*Unti-unti nang nawala sa paningin ni Regina ang anino ng kaniyang anak. Kaya pumasok na lang ito sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ni Thania. Pagkapasok nito sa kwarto ni Thania ay pinagmasdan niya ang mga litrato na nakasabit sa dingding, kung saan makikita ang litrato ni Thania kasama siya at ang mga mensahe sa bawat litrato. Habang binabasa niya ang mga mensahe ay mas bumuhos ang kaniyang mga luha at nakaramdam ng konsensya sa mga nagawa at nasabi niya kanina.*
--- 12:00 ---
*Nakapaghanda na si Manang ng pananghalian at agad niyang tinawag sina Regina upang makakain na*MANANG: Regina!! Kain na anak?!! *Sigaw nito mula sa sala*
REGINA: Opo Manang pababa na po!! *Sigaw nito bilang tugon*
*Agad namang lumabas si Regina mula sa kwarto ni Thania at dumiretso na ito sa kusina*
MANANG: Asan si Thania anak? Hindi ba siya bababa para kumain?? Dadalhan ko nalang siya don ng kakainin niya ha? Teka lang at ipaghahanda ko siya at nang madala ko na sa kaniyang kwarto.
REGINA: Ahh Manang?
MANANG: Oh bakit anak? May problema ba?
REGINA: Umalis po kase si Thania... Ako nalang po ang nandito... *Pagsisinungaling nito*
MANANG: Ah sige? Dadalhin ko nalang ito sa kwarto ko at ako na kakain nitong hinain ko sayang naman kase kung itatapon at baka mapanis kapag sinauli ko pa...
REGINA: Sige Manang...Salamat po...
MANANG: Sige una na ako anak ha? Tawagin mo nalang ako kapag tapos kana kumain para mahugasan ko yang oinagkainan mo. *At unalis na*
REGINA: Sige po Manang salamat
*Ilang oras lang ay natapos ng kumain si Regina. Hinugasan na rin niya ang kaniyang pinagkainan upang hindi na magambala pa si Manang. Pagkatapos niya maghugas ay umakyat na siya at pumunta sa kanilang kwarto. Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay agad siyang himiga sa kanilang kama at inisip kung ano na ang nangyari sa kaniyang anak at nasaan na ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Thania ngunit hindi niya ito matawagan. Habang sinusubukan niyang tawagan si Thania ay dumating naman si Herminio dala-dala ang kaniyang magandang balita. Pagkapasok ni Herminio sa bahay ay dumeretso agad siya sa kwarto ni Thania upang ibalita ito sa kaniyang anak ngunit wala siyang nakitang anino ni Thania kaya dumiretso nalang ito sa kanilang kwarto*
--- KWARTO ---
HERMINIO: Hi Hon! *Sabay halik*
REGINA: Hi Hon! *Sabay halik pabalik* Kamusta naman araw mo Hon?
HERMINIO: Heto may maganda akong balita! Lalong lalo na sa anak mo. Tiyak matutuwa siya nito!
REGINA: Eh ano ba yang balita mo Hon at napakasaya mo naman ata?
HERMINIO: Asan na nga pala siya? Bakit wala siya sa kwarto niya? Eh hindi naman yun makakaalis o makakalabas kung hindi mo pinapayagan o wala siyang kasama eh?
REGINA: Ahh... Ehhh kasee... Ano ehh... Kase...
HERMINIO: Ano Hon? Bakit ka ba nauutal ha? May problema ba tayo?
REGINA: Ahh! Wala naman Hon?! Curious lang ako kung ano yang magandang balita mo? At bakit sa anak mo pa kailangang sabihin? Ano ba yang sasabihin mo??
HERMINIO: Eh kase Hon hindi na ako matutuloy sa pag-alis! Magtratrabaho na ako dito!
REGINA: Eh pano yung business niyo? Diba kailangan ka don?
HERMINIO: Mukhang hindi ka masaya Honey ah? Ayaw mo ba na mag-stay ako dito?
REGINA: Ahh ehh hindi naman sa ganon Honey! B-but...
YOU ARE READING
Nathania Jane Life's Journey
FanfictionThis story is for entertainment only. Read at your own risk. Kung sensitibo ka at hindi malawak ang imahinasyon. This story might not be the best for you to read.