22

1.4K 82 9
                                    

I need to stop thinking about Agui. I need to stop thinking that it matters to me. Kailangan kong itatak sa isip ko na hindi pwede, at kailangan kong tanggapin 'yon.

Tinignan ko siyang muli bago ako tuluyang bumaba papuntang kusina. Nadatnan ko sa kusina si Nay Lareng pero hindi kami nag-usap. Nagmano lang ako.

Nagtimpla ako ng aking tsaa, at lumabas na para maupo sa upuang kahoy na nasa bakuran.

Mahinahon pa ang hangin, ang sikat ng araw ay hindi pa gaanong lumilitaw sa paligid. Maaga pa.

I was just sitting there while having my hot tea. Then, I caught myself blankly staring at the ground. Nakatulala lang ako. Walang iniisip ng kahit na ano. I'm just...there.

It suddenly felt empty. I felt empty.

Realisations hit me like a landslide.

Agui has a woman named Maya. He doesn't like me, he even says that I should not fall inlove with him. Nay Lareng doesn't like me either. I can totally feel that. And the worst is, my own parents probably betrayed me. I'm not sure yet, but it just really shows.

Among all these realisations, pinaka mabigat ang tungkol kay Agui. Pinipilit ko naman na huwag isipin. Pinipilit kong tanggapin dahil una sa lahat, hindi naman talaga ako mahal ni Agui para isumbat sa kanya na nasasaktan ako. Pinipilit ko naman sa sarili ko na hindi dapat ako nagkakaganito ngayon. I'm trying.

But right now, it really bothers me. Everything bothers me. I can't stop thinking about it. The more I think about not thinking about it, the more I think about it.

"Khale!" Tawag sa akin.

Napatigil ako't napaangat ang tingin sa kung sino man ang tumawag sa akin.

It's Iton. He's outside the fence, wearing his usual shirt and loose pants. May dala din siyang isang basket na may lamang mga bote. And there is his smile, dimples showing at both sides of his cheeks.

"Iton," tawag ko rin sa pangalan niya.

Ngumiti ako dahil nakangiti siya sa akin.

"Aga natin ngayon, ah." He said.

Siguro, ganitong oras siya dumadaan dito at ngayon lang niya ako nakita sa oras na 'to.

"Oo nga, eh." Sagot ko naman. "Gusto mong tsaa? O kape?"

"Hindi na," sagot niya.

"Pupunta kang bukid niyan?"

"Oo, eh. Pero hindi rin ako magtatagal dahil pupunta akong kabilang bayan para ipagbili ang gatas ng kalabaw." Paliwanag niya sa akin. "Gusto mong sumama sa akin?"

Hindi ako kaagad nakasagot.

"Ngayon?" Tanong ko.

"Oo, ngayon." Sabi naman niya. "Sasaglit lang tayo. May mas mabilis na daan dito papuntang kabilang bayan. Hindi mahaba ang lalakarin natin."

Natahimik ako ng ilang saglit. Maybe, it'll be good if I make myself busy. Para hindi na ako mag-isip isip ng kung ano-ano pa.

"Sigurado ka bang saglit lang tayo?" Paninigurado ko sa kanya.

"Oo. Promise. Saglit lang." Tinaas niya pa ang kanan niyang kamay.

Napaangat ang tingin ko sa bintana sa kwarto namin ni Agui. Tapos ay binalik ko kaagad ang tingin ko kay Iton na naghihintay pa rin ng sagot ko.

"Magpaapalam muna ako sa asawa ko." Sambit ko sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto namin. Pero nadatnan ko na natutulog pa siya.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon