19

1.4K 68 8
                                    

I don't really like him sometimes. Minsan, hindi ko na siya maintindihan. Palagi na lang siyang tama, palagi na lang akong mali. Palagi na lang siya, siya, siya.

Nakakainis siya. Gusto ko siyang sapakin. Nakakainis sa tuwing naiisip ko ang pagmumukha niya ngayon.

He doesn't need to say that he's really not my husband! He doesn't need to slap the truth on me like that! He's so harsh. Ang tigas tigas ng puso niya. Hindi man lang siya nagdahan-dahan. I'm sure he knows that I like him. Konting pag-iingat naman sa mga salita niya.

And he really had the audacity to act that way pa kanina? How dare him? Siya pa may lakas ng loob na umasta ng ganon. Sinabi ko lang naman na sabihan niya ako. Mahirap ba 'yon? He put me on this, he should take responsibility.

I hate him.

Naglakad ako ng naglakad patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan. I just really want space from him right now. Masasapak ko talaga siya.

"Khale?" Biglang may tumawag sa akin kaya ako napatigil sa paglalakad.

Napalingon ako sa aking likuran.

Nakita ko si Iton na nakasakay ng kalabaw. Sobrang lapit ng kalabaw sa akin, napaatras ako.

"Anong ginagawa mo dito? Tanghaling tapat." Sabi niya sa akin.

Tinignan ko ang kalabaw. Umatras ulit ako. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay sasagpangin niya ako.

"Naglalakad lang." Sagot ko, at doon pa lamang tumingin ulit sa kanya.

"Papunta sa?"

Natigilan ako.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Medyo nahiya ako sa sarili kong sagot.

Ilang segundo siyang natahimik. Tapos ay napatawa siya.

"Hindi mo alam?" Natatawa niyang tanong.

Tumango ako.

"May alam ka ba kung saan ako pwedeng pumunta? 'Yung hindi ako makikita ni Agui." Sabi ko.

Nagkasalubong ang mga kilay niya.

"Hindi mahahanap ni Kuya Agui?" He asked himself. Then, he pauses. "Nag-away kayo?"

"Hindi." Sagot ko naman.

"Alam ni Kuya Agui lahat ng pwedeng puntahan dito." Sagot niya sa akin. "Mahihirapan kang magtago sa kanya."

Umatras ulit ako kasi nakita kong humakbang ang kalabaw.

"Yeah," nasabi ko na lang. "Pero pwede bang ilayo mo muna sa akin ang kalabaw mo? Pasensya na."

Natawa siya. Lumitaw na naman ang mga dimples niya sa magkabila niyang pisngi. At sa kanyang pagngiti ay kumikinang ang kanyang mga mata.

"Itatali ko lang ito sa kulungan nila. Tapos balikan kita dito." Sabi niya, "Samahan kitang maglakad."

"Hindi na..."

"Sigurado ka?" Aniya. "Makikita at makikita ka ni Kuya Agui kung dito ka lang lalakad." Sabay tawa niya ulit.

"Saan ba tayo pupunta kung sasamahan mo 'ko?" Tanong ko.

Nakita ko siyang nag-isip.

"Hmm," he said. His pet moved again. So, I stepped backwards, again. "Pwede tayong pumunta sa kabilang bayan."

Kabilang bayan.

Natigilan ako. Hindi matutuwa si Agui kapag nalaman niyang pumunta ako ng kabilang bayan.

That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon