Chapter 6

360 13 0
                                    

MANANG: Eh 'yon naman pala eh. Tulog pa siguro ang mag-ama mo. Kain kana.

REGINA: Pero...

MANANG: Wala nang pero pero.. Tsaka nga pala, tumwag ba kagabi ang anak mo?

REGINA: Opo. Mga 11 na ng Gabi no'ng tumawag si Herminio eh.

MANANG: Oh bakit si Herminio ang tumawag? Akala ko ba si Thania ang tatawag?

REGINA: 'Yun nga po ang akala ko eh pero tulog na daw po siya *malungkot na Sabi*

MANANG: Oh ba't nalungkot ka ata? Buti pa nga at tumawag pa ang asawa mo eh, eh Kung Hindi 'yun tumawag?

REGINA: Siyempre kukutubin na Naman  ako. Miss ko na kase ang anak ko manang eh. Sa tingin mo manang, sinasadya ni Thania ang 'di magparamdam sa'kin?

MANANG: Ay hanako Regina, bakit Naman gagawin 'yun ng anak Mo eh Mahal ka no'n. Kumain kana nga at nang makapasok kana.

REGINA: Sige po manang. Salamat po sa almusal ha. Kumain na po ba kayo? Sabayan niyo na po ako.

MANANG: Ay kanina pa kami tapos. Para sa'yo talaga 'yan. Kain ka mabuti ha

REGINA: Sige po Manang. Salamat ulit.

MANANG: Pagkatapos mo kumain. Hayaan mo nalang 'yang pinagkainan mo diyan at ako na magliligpit. Magpakabusog ka ha, para maging malusog ka palagi, para may Laban ka sa sakit.

REGINA: Sige po manang. Maraming salamat po talaga.

MANANG: Tsaka nga pala? Matanong ko lang, Hindi na ba talaga kayo nag-uusap no'ng Michael na 'yon?

REGINA: Manang naman? Siyempre po hindi na. Tsaka Kung minsan Naman po eh kailangan ko siyang kausapin dahil sa trabaho, at 'di Naman namin maiiwasan 'yun 'diba? We have the same work place at pareho Rin kaming teacher, right?

MANANG: Nagpapaalala lamg Naman ako anak. Alam mo namang ayaw na ayaw no'n ng anak mo diba?. Maiwan na kita diyan at may gagawin pa ako *then left*

After mag-almusal ni Regina ay agad itong umakyat sa kaniyang kwarto upang maligo at magbihis. Nang matapos itong magbihis ay agad rin siyang umalis at pumasok sa paaralan. Lumipas ang mga Oras at tanghalian na. At alas sais na Rin ng umaga sa Italy. Pagkatapos kumain ni Regina ng tanghalian ay hinintay na naman niya ang pagtawag ng kaniyang anak, ngunit Wala siyang nahintay ni isang tawag Mula sa kanila.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, malapit nang umuwi ang mag-ama ni Regina, sa isang buwan ay uuwi na ang mga ito sa Pilipinas. Ngunit gayon pa man ay may tampong nararamdaman si Regina sa kaniyang mag-ama, lalong lalo na sa kaniyang anak. Sa kadahilanang Hindi ito tinawagan at kinakausap ng kaniyang anak Mula no'ng sila'y nakarating sa Italy.

*Makalipas ang isang buwan*

Ito na ang pinakahihintay ni Regina. Makakapiling na niyang muli ang kaniyang anak at ang kaniya asawa. Nang ginagabihan ay di inaasahan ni Regina na umuwi na ang mag-ama sa kanilang bayan. Ang akala niya ay mamalagi pa ang mga it sa maynila ng dalawang araw.

*Kinagabihan*

Habang nasa sala si Regina nanonood ng TV ay may biglang nagbukas ng pinto at sumigaw.

THANIA: *opens the door* Surprise Mommy! *masayang sambit nito*

REGINA: *kunwari di narinig*

THANIA: *malungkot*

HERMINIO: Regina nandito na kami? Di mo man lang ba kami papansinin? Honey Naman? *Sabay halik Kay Regina Mula sa likuran*

REGINA: *nagulat pero kinilig* Oh kayo pala 'yan? Buti naman nagparamdam pa kayo? *Kunwaring nagsusungit*

Nathania Jane Life's JourneyWhere stories live. Discover now