31

1.5K 72 4
                                        

The sunrays were touching his face when I woke up. I placed my palm on his cheek, and just stared at him for a moment.

I took a deep breath. Ilang minuto na din akong gising pero hindi ako bumabangon. Nanatili ako sa kanyang tabi habang yakap-yakap niya ako't natutulog siya.

What happened last night was real, right? The words that he said, the kiss and everything, it feels surreal. I can't believe that it is actually happening. That it happened.

I'm happy, but I'm scared at the same time. I'm happy that he finally took the risk, and I'm scared of what's coming next.

Thinking about it now, ang dami naming pagbabawal sa sarili namin para lang hindi makadating sa puntong 'to. We both knew that it wasn't right to love each other at this kind of situation. Ilang ulit niyang pinaalala sa akin 'yon. And then, there's Maya. But, I realised that it's not just about her.

Pinaghahanap ako dahil nawawala ako. No one in my family knows where I am right now. And here I am with Agui. No matter how I prove people that he is innocent, he's still the one that captured me that night. He's still the one that keeps me away from my family, from everyone. May mga batas pa rin siyang nilabag at nilalabag.

I suddenly felt really scared.

Huminga muli akong malalim, pumikit ako para alisin sa isipan ko ang mga bumabagabag sa akin.

Biglang dumampi ang isang kamay sa kamay kong nakahawak sa pisngi ni Agui. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at kaagad na nagtama ang mga tingin namin.

Napatingin ako sa kamay niyang may singsing at sa kamay ko na may singsing din.

Kumirot ang puso ko.

Hinawakan niya ang aking pisngi, at nilagay ang iilang hibla ng aking buhok na tumatama sa aking mukha sa likod ng aking tenga.

"I'm scared, Agui..." sambit ko sa kanya.

Natigilan siya't napatingin lang sa aking mga mata.

"Why are you scared?" Tanong niya. He sounded neither worried nor confused. He sounded like he really wanted to listen to me. He's always like that.

Patuloy niyang nilalaro ang aking pisngi sa kanyang palad. Pagkatapos ay hinawakan niyang muli ang kamay ko na nasa pisngi niya pa rin, at hinalikan ito ng ilang beses.

"We're gonna pay for this." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya tumigil sa ginagawa niya. Mas nilapit niya ako sa kanya, mas niyakap niya ako. Pinaulanan niya ako ng mga halik sa mukha, sa aking noo, at sa aking ulo. Pinisil niya ang aking braso, mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"You know that, right?" Tanong ko sa kanya, not minding what he's doing.

Pinag-usapan na namin ito, ilang beses na.

"I know..." sagot lang niya. Tumigil siya sa pagpapaulan ng halik sa akin, at niyakap na lang niya ako.

I can't see his face right now. Ang mukha ko ay nasa dibdib niya. His chin is on the top of my head.

"Anong gagawin natin kapag nangyari 'yon?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Ilang segundo kaming natahimik.

Kumirot ang puso ko.

He told me last night that he's scared as well loving me like this. He's scared to lose me. To lose everything after this. We're just the same.

Sobrang ramdam ko ngayon ang takot naming dalawa.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. And I know, he felt that.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon