi ni Nanay Lareng sa kanya.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon