Maaga akong nagising sa sumunod na araw. I feel very different. I feel like this day is gonna be a big day. Either it's gonna be my worst or best day ever. Pakiramdam ko ay kailangan kong ihanda ang sarili ko sa possibleng mangyari sa araw na 'to.
Today, I hope I can finally go home. I do hope that my parents can track my location through the text message I sent yesterday. I hope maniwala sila na ako 'yon. I hope, hinahanap na nila ako ngayon.
I looked at the painting on my wall. Kumirot ang puso ko sa pagtingin lamang dito. Gusto ko na yata talaga si Agui dahil pinapahalagaan ko ang painting na 'to. Pinahalagaan ko ang pinagsamahan namin kahit hindi naman dapat.
I hate feeling this way. I don't want to like him. Gaya ng sabi niya, ayoko rin na gustuhin siya. Because I know how much trouble it would cost for me. Obviously, he's a mistake I should not commit.
Bumaba ako. Hindi ko siya naaninag kahit saang parte ng bahay na 'to. There's food already, as usual. Ang kape na tinimpla niya sa akin ay mainit pa, hindi gaya noon na malamig na 'pag gising ko. But instead of staying in the kitchen, I tried to look for him still. Hinanap ko siya sa labas. And there, I found him watering the seeds in my garden.
Kumirot ang puso ko.
Why does he have to do this? He's making it hard for me not to fall inlove with him. He should stop doing this. He should stop being caring and kind to me as if he really does.
"Who told you to water the seeds?" Matigas kong tanong sa kanya.
Napalingon siya sa akin, at tinigil ang ginawa niya.
"I just-"
"This is MY garden. MY garden." Sabat ko sa kanya. Sa hindi malaman na kadahilanan, naramdaman kong namumuo ang mga luha ko sa aking mga mata.
Hindi siya nagsalita. Huminga lang siya ng malalim at nag-iba ng tingin. Lumabas siya sa bakod, at tinabi ang pinandidilig niya sa upuan na nandito.
"All yours." Sabi niya sa akin, mata sa mata, bago siya tuluyang umalis. Iniwan niya ako dito sa garden ko ng mag-isa.
Looking at it now, I don't feel any excitement anymore. We build this together. And now that he's not with me, it never feels this lonely.
Hindi ako nagtanim, o nagdilig. I just sat on the chair, and stared blankly at the nature. Pumikit ako at pinakinggan ang lahat ng tunog na kaya kong pakinggan. For a few minutes, I was just like that. Walang ibang iniisip kundi ang mga naririnig ko lang.
Until, a gunshot was fired.
Kumalabog ang dibdib ko sa aking narinig at napadilat kaagad ng aking mga mata. Nagsimulang manginig ang mga binti at kamay ko dahil sa takot. I suddenly remember what happened that night. A gunshot was fired as well before it got me into trouble.
Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil may naririnig na akong mga sasakyan na paparating, mga boses ng lalaki na nagsasabing pasukin ang bahay.
Patago akong pumunta sa gilid ng harap ng bahay kung saan nakita ko ang mga armadong lalaki na nakasakay sa isang pick-up na sasakyan. Isa-isa silang bumaba, at naglakad patungong bahay.
"Mukhang may tao." Sabi ng isa sa kanila.
I remember these faces. But I don't know where did I see them.
"Sabi ni Hidelgo dito daw. Pumasok na kayo at hanapin niyo si Khalila!" Pagmamando ng isa pa sa kanila.
Hidelgo. My father.
Hindi pa tuluyan na nagpo-proseso sa isipan ko, nagpaputok na sila ng kanilang mga baril. Sunod-sunod. Pinagbabaril nila ang bahay.
Napapikit ako. Tinakpan ko ang aking tenga dahil nakakabingi ang ingay. Tahimik akong umiiyak, tahimik na nagdarasal na sana panaginip lang 'to. Balot na balot ako ng takot ngayon. Nanlalambot ang buong katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/196236202-288-k519481.jpg)